Chapter 11

8.2K 515 849
                                    

Chapter 11: Amazing Race
Zanashi

"So, may isang galing sa grupo namin at isa naman galing sa grupo niyo ang magiging leader ng bawat team," banggit ng Tinig Party-list member habang nakatingin kay Geremy.

"Sige. Papaano ba ang pagpili ng grupo?"

"Kayong bahala. Kung saan kayo comfortable, doon kayo. I think you can start choosing now? Cres?"

Hindi pa nakapagsasalita ang tinawag niyang Cres ay bigla na lang tumaas ng kamay si Sulivan.

"Akin si Pantorilla.."

For a moment, I thought the world stopped. Pero nang makabawi sa gulat ay napagtanto kong talaga ngang huminto ang lahat sa pagsasalita at paggalaw. They gawked at Sulivan, probably couldn't believe what that idiot man just said.

I felt my face getting red when one of the youth council members pushed me towards Sulivan. My burning face brought everyone into reality and they started to tease us.

"Aphra, sa kanya ka raw oh. Sana lahat inaangkin!"

Isa pang tulak ay nasubsob ako sa dibdib ng humahalakhak na si Sulivan. Mabilis akong lumayo sa kanya at yumuko para itago ang namumulang mukha. Nakakainis! Ngayon lang ako nahiya ng ganito sa buong buhay ko.

"Take it easy, Sulivan. We're watching you for Elleanor's sake."

Nagtawanan ang mga members ng Tinig Party-list.

"Grabe naman kasi kayo. May malisya agad? Ang ibig kong sabihin, si Aphra ang gusto kong makagrupo."

I wanted to disagree and just ask someone from their group to take me instead of this man. Pero sa sobrang kahihiyan, hindi ko nagawang magsalita. Sa isip-isip ko ay ginigilitan ko na sa leeg si Sulivan. Sobrang nakakainis!

"Alright. That's settled, then. Aphra, go with Sulivan."

Nagpatuloy sila sa pagpili ng mga makakasamang leader sa isang team. Nang matapos ito ay dumiretso kami ni Sulivan sa first team. Nagpakilala muna kami sa mga bata bago tuluyang magsalita si Sulivan.

Kitang-kita ko ang excitement sa mata ng mga bata habang nakatingin kay Sulivan na pinapaliwanag ang mechanics ng game gamit ang simpleng salita.

Medyo natagalan kami sa pagpili ng team name dahil masyadong maarte itong si Sulivan. Kailangan daw sa pangalan pa lang ay may dating na. Hindi ko mapigilang umirap. Kung ako ang tatanungin, baka first team ang ipangalan ko sa grupo. Pangalan nga lang, aartehan pa?

"Kuya Sulivan, team Suliaph na lang! Para kuya Sulivan plus ate Aphra, Suliaph!"

Napapikit ako sa suggestion ng isang bata. Patalon-talon pa siya habang sinasabi iyon na para bang proud na proud siya.

"Suliaph? Di ba kanta 'yan?"

Sunod-sunod na umiling ang mga bata sa tanong ni Sulivan.

"Kanta 'yan, eh. Sa isang suliaph mo, nabighani ako," sabay tingin sa akin kaya halos ikunot ko ang lahat ng pwedeng ikunot sa buong mukha ko para ipakita ang pandidiri.

Humalakhak siya. Sobrang natawa rin ang mga bata. Umirap ako. Daming alam.

Nagdesisyon silang iyon na lang ang pangalan ng team namin. Pinabayaan ko na lang sila at tumingin sa ibang grupo. Sana sa ibang grupo na lang ako napunta. Inis na nga ako sa ideyang maglalaro kami, lalo pa akong maiinis dahil sa lalaking ito.

Tinipon kaming lahat sa gitna ng gym bago official na magsimula ang laro. Nang marinig ang senyales na pwede nang magsimula, tumakbo kami sa station na may pinakamalapit sa amin— Station 2.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now