Chapter 4: These walls around me

21.5K 884 239
                                    


CHAPTER FOUR

These walls around me


"WAIT lang, Pa!" sigaw ko.

"Male-late na ako 'nak, mag-jeep ka na lang muna ulit. Bawi ako mamaya pag-uwi, susunduin kita!" sigaw niya mula sa baba. Sisigaw pa sana ulit ako pero narinig ko na 'yong malakas na pagsara ng pinto.

Okay.

Wala na.

Iniwan na 'ko ni Papa.

I groaned in frustration.

Bakit ba naman kasi medyo late ako nagising?

Padabog akong bumaba ng kusina para kumain. Buti na lang lagi talagang nagluluto ng almusal si Papa kahit minsan nauuna siyang pumasok.

Walang gana akong kumain at talagang binagalan ko pa 'yong pagnguya ko dahil wala naman na akong dahilan para magmadali pa.

Nang matapos ako kumain ay naghugas na ko ng mga pinagkainan ko at umakyat na sa taas para maligo.

I made sure I was all ready as I stepped outside the house, but I halted when I saw Trevor standing right in front of me. Leaning on his yellow wrangler, he glanced at his watch.

"Grabe. Late na tayo," umiiling na sabi niya at saka niya inayos ang kuwelyo ng uniform niya.

Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Bakit ka nandito?" kunotnoo kong tanong sa kanya.

Umayos siya ng tayo at tinaasan ako ng kilay. "I sent you hundreds of messages, Feem. Tinawagan rin kita ng ilang beses, but you weren't answering me," he stated, taking one step closer to me.

"Iniiwasan mo ba ako?" seryoso niyang tanong sa 'kin kaya napaatras ako.

Bigla kong naalala 'yong sinabi niya kahapon na susunduin niya ako.

Sineryoso niya talaga 'yon?

Umiwas ako ng tingin. "Just go, Trev. Kaya kong pumasok mag-isa," saad ko pero nang tingnan ko ulit siya ay nakita kong mas lalong tumaas ang kilay niya.

"Halos isang oras kitang hinintay. So, no. I never want my time to go to waste. You're coming with me." He walked to the side of the passenger seat and opened the car door for me.

Husay. Nanumbat pa eh. Wala naman kasi akong sinabing sunduin niya ako!

Pinilit ko ang sarili kong kumalma kahit ang aga-aga, iritang irita na naman ako sa kanya.

"Come on. Don't make me wait for another hour. And isa pa, binilin ka sa 'kin ng Papa mo kanina bago siya umalis."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"Nakausap mo si Papa?" gulat na tanong ko.

A confused smile escaped his lips. "Yeah. Anything wrong with that?"

Napapikit ako sa inis. Bakit ba lagi siyang lumalapit sa 'kin? Tapos nakausap niya pa si Papa. Ano ba talaga? Hindi ba talaga siya titigil?

Muli kong minulat ang mga mata ko at pilit na kinalma ang sarili ko.

"Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to pero sasama lang ako sa 'yo ngayon kasi late na talaga tayo," madiin na sabi ko. I don't want him to misinterpret anything.

His lips curved into smile like he has f*cking won a lottery. Shaking my head in disbelief, I let him assist me with getting on his wrangler. The moment I got settled on the passenger seat, I shooed him away. I heard him chuckle as he whirled around to the driver's side.

Nang makarating kami sa Belle Ville High School, nag-park siya sa may harap ng Madrid Entrance.

Kahit iwasan ko 'yong issue, issue na mismo 'yong lumalapit sa 'kin. Hindi pa man din ako nakabababa ng sasakyan ni Trevor ay nasa 'kin na lahat ng mga mata ng mga estudyante.

"Kaya ayokong sumabay sa 'yo eh," reklamo ko kay Trev at mahina naman siyang natawa.

"I can't blame them. You're with the captain," mahangin na sabi niya at saka niya ako inalalayan pababa ng sasakyan niya.

"I'm also the captain," I retorted. Mas lalo siyang natawa. "We're the captains," he said, nodding in agreement.

Bigla niyang kinuha ang bag ko kaya napangiwi ako. "Akin na 'yan," reklamo ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Look. I'm doing you a favor, Feem. If you don't want to be checked out by those guys from the basketball team, let me do this for you," saad niya sabay tingin doon kila Kyler na nakatingin sa 'kin. Ugh. This is why I hate Belle Ville's basketball team. Pinopormahan nila ako. Lalo na 'yong captain nila, si Kyler.

"'Di ko kailangan ng tulong mo, Trev," pagsasabi ko ng totoo at saka ko inagaw sa kanya ang bag ko.

Nagmadali akong pumasok sa entrance ng Madrid. Hindi tuloy ako doon sa main entrance dumaan, eh doon pa naman ang room naming. Mas napalayo pa tuloy ang lalakarin ko. I hissed in annoyance. Si Trev naman kasi, sa harap talaga ng Madrid nagpaparada palagi ng sasakyan niya dahil mas malapit sa Spartans Indoor Volleyball Court o mas kilalang SIVC.

Pagkadating ko sa classroom, umupo agad ako sa upuan ko at napakunot na naman ang noo ko nang makita ko ulit si Trev na halos kasunod ko lang dumating.

Akala ko didiretso siya kila Gonz pero sa 'kin siya bigla lumapit. He stared down at me. "What was that?" He scoffed. "I was helping you out there but you've blown me away," bakas sa boses niya ang kaunting pagkairita.

Teka? Bakit siya pa 'tong naiirita? "Did I ever ask for your help?" I countered.

Kumunot lalo ang noo niya.

"Baka talagang gusto mo rin sila Kyler? Kaya gano'n inasta mo sa 'kin kanina sa harap nila?"

Nagpintig ang tainga ko nang sabihin niya 'yon.

Gustuhin ko mang ipagtanggol ang sarili ko laban sa sinabi niya, pinili ko na lang manahimik at 'wag pumatol.

That was honestly insulting and disrespecting, but I have to stay calm. Nothing good will happen if I let his words get through my head.

I don't owe anyone an explanation. I don't have to tell them why I did what I did.

Telling them my side of story doesn't change anything. Been there, done that. End of story.

"Bakit 'di ka makasagot?" tanong niya at mas lumapit pa sa 'kin.

What is he trying to pull off? Hindi niya ba nararamdaman na hindi ako komportableng kausap siya?

I could feel all the eyes around me directly aimed at me and this stupid guy in front of me.

"Let it go, Trev. I'm not in the mood to talk to y—"

"Oh well, f*ck that sh*t. You were always not in the mood to talk to me. You know what? Treating everyone like a trash doesn't make you a masterpiece," madiin niyang sabi bago siya pumunta roon sa mga kaibigan niya.

I scoffed when I remembered so many people. It was them who treated me like a trash. Now that I'm returning the favor, they have the nerve to criticize me.

You don't know anything about me, Trevor Keen.

I built these walls around me for a reason.


___

Tiana: Spoiler, someone from Feem's past will be showing up in the next chap!

Please don't forget to vote and comment! :))

To Win The War (Belle Ville Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon