CHAPTER 20

10.6K 434 33
                                    

[Ryuuji]

HALOS mabingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko habang mag-kayakap kaming dalawa ni Aika. Ngayon ko lang ito naramdaman mula ng magkamalay ako sa mundo. Nararamdaman ko rin ang pag-iinit ng pisngi ko. Ang malamig na dampi ng hangin sa aking balat ay hindi nakakatulog sa nararamdaman ko ngayon. Ganito pala ang pakiramdam ng ma-in love. Masaya.

"Yats, tayo ng pumasok sa loob baka lamigin ka rito sa labas," pabulong ko sa kanya.

Naka-upo kami sa bubung ng kotse ko habang magkayakap kaming dalawa. 

Hindi sumagot ai Aika kaya naman sinilip ko siya at nakita kong nakatulog na pala siya sa dibdib ko. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mukha niya. Tama nga sila maganda si Aika. Hindi ko napigilan ang kamay kong marahang haplusin ang buhok niya. Pagkatapos pumikit ako habang hinahamplos ko ang buhok niya. Limang minuto ko rin ginagawa iyon bago ko napag-desisyunan na buhatin siya at dalhin siya sa kanyang silid. Dahan-dahan akong bumaba sa kotse habang yakap siya, pagkatapos pumasok kami sa loob ng bahay at dinala ko siya sa kanyang silid. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto niya kumatok ako.

Ilang saglit pa bumukas ito at bumangad sa'kin ang Mama ni Aika.

"Oh, anong nangyari kay Aika?" May pag-aalala sa mukha ng kanyang Mama nang makita si Aika na walang malay.

"Tita, nakatulog po siya habang naku-kwentuhan kami sa labas. Ginigising ko siya, hindi naman magising kaya dinala ko na siya rito," 

Niluwagan ng Mama ni Aika ang pagkakabukas ng pinto. "Naku, tulog mantika talaga 'yan si Aika, mahirap 'yan gisingin kapag natutulog," sabi ng Mama ni Aika.

Dahan-dahan kong inihiga si Aika sa kama at pagkatapos pinagmasdan ko siya habang natutulog.

"Maraming salamat, Ryuuji sa pagdala mo rito kay Aika," sabi ng Mama nito.

Ngumiti ako sa kanya. "You're welcome, Tita." 

"Sige na matulog ka na, alam kong pagod na pagod ka na," 

"Salamat po, good night," sabi ko pagkatapos lumabas na ako ng kuwarto ni Aika at pumunta ako sa silid na tutulugan namin. Pagbukas ko ng kuwarto nakita ko ang dalawa kong kaibigan na mahimbing na natutulog habang nakabalot ng kumot, hinubad ko ang suot kong jacket at pagkatapos ay humiga na ako sa kama katabi ang mga kaibigan ko, habang nakatingin ako sa kisame hindi ko mapigilang ngumiti habang inaalala na ang nangyari kanina. Hindi ko akalain na sasagutin ako agad ni Aika. Ang akala ko tatanggihan niya ako. Our friendship is over, and we will go to the next level of our relation ang pagiging magkasintahan ay magsisimula na bukas.

                     *************

APAT na oras lang naitulog kanina ngunit sinadya kong bumangon kahit sumasakit ang ulo ko dahil sa alak na inimom ko kagabi at idagdag mo pa ang puyat. Ngunit kinakailangan kong bumangon ng maaga para surpresahin si Aika. Agad akong naligo pagkatapos sumakay ako ng kotse ko upang maghanap ng bouquet of roses. Ang sabi kasi sa'kin ni Fujima at Dan kailangan ko raw bigyan ng bulaklak si Aika. Gusto raw kasi ng mga babae ang bulaklak.

"Sir. Ito po ang mabenta sa'min na bouquet medyo pricely lang siya pero maganda siya," sabi ng tindera sa flowers shop.

Tumingin-tingin kasi ako ng mga bulaklak na maganda. Hinawakan ko ang bulaklak na hawak niya ng tindera.

"Sigurado ka ba'ng magugustuhan 'to ng girlfriend ko?" tanong ko.

Tumango ang tindera. "Opo, mas maganda po kung bibigyan n'yo siya ny love letter,"

Nagsalubong ang kilay ko. "Mukhang baduy  'yon," sagot ko.

"Hindi po mas gusto pa rin namin mga babae ang binibigyan kami ng bulaklak at love letter kaysa sa mga expensive things,"

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon