Chapter 6

43.2K 1.5K 391
                                    

"Everything is so
much better with you."

SA HALIP na sumagot ay pinutol ko ang tawag. I just want to be alone. Gusto ko lang naman ay idaan sa iyak ang sakit na nararamdaman ko.

Sumandal ako sa upuan. I looked outside. Muling tumunog ang phone ko. I grabbed it and turned it off.

Hindi ko alam kung paanong nangyaring hinahanap niya ako when he ignored me earlier. He even refused to drive me home.

Pero inaamin ko, dahil sa tawag na iyon, pakiramdam ko hindi ako nag-iisa pero hindi naman ako gahaman. Gusto kong mag-stick sa rule na ibinigay niya. And besides, hindi naman kami magkaibigan, hindi kami magkaanu-ano, hindi kami connected sa isa't isa. We just happened to know each other because of Catherine and Lucio.

I heaved a deep sigh.

What should I do now? Uuwi nalang ulit sa condo unit ko? Tapos maaalala ko lang siya, tapos iiyak na naman ako, tapos mamimiss ko siya, tapos masasaktan, tapos... at the end of the day, mag isa pa rin lang naman ako.

Umayos ako ng upo saka pinaandar ang makina ng kotse ko. I should go home. Natatakot rin ako sa sarili ko na baka kapag tumagal ako rito, baka kung ano pang gawin ko sa sarili ko.

Mahal ko ang buhay ko pero naiintindihan ko 'yung mga taong winawakasan nalang ang buhay nila, at dahil iyon sa matinding sakit na hindi na nila kaya pang harapin at hindi na nanaisin pang maramdaman iyon.

I drove to my condo.

Gusto kong intindihin ang dahilan ni Jero pero kahit saan ko tingnan na anggulo, mali e, nakakagago. I will never give him another chance. I want to forget him, I want to remove my feelings for him, I want to finally get free from him. Kahit pa lumuhod siya sa bubog, hinding hindi ko na siya babalikan pa.

Nang makarating ako sa building ng condo ay ipinasok ko sa parking lot ang kotse ko. I got out of the car.

"Where the fuck did you go, Maleha?"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon at nagulat ako nang makita si Arion. He's standing in front of me. He looked mad. Napaka-seryoso ng mukha niya.

Pinahid ko ang natitirang luha sa mga mata ko. "B-Bakit?"

He's glaring at me. Hindi ko alam kung ano bang gusto niyang mangyari. Napakalinaw ng rule na binigay niya. So bakit narito siya?

"Catherine is looking for you. She asked me to look for you."

Ah, I see. Nag-alala nga siguro si Cath kaya inutusan siyang hanapin ako.

"I'm already here. Tatawagan ko nalang siya. I will let her know that I am home."

I turned my back on him but I stopped when he grab my arm. Napaharap ako sa kaniya.

"What?" I asked.

"Did you go... to him?"

I frowned. Is he asking about Jero? Umiling ako sa kaniya saka binawi ang braso ko.

"You can go now, Arion." Sabi ko. "You don't have to break your own rule just because of Catherine. If she asked you to look for me, sorry."

Sumeryosong muli ang mukha niya. Namulsa siya saka tiningnan ako sa mga mata ko.

"Yeah. Catherine asked me to look for you. And that's it. Stop being a nuisance to others."

Hindi ko alam kung bakit parang bigla ay nakaramdam ako ng inis.

"Nuisance? Seriously? Paano ako naging abala sa mga tao sa paligid ko, ha? What rights do you have to tell me that?"

"What? Do you really think so? I wanted to go home but because Catherine is worried about you, he asked me a favor─"

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon