Chapter 19

7.3K 529 501
                                    

Chapter 19: Accountability
Zanashi

Hindi ko na nasundan pa ang mga nangyari sa lunch namin ni Sulivan. Hinayaan ko na lang siyang hilain ako kung saan. He couldn't even talk to me properly. I just repeatedly nodded or shook my head when he tried to talk to me.

Hindi ko kayang makinig nang mabuti sa mga sinasabi niya. Bukod kasi sa kinakabahan ako sa sariling nararamdaman kapag malapit siya, hindi rin matanggal ang isip ko sa resulta.

Hindi ko mapigilang ilakbay ang isip ko sa mga insultong naghihintay sa akin pagbalik ko sa school. Ang pag-iisip kong ito ang naging dahilan kung bakit pakiramdam ko ay bumilis ang takbo ng oras.

"See you in library, Pantorilla."

Dumiretso lang ako sa paglalakad habang si Sulivan naman ay pumasok na sa classroom nila. Five minutes na lang bago magsimula ang klase kaya nasisiguro kong halos lahat ng kaklase ko ay nasa classroom na.

I conditioned myself before opening the door. Chin up, Aphra. Wag mo ipakitang apektado ka. Act like your usual self. Kung makita ka nilang halos pagsakluban ng langit at lupa, lalo silang magsasaya.

Taas-noo akong pumasok sa classroom kaya kitang-kita ko ang paglingon ng bawat isa sa kanila. Dumiretso ako sa upuan ko.

"Excuse me."

Mabilis na umalis ang isang kaklase na nakaupo sa upuan ko. Nakabilog sila malapit sa upuan ko at mukhang may pinag-uusapan sila bago pa ako dumating.

"Congrats, Aphra!" sigaw ng kaklase kong babae na nakaupo sa harap. Kinailangan pa niyang iikot ang katawan para maharap ako nang mabuti. "Sumabit ka sa top ten.." dugtong niya kaya binalot ng tawanan ang buong classroom.

I felt.. disappointed. Inaasahan ko naman ito pero hindi ko mapigilang umasa habang papunta ako rito na baka wala rin akong insultong matatanggap mula sa kanila. Kasi halos magkaisa kami sa interclass competition, di ba? They cheered for me and they hugged me after that.

Someone inside my head scoffed. Syempre, iba ang interclass competition sa academic competition! Ibang-iba kung academic na ang pag-uusapan. If I came last, no one will cheer for me. If I came first, no one will be happy for me.

"Rica Mae, what can you say? Top eleven ka sa tax, right? Mas mataas kaysa kay Aphra?"

Muli na namang nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Stop it, Celline! Wag mo akong idamay sa kalokohan mo!"

"Well.. basically, you're out of top ten so why am I even asking you?"

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Yanna sa tabi ko. Ang tawa nga lang niya ay hindi katulad ng tawa ng mga iba ko pang kaklase. Mukha siyang inis na inis.

"Napakayabang ng isang 'yan. Pumasok lang sa top ten, akala mo kung sino na.." bulong niya sa sarili. Maya-maya'y tumingin siya sa akin. "Don't mind her. First time kasing napasok sa top ten kaya ganyan."

Nagulat ako sa ginawa niyang iyon. Mula unang araw ng second semester ay seatmate ko na siya pero kailanman ay hindi ko narinig ang gano'ng salita sa kanya. Minsan nga ay nakikisali pa siya tuwing may nang-iinsulto sa akin.

"Know the difference between teaching and spoon-feeding, please. Anong nangyari sa pinagmamalaki mo, Aphra?" nakangising sabi ng katabi ni Celline na kasalukuyan na ngayong nakaupo sa kanyang table habang nakaharap sa akin.

Halos mapairap ako nang dahil doon. Really? Hindi pa sila makamove-on sa usapan naming iyon? Ang tagal na no'n ha?

Tumawa si Celline. "Yan ang napapala ng mga taong sobrang taas ng tingin sa sarili."

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now