III - Astral Legends

991 84 6
                                    

"Ang tigas talaga ng ulo," Pang-ilang beses na 'yon na parinig sa akin ni Richard. Dinaig niya pa ang mga kapatid ko dahil sa pagkainis niya, sa aming lahat ay ako lamang ang hindi sumunod sa bilin ni Logan.

Nasa van kami na pagmamay-ari ni Clover na siyang nagdadrive. Napagalitan din nila si Hunter dahil hindi raw ako napigilan, gusto kong mainis pero matured na ako mag-isip at talagang kasalanan ko rin naman.

Tinahahak namin ang daan papunta sa Phantom Academy, sa pagkakatanda ko ang huli kong punta rito ay noong grumaduate ako. Hindi na muli pa akong bumisita dahil naging abala rin sa panibagong pagsubok sa aking buhay. Isa na rin naman akong ganap na Psychometrician dahil nakapasa ako noon sa board examination, kumuha rin ako ngayon ng masters degree sa ibang unibersidad.

Bugnot akong bumaba sa van pagkarating namin Phantom Academy, pansin ko ang malaking pagbabago sa eskwelahan. Sa bawat gilid ay may iba't-ibang mga imbensyon katulad na lamang ng basurahan nila kulay puti ito ay nag-iiba ang kulay dipende sa kulay ng basura na itatapon sa kaniya, maging ang basurang pinapaltok sa kaniya ay siya na mismo ang gumagalaw tuwing sala ang bato dahilan para sumakto sa basurahan ang basura.

Meron din naman na mga hologram na nakadisplay kung ano pangalan ng mga building. Pinakapansin ang isang tila isang billboard na hologram sa itaas ng field at doon nakalagay ang mga announcement. Marami pang mga kagamitan ang kakaiba sa palaigid na magpaparamdam sa iyo na ikaw ay nasa hinaharap.

Napangisi ako dahil kakaiba ang mundong ginawa ni Darren sa loob ng Phantom Academy, ginawa niya itong paraiso ng mga imbensyon niya.

"Sir Esquivel?" Dinig namin na sabi ng isang estudyante. Kunot noo na lumingon si Richard sa babae at nang makilala niya ay agad niyang kinausap.

"Shan, nagtuturo ba ngayon si Dar— I mean, si Professor Zircon?" Magalang na tanong ni Richard, saglit na nag-isip ang babae saka siya umiling kay Richard.

"Hindi po. He is absent kaya, and I think he is nakakulong to his dormitory," Sagot ng estudyante na malanding nag-flying kiss bago nagpaalam kay Richard.

Taeng 'yan, malandi ampota. Ay, bawal nga pala ako maging judgemental.

Dumiretso kami sa Celestial Kingdom dahil doon na nakatira si Darren. Dahil bida-bida ako ay ako ang nagbukas ng pinto sa Celestial Kingdom, halos lumuwa ang mata ko dahil sa bumungad sa akin. Tila nasa future ako, ang isang madilim na kwarto ay may iba't-ibang maliliit na A.I. ang naghahabulan tulaf na lamang nung tatlong bear sa we bare bears na naghahabulan sa ere. Ang kulay asul na neon lightning ay nagpaparamdam na ibang mundo ang lugar na ito, nakakabakit sa buong wall ang maraming computer screen. May mga hologram din na nag-uusap, mapapahanga ka na lamang talaga.

"Intruder! Intruder Alert!" paulit-ulit na sabi ng isang boses, ang lahat ng computer screen ay naglabas ng mga katagang 'Intruder Alert' maging ang mga cute na nga naghahabulan na A.I. ay biglang naging pula ang mga mata at lumingon sa pwesto ko.

"Oh, shit," I mumbled.

"Watch out!" Hinarang ni Hunter ang sarili niya sa pagsugod ng mga A.I. at halos humagalpak ako sa tawa dahil sa ginawa nila kay Hunter.

Inihian nilang lahat si Hunter, hindi ko alam kung paano nagawa iyon ngunit nakakatawa talaga ang pagngiwi ni Hunter. Napalingon kaming lahat sa isang lalaking humihikab na kakalabas sa kaniyang kwarto.

Dumiretso siya sa computer screens at tinanggal ang mga warning. Ilang beses pa siyang humikab at kumurap nang lumingon siya sa gawi namin.

"Naknang putcha!" Bulalas ni Darren pagkakita sa kabuuan namin. May saglit siyang ginawa sa computer niya dahilan para tumigil ang mga A.I. sa pag-ihi kay Hunter.

Hyazinth: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon