Chapter 8

43.7K 1.5K 350
                                    

"Losing someone
changes a lot."

KENNETH is driving his car. Hindi planado na sumama ako sa kaniya but I needed to get out of that place dahil kay Arion.

Hindi ko alam kung paanong nangyaring nagkakaganoon siya. He's getting in my nerves at hindi na nakakatuwa iyon.

"Are you okay?" I asked him.

Saglit niya akong tiningnan saka inalis rin ang tingin. "Suntok lang 'yon, Maleha. Walang wala sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko."

Hindi ko alam kung maaawa ako o ano. But he's right. Nothing hurts more than a heartbreak.

"Pero kahit na, Kenneth. Pagkatapos ng ilang taon, ngayon lang ulit tayo nagkita tapos nasuntok ka pa."

"Is he your ex? I thought it's Jero."

Of course he knows Jero kasi nga sa iisang school lang kami pumasok noong college.

"Actually, no. He's no one. Kakilala lang."

"But he said he's your girl."

I rolled my eyes. "Naniwala ka naman agad. I'm no one's girl."

"Ah, right, you're single."

"Oo naman! Single na tayo dahil sa mga ex natin na sinaktan tayo." Sabi ko.

Napailing siya.

"Why do people cheat..." aniya habang nakatutok ang mga mata sa daan.

Natulala ako sa tanong noyang iyon.

"Bakit nga ba..."

"Fuck them for breaking our hearts."

"Yes fuck them." Pagsang-ayon ko. "Saan ba tayo nagkulang? We know that we gave our all, we did our best, pero kulang pa rin."

"Hindi naman tayo nagkulang, Maleha. Hindi lang talaga sila nakuntento."

"Right." Sabi ko. "Pero alam mo, hindi ko rin maiwasang tanungin ang sarili ko kung ano bang nakita niya sa babaeng iyon na wala sa akin. Pangit ba ako?"

He chuckles. "You're beautiful, Maleha. Minsan hindi naman 'yan dahil sa itsura, gago lang talaga siya na nagpalandi siya sa iba."

Huminga ako ng malalim. Minsan nga naiisip ko, baka mas magaling iyong babae na 'yon kaya nagawang ipagpalit ni Jero ang ilang taong pagsasama namin.

"Sabagay, talo naman talaga ng malandi ang maganda. Aanhin mo ang ganda mo 'di ba?"

"He's blinded by lust. If he really loves you, kahit pa hindi ka maganda, Maleha, kung mahal ka niya, hindi ka niya ipagpapalit at lolokohin."

I smiled bitterly. "Fuck his love, then."

"You should move on." Aniya. "You deserve someone who will love you whole heartedly."

"Makakatagpo pa na ako ng ganon? Para bang napakahirap nang makahanap ng lalaking ikaw lang ang mamahalin. Iyong hindi madadala sa paglalandi ng iba."

"It takes time to meet your destiny, Maleha. Baka nga hindi mo alam, nariyan nalang siya sa paligid."

As if naman. Mas gugustuhin ko nalang yata na mag-isa kesa masaktan ulit ako kasi baka hindi ko na kakayanin pa sa susunod.

"Ikaw ba, Kenneth. Anong ginagawa mo para maka-move on? Sumama sa foreigner iyong ex mo 'di ba? She chose money over you."

He took a deep breath. "Doing things that I can be busy. Sabi kasi nila, mas madaling maka-move on kapag tinutuon mo sa ibang bagay ang pansin mo, with that, hindi mo siya maiisip." Tumingin siya sa akin. "Yes, I do the cooking, I do the cleaning."

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon