Veintidós

161K 3.5K 76
                                    

Veintidós

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa 7-eleven na malapit dito. Bigla kasi akong nakaramdam ng gutom. Hindi ako makatulog. Wala akong kasama ngayon sa unit. Nasa bahay kasi si Yenny ng kapwa naming nurse dahil may mga bagay silang kailangan tapusin. Ayos lang naman. Kaya ko namang magisa. Alas diyes pa lang kaya medyo marami pang tao ang nasa labas. Safe pa naman ako.

Kung tatanungin niyo ako kung anong nangyari kanina sa ospital, ayun umalis din agad si Theo pagkahalik niya sa pisngi ko. Ayy! Ayan nanaman! Nakakaramdam nanaman ako ng pamumula ng mga pisngi. Hay nako, Aura! Ang landi landi mo! Para sa kiss lang eh! Ang hindi ko lang maintindihan, ano 'yong sabi niyang see you later?

Pagkaraan ng ilang minuto ng paglalakad ay narating ko rin ang 7-eleven.

"Good evening, Ma'am." Bati sa akin ni Kuya Guard ng 7-eleven.

Bumati rin ako pabalik at sinumulan ng maghanap ng mga pagkaing gusto ko kainin. Hindi ko nga alam kung ano ang bibilhin ko eh.

Nagtitingin tingin lang ako ng mahagip ko sa gilid ang isang strawberry cupcake. Nagiisa nalang ito. Para bang nagliwanag ang mga mata ko ng makita ko 'yon. Nako! Eto na siguro ang gusto ko kainin.

Narinig ko ang pagbati ulit ni Kuya Guard sa isang costumer na bagong pasok pero bahala siya. Wala akong pakielam kung sino 'yon. Ang importante sa akin ay makuha at mabili ko itong cupcake ko!

Aabutin ko na sana 'yon ng may isang kamay na biglang kumuha dito.

"Huy akin 'yan!" Tinignan ko ng masama ang taong kumuha nito.

Nakahoodie ito na itim. Hindi ko masyadong makita 'yong mukha ng bwisit na lalaking ito! Oo, tama kayo ng narinig! Lalaki siya dahil sa built ng katawan niya pati na rin sa height. Wala akong pake kung nakakahiya ang pagsigaw ko.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Maya maya lang ay binaba niya ang hoodie na nakalagay sa ulo niya at tumingin sa akin.

"I-Ikaw nanaman?" Hindi makapaniwala kong ani.

Tipid siyang ngumiti. "Hello again, nurse."

Is it me o parang feeling ko sinusundan ako ng lalaking ito? Ewan ko ba! Nagiging praning lang siguro ako. Eto na ba 'yong ibig niyang sabihin na see you later?

Nabalik lang ako sa katinuan ng inangat niya ang strawberry cupcake na gustong gusto ko bilhin. Akala niya papalampasin ko ang pag agaw niya sa cupcake ko ah?

"H-Huy! Akin 'yan.." Kinukuha ko ito mula sa kanan niyang kamay pero itinaas niya ito. Nahirapan akong kunin dahil matangkad si Theo.

"Akin na sabi eh!" Mukha na siguro akong rabbit ngayon dahil talon ako ng talon. Nananadya ata tong si Theo. Mas lalo pa niyang tinaas. Para bang aliw na aliw siyang pahirapan ako.

Mukhang ayaw ata ni Theo ibigay 'yon. Pagod na rin ako sa kakaabot kaya tumigil nalang ako. "S-Sige sayo nalang 'yan. H-Hanap nalang ako sa iba." Nakanguso kong sabi. Gustong gusto ko kasi kainin 'yon. Bagsak ang dalawang balikat kong lumabas sa 7-eleven ng wala akong mahanap na ibang nakakapagtakam sakin sa loob.

Naglalakad na ako pabalik sa building ng may tumawag sa pangalan ko.

"Nurse Aura!"

Unti unti kong nilingon ang tunawag sa akin. Nakita ko ang isang Theo na patakbong lakad na papunta sa akin.

Ano nanaman ba kailangan ng taong ito? Nasa kanya na nga 'yong cupcake eh!

"Bakit?" Malungkot kong tanong.

Imbes na sagutin niya ako, inangat niya lang ang isang plastic na may nakalagay na 7-eleven na logo.

"Don't be sad. Niloloko lang kita kanina. Kaya ko kinuha 'yon kasi gusto ko na ako ang bumili nun para sayo." Ngumiti siya labas dimples.

Unti unti ako ngumiti. Silly Aura! Nalungkot kasi agad eh!

"Talaga?" Mahinang tanong ko.

"Talagang talaga." Paninigurado niya.

Kinuha ko ang plastic. "Um thank you, Theo. Gusto mo bang sumama sa akin sa playground sa gilid ng building namin?" Pag aya ko.

Mukha namang harmless si Theo. Tsaka malay mo maging friends kami. Hindi pa rin naman ako inaantok. Wag niyong bigyan ng malisya ah! Kung may mangyari man, nandun naman si Kuya Guard ng building namin. Ayaw ko naman maging bastos kay Theo. Nilibre na nga ako tapos papaalis ko na agad?

"Sure." He slightly nodded.

Naglakad kami papunta dun. Saglit lang dahil malapit lang ito. Umupo ako sa swing. Umupo rin siya sa katabing swing nito.

Kinuha ko ang cupcake at nagsimulang kumain. Ang sarap talaga. Nakatingin lang sa akin si Theo. Medyo nakakailang nga eh. Natigilan ako sa pagkain ng may bigla akong naalala.

"Why?" Rinig kong tanong ni Theo.

I sighed. "May naalala lang ako bigla."

Tumaas ang isang kilay niya. "Ano 'yon?"

Tipid akong ngumiti. "Naalala ko lang kasi 'yong isang kaibigan ko. Sa swing din kasi yung huling time na magkasama talaga kami."

"What's your friend's name?" He asked.

"Miguel ang pangalan niya pero Migi ang tawag ko sa kanya." Masayang sagot ko. Kahit pala hanggang ngayon ay napapangiti ako ng taong 'yon. Proud na proud pa rin ako dahil naging kaibigan ko siya kahit na saglit lang.

"Miss mo na ba 'yong kaibigan mong iyon?" Nagulat ako sa sunod tanong niya.

I looked at him straight in the eye at ngumiti. "Oo. Miss na miss! Sana nga magkita na ulit kami eh isang araw e."

Nag iwas ito ng tingin pagkasagot ko at dali daling tumayo at naglakad paalis. Hindi na ito lumingon pa. Nalukot ang mukha ko. Bakit siya biglang umalis? May nagawa ba ako? Ayaw na niya ba ako kausap? May nasabi ba akong hindi maganda?

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon