Chapter 18

7.2K 454 332
                                    

Chapter 18: Result
Zanashi

"Guys! They already posted the result of our mockboard!"

Halos lahat ay napasinghap nang marinig ang balitang iyon. Kakatapos lang ng recitation namin sa law at paalis na sana kami sa classroom nang i-anunsyo ito ng kaklase namin.

"Shit! Di pa ako ready mabagsak!"

"Ang tax ko, potek! Himala na ata kung umabot ang score ko ng 20."

"Ba't ba kasi kinalimutan mo na magkaiba ang income tax at taxable income? Tanga tanga nito!"

"Aba'y ikaw na ang matalino Celline! Ikaw na talaga!"

"Tara na nga lang! Sobrang dami ng mga tao sa corridor!"

Nanginginig kong kinuha ang libro ko. Wala na akong lakas para ilagay ito sa bag ko kaya binitbit ko na lamang ito. Punong-puno na nga ng mga estudyante ang corridor. Mula first year hanggang fourth year ay nagdagsaan para makita ang result.

Malayo pa lang ay kitang-kita ko na ang screen kung saan nakalagay ang result. Dahil hindi naman kalakihan ang font ay hindi makita mula dito sa pwesto ko ang mga nakasulat sa screen.

Ilang minuto kaming nakipagsiksikan. Lahat ay atat na makita ang resulta. Unti-unti ay umuusad kami dahil mabilis na umaalis ang ibang nakakita na ng result.

Napayakap ako nang mahigpit sa libro ko nang maramdaman ang panibagong mga estudyanteng nagdagsaan sa likod ko.

Hindi ako sigurado kung matatanggap ko ba ang resulta ng mockboard ko. Akala ko ay matatanggap ko kung ano man ang resulta nang dahil sa pag-uusap namin ni Papa pero ngayong nandito na, parang hindi ko kaya.

"Excuse me."

Bahagya akong umurong nang marinig iyon. Isang third year student ang dumaan sa gilid ko habang umiiyak. Tingin ko'y kakakita niya lang ng kanyang score. Muli kaming umusad. Sobrang ingay ng mga nasa likuran pero ang mga estudyanteng nasa harap ay natatahimik.

Nang sapat na ang layo namin para makita ang mga nakasulat sa screen ay labis-labis ang kaba ko. There are three screens attached to the ceiling. Ang dalawang maliliit na screen ay pinapakita ang kabuuang rankings ng mga students per year level kasama ang score sa mockboard. Samantalang ang nasa gitnang pinakamalaking screen ay pinapakita ang top ten sa bawat subject per year level.

Pagdating doon ay first years muna ang pinakita. They have taken only one subject so it was flashed quickly. Agad na nahanap ng mga mata ko ang top one.

Top 1: Carolline Gracey de Lopezes

"As usual, Carolline was made for accounting," dinig kong sabi ng mga first years sabay alis.

Umabante ako para makita nang mabuti ang screen. Pinapakita na ngayon ang top students sa second year. Unang pinakita ang score sa accounting. Hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko habang isa-isang tinunton ang rank.

Financial Accounting & Reporting
Top 1: Sulivan de Lopezes
Top 2: Oliver Tan
Top 3: Airah Grace Ferrer
Top 4: Victor John Makasagi
Top 5: Princess Celline Zaman

Halos hindi na ako humihinga nang makitang wala pa sa top five ang pangalan ko. Kinagat ko ang labi at tiningnan ang bagong mga pangalang inilabas ng screen.

Top 6: Kylamae Ramos
Top 7: Van Paolo Hermoso
Top 8: Aphra Danine Pantorilla
Top 9: Diana Fabio
Top 10: Luisa San Jose

Hindi ako makapaniwala habang nakatingin dito. Muli kong tiningnan ang pangalan ko at dahan-dahang napailing. Wala na akong oras para mag-isip nang muli na namang ipinakita ang top ten sa law.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now