EULII24

1.2K 60 50
                                    

-

"Welcome, Mr. Senate President Ruffo Gatchalian"

-

Third Person's POV

"Let's welcome! Mr. Eul Justine Espinosa, the new Chairman and CEO of Madrigal-Espinosa Group of Companies! Let's give him a round of applause!" Masayang pagpapakilala ni Ms. Laxamana sa kaniyang kliyenteng si Eul na ngayon ay eleganteng nasa harap ng mga kilalang personalidad.

Kita niya ang bawat isa mula sa kaniyang kinatatayuan. Lahat sila ay nagpapalakpakan. Sunod-sunod ang bawat flash ng camera sa kaniya na tila'y nakabubulag sa lakas.

Binigyan niya ng nakalolokong ngiti ang bawat isa at minasid ang tingin sa lahat bago huminga nang malalim at nagsalita.

"Good evening" pagkuway na pagbati niya sa lahat. Gamit ang mikropono, rinig na rinig ang kaniyang maamong boses sa buong espasyo ng mansion.

Ang lahat naman ay binati siya pabalik. Tumingin siya sa kaniyang likod at natanaw niya si Kean na nakangiti sa kaniya at sinesenyasan siya na ituloy ang sasabihin.

"I would like to thank everyone of you for being here at my bienvenida tonight." Panimula niya.

"Actually... hindi ko alam sasabihin ko eh" sabi niya pa at bahagyang tumawa. Ganoon din ang naging reaksyon ng kaniyang mga tagapanood.

"It's been a month since my parents died..." dugtong niya na nagpatahimik sa lahat. "It's been a month since I've seated at my throne..." sunod niyang ika.

"I know... my parents are here especially my father, Mr. William Espinosa, to guide me and secure me..." ang mga tao ay naging seryoso sa pakikinig sa kaniya. Si Eul naman ay bahagyang naluha ngunit pinigilan niya iyon dahil sa dami ng taong nasa harapan niya ngayon.

"After my father, I'm the third generation Chairperson and Chief Executive Officer of Madrigal-Espinosa Group of Companies, serving Filipinos nationwide and also, by the eagerness and perseverance of my father, serving the globe." Nagpalakpakan ang mga tao dahil sa kaniyang sinabi.

"Now, leading the biggest company in the Philippines, honestly, kauumpisa ko palang ramdam ko na yung pagod at bigat ng responsibilidad na iniwan sakin ni Daddy... and this... this is my message for you, Dad..." tumigil siya at iginala ang paningin sa mga tao. Bumuntong hininga nang malalim bago ngumiti at nagsalita.

"Itutuloy ko ang nasimulan niyo... I promise, I won't disappoint you... also, I will do everything for the justice of the both of you." Mapangahas na wika ni Eul na nagbunsod ng bulong-bulungan ng mga tao.

Mas lalong napuno nang katahimikan ang kaninang masiglang pagtitipon sa sunod na winika ni Eul.

"And this---" panimula niya sabay titig sa kamerang nasa harap niya. "This is for you... kung sino ka man... ikaw na walang awang pumatay sa mga magulang ko..." at ibinaling muli ang kaniyang paningin sa mga tao, iginala at hinanap ang taong kanina niya pa hinihintay na dumating. "Pagsisisihan mo..."

-

Rinig ang mga bulungan sa paligid, bulungan na tila'y hindi binubulong, kundi isinisigaw.

Inikot ni Kevin ang kaniyang tingin at kinalabit si Spiro ngunit hindi ito pinansin ng huli bagkus ay nakatitig ito sa taong nagsasalita sa harap niya. Puno ng pananabik at pangungulila.

"Anyways, aside from my bienvenida, I would like to call on my fiancé here at the stage---" sabi ni Eul sabay lingon sa kaniyang likod at pinaunlakan si Kean.

Biglang nakaramdam si Spiro ng kaba. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso at mabilis na dumaloy ang tila kuryenteng pakiramdam sa kaniyang buong katawan.

Inikot niya ang kaniyang paningin at nagsimula nang magpalakpakan ang mga tao sa paligid. Mabilis na napawi ang katahimikan at napalitan ng mas nakaririnding hiyawan dahil sa sunod na sinabi ni Kean.

"I am pleased to announce to all of you, Eul and I will be getting married this last sunday of July..." wika ni Kean matapos kunin ang mikroponong binigay ni Eul sa kaniya. Nakasukbit ang kaniyang kamay sa bewang ni Eul at mabilis na hinalikan ang nobyo sa labi nito.

Nakaramdam ng matinding kirot sa puso si Spiro na agad na nagpatayo dito. Sa sobrang dami ng taong nagpalakpakan at nagsitayuan ay hindi na siya napansin ng kahit na sino maliban kay Kevin na sinundan siya sa kung saan man siya pupunta.

Mabilis na dumaloy ang masasaganang luha mula sa mga mata ni Spiro na nangungusap habang tinatahak ang daan palabas ng mansion.

Bago pa siya tuluyang makalabas ng mansion, narinig niya pa ang huling sinabi ni Eul.

"Let the bienvenida begins, thank you for coming!" At napuno muli ng nakaiindak na tunog ang buong mansion.

-

"Mr. Chair, we're here." Pagkuway na wika ng lalaki.

Lulan ng magarbong sasakyan, tanaw ng tinutukoy na 'Mr. Chair' ang dalawang lalaking lumabas mula sa gate ng mansion ng mga Espinosa. Nakita niya pa ang isa na sinisipa ang kung ano mang bagay ang nasa lupang dinaraanan niya.

Nagawi ang kaniyang paningin sa napakalawak na grounds ng mansion kung saan dinaraos ang bienvenida ni Eul habang tinatahak nila ang parking area nito.

Isang ngiti ang kaniyang pinakawalan bago sagutin ang kaniyang tauhan.

"Finally, I'm home."

-

Masayang kumakain ang mga bisita habang pinapanood ang mga inimbitang performers na nagpapakitang gilas sa gitna, si Eul ay dumiretso sa kaniyang opisina kasama si Sheena at si Mr. Ong.

Si Kean naman ay dumiretso upang harapin ang kaniyang mga bisita.

"Eul, bakit tayo nandito?" Maikling saad ni Sheena sa kaibigang nananatiling tahimik habang nakaupo sa kaniyang upuan na tila'y may hinihintay na pumasok sa kaniyang opisina.

Hindi sumagot si Eul. Magsasalita na sana ulit si Sheena nang biglang may kumatok sa pinto na pumukaw sa kanilang atensyon.

"Mr. Espinosa, you have a visitor." Biglang sabi ni Mr. Ong matapos niyang pindutin ang kaniyang ear pods. Tumango lang si Eul at naglakad na si Mr. Ong palabas ng opisina.

Ilang sandali pa ang lumipas nang may nagbukas ng pinto at iniluwa nito ang kanina niya pang hinihintay.

Suot ang itim at mamahaling suit, kasama ang isang babaeng may hawak din na iPad na tulad rin ni Sheena, marahan itong naglakad papalapit kay Eul.

Puti na ang mga buhok nito at bakas na rin ang kulubot nitong mga balat. Nang makaupo sa tapat ni Eul ay agad itong bumati.

"What a beautiful bienvenida, Mr. Chairman" sabi nito na nginitian ni Eul.

Nilahad ni Eul ang kaniyang kamay bago magsalita. Mapangahas at tila'y nagbibigay ng babala.

"Welcome, Mr. Senate President Ruffo Gatchalian"

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon