IV - Job Class

877 74 4
                                    

"Hoy! Lagot ka sa 'kin pag-prank 'to!" Galit na duro ni Zayn kay Darren. Napa-facepalm na lang ako dahil sa reaction niya.

Lumingon sa akin si Zach at nagsalita,"Scarlett-chan, basahin mo nga utak niya." he was pertaining to Darren, pinaltok ko ang unan na nasa likod ni Hunter kay Zach dahil ang bobo niya.

"Hindi ako mind reader." I bluntly said.

"I swear, hindi ko alam ang nangyayari." Sabi ni Darren. I examined him and looked at the twins.

"He's not lying." I said.

"Hindi raw mind reader." Zayn mumbled. Parehas kong piningot ang kambal na nakakairita saka bumalik sa aking pwesto."Lagay niyo na yung mga contact lens para makita niyo na yung nakikita ko."

"Mumu?" Zeus asked.

Nag-iba bigla ang ihip ng hangin, nabalot kami ng katahimikan hanggang sa tumunog ang cellphone ni Travis. Kunot-noo namin siyang tiningnan dahil mas kailangan niya ng atensyon kaysa sa walang kwentang biro ni Zeus.

"Dude, sana okay ka lang." Bulong ni Austin kay Zeus. Poker face lamang siyang tiningnan nito saka tumingin ulit sa unahan niya.

"Condolence sa biro mong maagang namayapa." Natatawang sabi ni Hunter. Masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya dahil hindi naman nakakatawa yung joke.

"Guys, nakatanggap din daw si Mr. Romualdez at Shaina ng contact lens. She's asking what the fuck is this all about." Travis said. So, obviously, hindi lamang kami ang nakareceive ng contact lens. Hindi lang din kami ang mga nakapagregister sa laro.

And I think, base sa natanggap ni Travis na message mula sa kaniyang girlfriend and because it is connected to Danima. I am one hundred percent sure na invited din ang mga players noon.

Pero ano nga ba ang gustong mangyari ng hacker? Anong gustong mangyari ni Hyazinth?

"Hey, naisip ko lang ha." Nakuha ni Thalia ang atensyon namin dahil sa bigla niyang pagsasalita. Hindi naman kasi siya nasali sa usapan ng mga matatalino.

Oops, bawal judgemental.

"Hyazinth is the bloody zircon... It means, ikaw ang puntirya niya, Darren. You said earlier, Hyazinth was mocking you. May ginawa ka bang katangahan or something?" Thalia said. Nag-isip nang mabuti si Darren at tila hirap siyang alalahanin ang mga bagay-bagay.

"Wala namang may galit sa akin. Naging careful na ako simula noong binura natin ang Danima. Magkakasama nating binuwag ang Zodiac Council." Darren said.

Five years ago, during our sophomore year, we ended the Danima. Binuwag namin ang Zodiac Council at ginawang off-limits ang Zodiac room. Napalitan ang Zodiac Council ng Student Council, hindi na rin naman kami ang namuno roon dahil pinabayaan na namin ang title na iyon sa iba. Pakiramdam namin ay kami ang may kasalanan at dahil sa pagkakakulong ng mga estudyante at guro sa virtual world.

"Then, let's check this thing." Logan said. Pareparehas nilang binuksan ang mga box nila, parang Christmas Party tapos hindi ako niregaluhan nung nakabunot sa akin. Kainggit.

Nanonood lamang ako sa kanila habang naglalagay sila ng mga contact lenses.

"Woi! Ang lupet swipe kayo sa hangin!" Excited na sabi ni Maddie. Luh, nakita ko na kaya 'yun kagabi.

Nag-swipe ako sa hangin at lumabas sa harap ko ang holographic screen.

【Welcome to Astral Legends, Amethyst!】

╔═════════ஜ۩۞۩ஜ═════════╗

【CHARACTER PROFILE】

Hyazinth: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon