EULII21

1.2K 60 9
                                    

-

"Don't disappoint me, Ms. Laxamana."

-

Third Person's POV

"Eul, the four leading political parties of the Philippines sent their e-mails to the ME Foundation." Litanya ni Skyrus pagpasok niya sa opisina ni Eul kinabukasan.

Nakapagpahinga na si Eul at bakas sa kaniyang mukha ang aliwalas at maluwag na pakiramdam.

"Sheena, please call Ms. Laxamana, tell her to come here at my office ASAP." Baling ni Eul kay Sheena at agad namang tumalima ang huli at lumabas ng opisina.

"Sky, honestly... hindi ko alam kung pano ko haharapin 'yang mga 'yan." Baling naman ni Eul kay Skyrus.

"Eul, you have to... kaso ngayon mahihirapan ka kasi kailangan pumili ng ME Foundation kung sino susuportahan natin... back then, all four of the leading parties today came from one---which is the main party ME Group has been supporting for the past two decades." Mahabang paliwanag ni Skyrus.

"Look... I've studied everyone of them... all of them came from the Laban Para sa Bayan (LPB) Party which is headed by the current Senate President Ruffo Gatchalian with elected eight senators, 24 representatives and 47 local positions---" panimula ni Skyrus.

"The three strongest politicians withdraw their contracts and create their own party---" dugtong pa ni Skyrus.

Tumayo si Eul sa kaniyang upuan at naglakad palipat sa couch ng kaniyang opisina. Sinundan naman siya ni Skyrus at umupo sa tabi ni Eul. Hawak ang mga litrato at mga papeles, pinakita iyon ni Skyrus kay Eul.

"Senator Geraldyn Mendoza is now the chairperson of AKo Ay Pilipino (AKAP) Party with elected 16 representatives, three senators and 34 local positions." Tumingin siya kay Eul na ngayon ay hinihimas na ang sariling sintido sa kakaisip ng mga impormasyong sinasabi sa kaniya ngayon ni Skyrus.

"---next, the Para Sa Pagbabago (PSP) Party, headed by Vice President Lani Rodriguez with elected 2 senators, 19 representatives and 21 local positions---" pagpapakita ni Skyrus sa pangatlong partido.

"And lastly, the Aksyon Para sa Masa (APM) Party, which chaired by the House Speaker Benedict Santos with elected four senators, 15 representatives and 46 local positions---" sabi muli ni Skyrus.

"Sumasakit ulo ko sa kanila" sabi pa ni Eul sabay bahagyang tumawa.

"Still, the strongest party is LPB..." pagbibigay ni Skyrus ng kongklusyon.

"Then, let's support LPB." Sabi agad ni Eul at tumayo ngunit napatigil dahil sa sunod na sinabi ni Skyrus.

"The problem is, two weeks before tito William passed away... he withdrew the ME Foundation to LPB..."

-

"Mr. Chair, the LPB Party already replied to my e-mail..." paunang sabi ng lalaki sa tinutukoy na 'Mr. Chair'.

Sila ay naglalakad papasok sa Airport habang pinalilibutan ng higit sa sampung mga bodyguards.

"And?" Sagot naman ni 'Mr. Chair'.

"They are pleased to accept your offer." Sabi muli ng lalaki na naging dahilan ng lalong pagngiti ni 'Mr. Chair'.

-

"Spiro, di kaya masyadong revealing 'yang suot mo?" pagsita ni Kevin sa sinusukat ngayon ni Spiro na suit para sa kaniyang susuotin sa party ni Eul.

Tinignan lang siya ni Spiro at tinuloy ang pagsusukat.

"Bagay naman sakin ah---" di niya naituloy ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto at ibulwak ang tatlong bulto ng tao na inaasahan niya.

"Yon! Buti pumunta kayo pre" masayang pagbati ni Spiro sa tatlong lalaking pumasok.

"Syempre naman men... kaso ang mahal ata dito Spi..." pagpansin agad ni Jigs sa lugar kung saan nagsusukat si Spiro.

Napalilibutan sila ng mga mamahalin at mga eleganteng mga suit na kung susumahin ay mayayamang tao lamang ang nakakapagsuot.

"Ba't ganyan suot mo men, ano ka? Stripper?" Sabi bigla ni Kit sabay tawa nang bahagya.

Si Itchan naman ay nagmasid-masid sa paligid at pasimpleng sinusulyapan ang mga mamahaling suit.

"Gago... di ba bagay sakin? Kita naman abs ko dito ah" pagkuway na depensa ni Spiro sabay flex ng kaniyang muscles.

"Bagay naman men kaso kasi parang masyado mong pinapakita katawan mo" biglang sabi ni Itchan. Saglit na nagulat ang apat na nandoon dahil hindi nila akalain na magsasalita si Itchan.

Matapos kasi nang nangyari noon ay hindi na pinansin ni Itchan si Spiro at naging cold na rin ito sa tropahan.

"'Yun nga sinasabi ko sa kaniya... ayaw makinig ng tropa niyo" sabi nalang ni Kevin para mawala ang katahimikan sa pagitan nilang lima.

"Pero kung ako men, babaguhin ko 'yan..." sabi ni Jigs.

"Oo nga... nagpapapansin ka lang ata kay Eul..." pagkantiyaw naman ni Kit.

Nagtawanan silang apat maliban kay Itchan. Saglit na nagkantiyawan at saglit na nawala ang katahimikan.

"Mga ungas! Magsukat nalang kayo... ako na bahala sa inyo." Sabi nalang ni Spiro at hinubad ang kaniya para magsukat ng panibago.

-

"Mr. Espinosa, Mr. Pangilinan, all set na po tayo... bukas nalang po ang hihintayin natin..." masayang balita ni Ms. Laxamana sa magnobyo.

Hinigpitan ni Kean ang hawak niya sa kamay ni Eul at tinitigan ito.

"I'm expecting" sabi naman ni Kean sabay tingin kay Ms. Laxamana.

"I won't disappoint you, Mr. Pangilinan, Mr. Espinosa..." sabi muli niya sabay kuha ng mga papeles sa kaniyang bag at inilahad ito sa harap nina Eul at Kean.

"These were the papers you need to sign for the marriage contract---" at binigay niya ang dalawang ballpen sa magnobyo.

"Also, for the prenuptial agreement---" di niya natuloy ang dapat na sasabihin nang magsalita si Kean.

"Is it still required?" Napatingin si Eul sa ngayon na nakatitig sa kaniya na si Kean. Magsasalita na sana si Eul nang biglang nakisali si Sheena.

"Yes... Madrigal-Espinosa Group requires the prenuptial agreement... this agreement was sent by the legal department of ME Group." Si Sheena sabay pasimpleng ngumiti kay Kean. Hindi na iyon napansin ni Kean bagkus ay tinitigan si Eul.

"I'm sorry, babe." Sabi lamang ni Eul kay Kean.

Biglang ngumiti si Kean at walang atubiling kinuha ang ballpen at pinirmahan ang lahat ng kaniyang dapat pirmahan sa kontrata.

"Don't worry... I don't mind. I love you!" Matamis na pagkakasabi ni Kean sabay mabilis na halik kay Eul.

Sumunod na ring pumirma si Eul at pagkatapos ay binigay lahat ng papeles kay Ms. Laxamana sabay sabing---

"Don't disappoint me, Ms. Laxamana."

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon