Chapter 5: The visitor

21K 755 373
                                    


CHAPTER FIVE

The visitor


I tried giving my full attention to the career guidance orientation that's happening right now, but my mind's really not cooperating with me.

The auditorium was full of students having their own conversations, ignoring the person talking on the stage.

"Saan mo balak mag-apply for college?" tanong sa 'kin ni Madette na nakaupo sa tabi ko.

"Oo nga, Feem! Saan mo bet?" Derris cut in. He's Mad's best friend and he's gay. I find him amusing, actually. He's really good-looking and kind. Hindi na ako magtataka kung bakit magkaibigan sila ni Madette.

Napaisip naman ako sa tanong nila at napakibitbalikat na lang ako. "Hindi ko pa alam. Pero balak ko malapit lang din dito sa Belle Ville," sagot ko.

Tumango-tango si Madette. "Gusto ko nga rin sana 'yong malapit lang dito sa Belle Ville, kaso wala kasing med school dito. Balak ko kasi mag-pharma muna tapos itutuloy ko agad 'yong med school after," pagkukuwento ni Madette kahit hindi ko naman tinatanong. Well, good for her. She has plans for her future and I don't have any.

Nang matapos ang career guidance talk, nag-unahan nang lumabas sa auditorium ang mga estudyante dahil may announcement na raw ng class suspension. Ni hindi ko nga alam na umuulan pala sa labas. Nalaman ko lang no'ng nagdidiwang na 'yong mga estudyante dahil gusto na nilang umuwi.

Making my way down the crowded hallways, I noticed the part of the floor where it's all wet and slippery. Panigurado 'yong basketball players ang may gawa nito. Mahilig kasi magbasa ng sahig 'yon lalo na kapag umuulan. Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa 'yon. Masama na nga ang panahon, ginagawa pa nilang madulas lahat nang dinadaanan.

I stopped in front of my locker, ignoring the students walking down the hallway. Locker ko 'to para sa mga gamit ko for academics. Iba pa 'yong locker namin as players sa SIVC.

Binuksan ko ang locker ko at ikinagulat ko ang biglang pagkahulog sa sahig no'ng napakaraming papel at . . . chocolates?

Pinulot ko ang ilan sa mga papel at tiningnan kung ano ang mayroon sa mga 'yon pero pinagsisihan ko rin agad kung bakit pa ako nag-abalang silipin ang laman no'n. It was a love letter. Teka, lahat 'to love letters?

Napakunot ang noo ko. Kaya pala may mga chocolates pa. Napailing na lang ako saka ko pinulot lahat nang natapon sa sahig at inilagay iyon sa tamang lagayan. Sa basurahan.

Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita kong may mga bulaklak pa pala sa locker ko.

Napayukom ang kamao ko.

They're doing this not because they admire me. They're obviously doing this because they look down on me. They think I'm so easy to get.

Padabog kong kinuha ang mga bulaklak na 'yon at tinapon din sa basurahan. Now my locker's all clear and . . . normal.

Kinuha ko ang ilan sa mga libro ko at saka ako pumasok sa classroom para kunin ang bag ko. Napansin kong wala na agad ang mga kaklase ko pati ang mga gamit nila. Grabe, kapag may suspension talaga ang bibilis nilang kumilos.

Nilagay ko na sa loob ng bag ko 'yong mga libro ko at akmang lalabas na ng classroom pero natigilan ako nang makita ko si Trevor na pumasok. Nang makita niya ako ay agad niya ring inalis sa 'kin ang paningin niya. Dumiretso siya sa upuan niya at saka niya kinuha 'yong bag niya bago tuluyang umalis.

Okay?

Why did I even waste my time watching him go? Shaking my head in disbelief, I got my bag and walked out the door.

To Win The War (Belle Ville Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon