Chapter 8: Gamot

22.8K 745 3
                                    

Primus

KAYDEN POV:

Nagising ako na masakit ang ulo kaya bumangon ako at pumunta ng cr para maligo.

'Ano ba ginawa ko kagabi?'

Pagkatapos kung maligo bumaba na ako at nakita ko si sam na kumakain. Sabihin na natin maganda siya pero galit ako sak'nya dahil sa pagpayag niya sa pisteng arrange marriage na yan! naglakad na ako papasok nv kusina ng mapatingin siya sakin pero agad din nitong inalis ang kanyang tingin. Kaya umupo na ako.

"Good morning"bati ko sak'nya at tinignan siya, ba't walang imik to?

"M-morning"nagapatuloy lang ako sa pagkain at pasulyap-sulyap na tumingin sakanya ng mapansin ko ang sugat sa noo niya.

"Ano nangyari d'yan?"napatingin naman siya sakin na nagtaka

"H-huh?"

"Ano nangyari sa noo mo?"nagbago naman ang emosyon ng mukha niya at nagpatuloy sa pagkain.

"Tanongin mo sarili mo"nagulat naman ako at napatitig sakanya.

'Tanungin ko sarili ko? bakit? ano nagawa ko? '

"bakit ko naman tatanungin sarili ko?"

"Tch!" di na siya nagsalita kaya kumain nalanh din ako. Weird!

SAM POV:

'bwesit yun! di niya ba alam na siya nakagawa nito sa noo ko? tch! '

"Ako na maghugas"tumango lang siya at naglakad palabas ng kusina.

"Sa liit ng sigat ng noo ko napansin niya pa? di kaya?"napaisip namn ako. tch! imposible yun sam wag kang assuming.

Pagkatapos kung maghugas ay pumunta akong garden at nagdilig ng mga halaman, pagkatpos ay pumunta akong kwarto at kinuha ang mga labahan .

"Kukunin ko nalang din kay kayden para labhan."pumasok ako sa kwarto niya at pagpasok palang maamoy mo na ang bango ng panglalaki. Ang linis ng kwarto niya para siyang babae at ano to? Kinuha ko naman ang picture frame sa sahig at nagulat ng makita ang picture.

"Siya kaya yung girlfriend ni kayden?"

Dalawa sila sa picture at maganda nga ang babae. Ang saya nila tignan sana kami rin ganyan.

"Ano ginagawa mo?!"napatalon naman ako kaya nabitawan ko ang frame at nahilog sa sahig kaya nabasag. Napatingin naman ako sakanya at nakatingin na siya sa picture.

"S-sorry... di'ko sinasadya"pupulutin ko na sana ng frame na nabasag ng nagsalita siya.

"Wag mona pulutin"pero di ako nakinig at nagpatuloy sa pagpulot ng frame ng nasugat ang kamay ko sa maliit na bubog. Nabigla naman ako ng mabilis siyang lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Sabi ng wag mo pulutin diba? ang tigas talaga ng ulo mo."naiinis niyang sabi at napatingin naman ako sakanya.

'Bakit parang concerned siya sakin? '

"A-akin na, maliit lang naman eh."hihilahin ko na sana ang kamay ko ng mahigpit niya itong hinawakan .

"Umupo ka muna sa kama at kukuha lang ako ng first aid kit."tumango lang ako at umupo sa kama, lumabas naman siya para kumuha ng first aid kit.

'Ang bait niya sakin, pero bakit?'

Nagmuni-muni ako ng bumukas ang pinto at pumasok siya na may dala ng first aid kit.

"Akin na kamay mo."hahawakn niya na sana ang kamay ko ng inilayo ko ito at napatingin naman siya.

"A-ako na, k-kaya ko naman eh"naiilang na sabi ko at masama niya naman akong tinignan.

"Akin na"nahila niya na nga ang kamay ko at sinimulang gamutin.

"Arayyyy!"sigaw ko ng mahapdi sa kamay ko nilagay niya.

"Sorry"hinipan niya naman ito at unti-unting nawala ng sakit"mahapdi pa ba?"lumingo lang ako kaya nagapatuloy siya sa pag gamot sakin at nilagyan ng band aid.

"Salamat"tumango lang siya at kinuha ang frame na nabasag.

"Sa susunod wag na matigas ang ulo."

"Sorry pala sa frame ah? di'ko sinasadya na mabasag."

"Okay lang, kasalan ko naman kaya nabitawan mo"Tumingin naman siya sakin at seryusong tumitig.

"A-ah bakit ang bait mo ata sakin ngayon?"Pero di siya sumagot at naglakad lang palabas ng kwarto niya.

'Ganun? deadma ang pig! '

Marrying the billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon