Prologue

21 1 0
                                    

"Are you sure Atty.?" Gulat na tanong ko sa Atty. na nasa harap ko ngayon at busy na nilalatag ang mga paper na may mga pirma.

"Yes Mrs. Rivero" sumbat ni Atty. Smith at agad naman nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya

"Mrs. What?" Sagot ko sakanya at halatang naguguluhan siya

"I'm sorry but I saw your marriage contract here" kinuha niya yung papel at inabot saakin

Kinuha ko yung papel at nanlaki ang mga mata ko dahil nagtataka ako kung bakit pareho kaming nakapirma sa papel dahil wala namn akong naalalang pinirmahan. Dalawang taon na rin ang nakakalipas.

Tinanung ko ulit kay Atty. Ven kung totoo ba at legal ang marriage contract at sinabi niya itong oo.

Natapos na ang pagkikita namin ni Atty. Smith at dahil nasa mall na rin ako ay nag grocery na rin ako.

Bumili lang ako ng pang 3 days stock, Gatas at Diapers dahil uuwi na rin lang kami sa Pilipinas kaya napagpasyahan ko na rin na imeet si Atty. Smith para sa mga papers.

Habang nasa counter at hinihintay ko ang pila napagpasyahan kong tawagan muna si Kayla para tanungin kung anong gusto niya.

"Hello?" sagot ni Kay

"Hello, ano gusto paea mag drive thru nalang tayo for sure napagod ka na rin nag-alaga kay Athena haha" sagot ko sakanya

"Ay tumpak ka jan napaka kulit haha parang gusto ko ng chicken ng popeye eh haha" sabi ni kayla

"Sige sige magbabayad na rin ako malapit nako sa counter, bye"

"Okia bye"

Pinatay ko na ang tawag pagkatapos makasagot ni Kayla

Pagkatapos ko bumili sa popeye ay umuwi na rin ako.

Pagka uwi ko ay sinalubong ako ni Kayla at nilagay ang mga pinamili ko sa kusina nakatulog na si Athena sa sala kaya pinuntahan ko sya sa sala. Ang himbing ng tulog niya napaka ganda talaga niyang bata. Naawa lang ako kasi baka hindi ko maibagay ang dapat na masaya at buo na pamilyang para sakanya. Habang hinahaplos ko ang mukha ni Athena ay tinawag na ako ni Kayla para kumain na.

"Kamusta namn pag-uusap nyo ni Atty. Smith? Nabigay nya na lahat ng papers?" Tanong ni Kayla habang kumakain kami

"Ok naman... Ahm oo nabigay nya" sagot ko sakanya. Gusto kong sabihin kay Kayla pero di ko masabi

Nahalata yata sya na may gusto akong sabihin kaya humalukipkip ito at tila tinignan ako na parang sinasabi niya na Go lang sabihin mo.

"Ahm may alam ka ba tungkol dito?" tanong ko kay Kayla dahil sya lang ang lagi naming kasama ni Anri

"Saan?" tanong ni Kayla pabalik

Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha yung marriage contract na nasa sala.

Inabot ko kay Kayla ang papel at tinignan niya lang ako ng may nakasubo pa na chicken sa kanyang bunganga. Kinuha niya ito. Bakas ang pagkagulat sakanya dahil pati ang chicken na nasa bunganga niya ay nahulog na sakanyang plato

"To...totoo ba to?" Tanong niya sakin

"Oo ganyan rin ako kanina nung nakita ko yan... Tinanong ko kay Atty. Kung totoo pa to at legal ang sabi nya ay Oo" sagot ko kay Kayla

"Ibang klase talaga tong si Anri" sagot ni Kayla

Nanahimik nalang ako dahil naalala ko nanamn si Anri na namayapa na 3 months ago after mag 1 year old ni Athena

"Handa ka na bang harapin siya?" Tanong ni Kayla

Napabalik ako sa aking wisyo dahil sa tanong ni Kayla

"Ha... Sino?"

"Si Ri...Ricci" sagot ni Kayla

"Kung para kay Athena gagawin ko lahat"




------------–--------------------------------------------
Ready na bang harapin ni Kiera si Ricci?
If you wanna know their story just keep on reading 😜😘

Enjoy guys!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It's Always YouWhere stories live. Discover now