CHAPTER 52

1.1M 37.6K 48.2K
                                    

CHAPTER 52

"SO, KAILAN ang kasal?" tanong ni Tita Heurt nang dumulog kami upang sumabay sa kanilang maghapunan. Malalim na ang gabi ay gano'n pa rin kami kaingay.

Bumuntong-hininga si Tita Maze. "Gustuhin ko mang mauna ang kasal kaysa bakasyon nila ay hindi maaari," umiiling siyang sumulyap kay Maxwell. "Sa tradisyon natin ay mukhang hindi pa kakayanin ng sitwasyon ni Maxwell."

Hindi ko naintindihan ang pinag-uusapan nila. Kaya naman bumaling ako kay Maxwell.

"Bakit?" tanong niya.

"Ano bang tradisyon 'yon, bakit hindi mo pa kakayanin?"

Bumuntong-hininga siya. "In our tradition,"mahina niyang pasimula. "We always bow down in certain ceremonies, that includes wedding. I can't do that yet."

Na-imagine ko ang tinutkoy niya. Tumango-tango ako. "Hindi naman tayo nagmamadali," ngiti ko. Ngumiti rin siya saka hinawakan ang kamay ko.

Sa huli ay napagplanuhan namin na after two months ang kasal sa Empery. Sa susunod na taon naman ang kasal namin dito sa Pilipinas. Pangarap ko kasing ikasal ng June.

"Tamang-tama pala ang kasal ninyo sa birthday ni Zaimin," sabi ni mommy.

Nagkatinginan kami ni Maxwell. "Gusto mong isabay natin sa birthday mo?" aniyang titig na titig sa mukha ko.

"Ikaw ang bahala," sabi ko na titig na titig din sa mukha niya.

Ganoon pala ang pakiramdam. 'Yong katotohanan pa lang na ikakasal na kami, ayos lang sa 'kin kung anong petsa ang mapag-usapan. 'Yong para bang wala ka nang pakialam kung kailan iyon mangyari kasi alam mong mangyayari at mangyayari. Alam mong pakakasalan at pakakasalan ka niya. Alam mong magiging mag-asawa kayong dalawa. Gano'n ang pakiramdam ko ngayon.

"Napaparami ang inom mo, baka malasing ka,"sabi ko.

Pero sa halip ay tumawa si Maxwell at ipinagsalin ako sa aking baso. Inabot niya sa 'kin 'yon saka niya dinampot ang sariling baso at bote ng wine. Dinala niya ako sa dulo, malapit sa infinity pool. May tangkula poolside couch doon na kasya ang dalawang tao.

"Kailan mo plinano ang lahat ng ito, Maxwell?"tanong ko nang mahiga kami roon.

Nakangiting iginala ni Maxwell ang paningin. "Bata pa lang ako ay ito na ang pangarap kong ibigay sa future wife ko," ngiti niya. "No'ng makilala kita, do'n ko sinimulan."

Natawa ako saka nagtaas ng kilay. "So, you're saying na no'ng makilala mo 'ko, alam mo nang ako ang mapapang-asawa mo?"

Nakangisi niya akong tinaliman ng tingin. "When I met you, ikaw na ang ginusto kong mapang-asawa, that's what I'm saying."

Iniakbay niya ang kamay sa likuran ko. Inihilig ko ang ulo sa kaniyang balikat saka kami bahagyang tumingala sa mga bituin sa langit. Sa kabila ng dami at ingay ng aming mga kasama, nakagawa kami ng sariling mundo. Ang sarap sa pakiramdam.

"No'ng makilala kita, doon ko lang ginustong mag-asawa," dagdag pa niya. Nakanguso akong tumingala sa kaniya, nata-touch. "No'ng makilala kita, sinabi ko sa sarili kong gagawin ko lahat para mapang-asawa kita."

"So, may gusto ka na talaga sa 'kin noon?"

Natawa siya. "Hmm."

"Anong hmm?" nakangusong tugon ko, natatawa.

"Of course," nagbaba siya ng tingin sa 'kin at tinitigan ako nang may paghanga.

"Bakit asawa agad? Hindi mo man lang ako niligawan, amaw ka!"

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon