EULII25

1K 51 4
                                    

-

"By the way... I'm Miles Espinosa, your half-brother"

-

Third Person's POV

"Oh... please take a seat" turan agad ni Eul nang tumayo pa ang senador upang tanggapin ang kaniyang kamay. Nang makitang hindi tumayo si Eul, siya na ang gumawa ng paraan upang abutin ang kamay nito.

"It's a pleasure to finally meet you... Mr. Chairman" sabi ng senador sabay dahan-dahang umupo.

Ngumisi muna ang senador at pasimpleng tumawa. Pinapakitang siya ay masaya na makita si Eul. Ngunit sa kabilang banda, kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ni Eul.

Kinabisado ni Eul ang hitsura ng taong nasa kaniyang harapan. Hindi maikakailang matanda na ito dahil sa puting buhok na pumupuno sa kaniyang ulo, kulubot na balat at mabagal na mga kilos.

Gusto man nilang pareho simulan ang usapan, ngunit wala ni isa ang nangahas na manguna. Sa puntong ito, pareho nilang pinakikiramdaman ang isa't isa.

Si Sheena naman na hindi sanay sa ganitong mga pagtatagpo, pilit na nakisabay sa agos ng eksena. Pinagmamasdan niya ang taong nasa harap ngayon ni Eul at tahimik na kinikilatis ito.

Tahimik at maaliwalas ang opisina ni Eul ngunit rinig parin nang bahagya ang tunog mula sa labas.

"Senator Gatchalian, ayoko nang magpaligoy-ligoy pa... why are you here?" Direktang tanong ni Eul na sumira sa pananahimik nilang dalawa. Hindi iyon inasahan ng senador at hindi niya rin maiwasan na hindi maipakitang nagulat siya sa tanong ni Eul.

Napalunok nang sunod-sunod at inayos ang kaniyang neck tie upang luwagan. Bahagyang tumawa bago nagsalita.

"Eul... anak... I know, familiar ka rin sakin, your father, we hang out a lot!" Masayang panimula nito. Tinitigan lamang siya ni Eul habang siya ay nagsasalita.

"Last time na pumunta ako dito, I saw you... college ka palang back then---" dugtong muli nito ngunit sinapawan agad ito ni Eul.

"Yes... yes---" pambabara lang ni Eul. "Anyways, I know why you're here... malapit na ang eleksyon." Segunda niyang muli.

"Right?" Wika muli niya nang hindi makasagot ang nasabing senador.

"Yes... you're right." Hindi direktang sagot nito.

"And?" Tanong ni Eul sa tonong may inaasahang isasagot ito.

"We would like you to reconsider the withdrawal of ME Group Foundation to LPB Party" sa wakas ay nasabi niya na ang ninanais niyang sabihin at dahilan kung bakit nandito siya sa harapan ni Eul ngayon.

Tumayo si Eul at pumunta sa desk niya. Inayos ang upuan at umupo dito paharap kay Mr. Gatchalian na ngayo'y nakaupo sa tapat ng couch niya. "As you can see, LPB Party is still the leading political party in the country" dagdag pa niya.

Si Eul naman ay binuksan ang drawer ng kaniyang desk at may kinuhang mga papeles. Matapos ay isinara muli ito. Tumayo at bumalik sa dating puwesto kung saan nakaharap siya kay Senator Gatchalian.

"Would you mind?" Sabi ni Eul sabay abot ng mga papeles dito na kinuha niya.

Kinuha naman agad iyon ni Senator Gatchalian at nanlaki ang mata sa ngayong nababasa.

"That's the contract signed by you and my father---10 Billion Peso donation to LPB Party from ME Group of Companies... am I right?" Pauna ni Eul.

Kita sa mukha ni Senate President Gatchalian ang gulat at pangambang nilamon siya nang mabilisan nang malaman ang nilalaman ng papel na binigay sa kaniya ni Eul.

Tumayo si Eul at naglakad patungo sa likuran ni Mr. Gatchalian. Bahagyang umatras ang babaeng nasa likod ng senador upang bigyan ng espasyo si Eul.

Naiwang tulala ang senador sa binulong sa kaniya ni Eul bago ito naglakad palabas ng sariling opisina.

"I won't reconsider the withdrawal of ME Group to LPB, unless... you give me the LPB's breakdown of funds in the last five years."

-

"Oh! Eto na pala ang bagong CEO ng ME Group!" Masayang pagbati ni Kit na pumukaw sa atensyon ng kanilang grupo.

Lahat sila ay nakaupo at kumakain habang dinadama ang nakaiindak na tugtog. Nang marinig ang sinabi ni Kit, sabay-sabay silang nagsitayuan at akmang lalapit kay Eul nang mabilis silang hinarangan ng mga bodyguards nito.

Kita sa mga mukha nila ang pagkadismaya habang si Sheena naman ay natawa nang bahagya dahil sa nangyari.

"It's okay..." sabi lamang ni Eul at ang mga bodyguards niya ay tinanggal ang pagkakaharang at pumwesto sa likuran niya.

"Oh, ano pang hinihintay niyo?!" Mapangasar na sabi naman ni Sheena sa kaniyang mga kaibigan.

Si Cassey at Clive ay dali-daling kumilos para yakapin nang mahigpit si Eul at ganon na rin si Sheena. Ang mga lalaki naman ay hindi na nakisali sa yakapan ng apat, bagkus ay sila-sila nalang ang nagyakapan.

Nang matapos ang yakapan agad naman silang bumalik sa kani-kanilang mga pwesto at si Sheena at Eul naman ay umupong magkatabi sa upuang nakalaan para sa kanila.

"Are you enjoying the night naman?" Pagkuway na sabi ni Eul nang magsimulang kumain.

"Oo naman! Lalo na 'yang si Kit, kanina pa yan pabalik-balik sa liquor station." Sabi naman ni Cassey.

"Isa pa 'yan si Jigs, Sheena kanina pa 'yan umiinom" segunda naman ni Clive na nagsusumbong kay Sheena.

Si Sheena naman ay pasimpleng kinurot ang nobyo sa hita na inireklamo naman ng huli.

"Aray naman!" Sabi lang ni Jigs at nanahimik nang panlakihan ng mata ni Sheena.

"Kaya pala mga mukhang nakainom na kayo" sagot nalang ni Eul sabay ikot ng tingin sa kaniyang mga kaibigan.

Mamula-mula na ang mukha ng napakaputing si Kit at papikit-pikit na ang mga mata ni Jigs. Si Itchan naman ay nananatiling tahimik ngunit bakas na ang tama ng alak sa kaniyang mukha. Sina Clive at Cassey naman ay nanatiling nasa wisyo upang bantayan ang tatlo.

"Hayaan mo nalang sila... kumain ka nalang diyan" pagpapaalala ni Sheena kay Eul na ginawa naman ng huli.

Nasa kalagitnaan ng pagkain si Eul nang biglang namatay ang nakaiindayog na tugtog at mabilis na binalot ang lahat ng nakapagtatakang katahimikan.

Ilang saglit lang ay narinig ng buong mansion ang napakalakas na busina na gumising kina Kit, Jigs at Itchan.

Ang lahat ay napalingon sa pinanggalingan ng nakaririnding busina at bumungad sa kanila ang isang engrandeng sasakyan.

Bakas sa mga mukha ng lahat ang paghihintay sa paglabas ng kung sino man ang nasa loob ng mamahaling sasakyan na umagaw sa kanilang atensyon.

Sa ilang segundong paghihintay, sa wakas ay lumabas na ang mga misteryosong taong lulan ng sasakyan. Sabay na lumabas ang nasa passenger's seat at driver upang pagbuksan ng pinto ang nagiisang taong nasa back seat.

Itim na eleganteng suit at balot ng mamahaling salamin ang kaniyang mga mata, tinahak niya ang daan patungo sa taong matagal niya nang hinihintay na makita.

Tumayo si Eul at ganon na rin si Sheena. Si Mr. Ong naman na kanina pa nasa likod ni Eul ay pinangunahan ang kaniyang mga bodyguards upang pumaikot kay Eul.

Nang makarating ang misteryosong lalaki sa harap ni Eul, tinanggal nito ang kaniyang salamin at ngumiti.

"It's nice to finally meet you, Eul." Bungad niya at inilahad ang kaniyang mga kamay.

Hindi ito tinanggap ni Eul, bagkus ay binigyan niya ito ng nagtatanong na mga mata.

"Oh... di mo nga pala ako kilala." Segunda niya ulit. Huminga siya ng malalim at ngumiti. Tumalikod kay Eul at humarap sa lahat ng mga taong nakaharap ngayon sa kanila.

Naglakad siya ng bahagya bago magsalita.

"By the way... I'm Miles Espinosa, your half-brother"

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon