Chapter 20

7.6K 532 606
                                    

Chapter 20: Improvement
Zanashi

"Did you see the result, Miss Pantorilla?"

"Yes, Professor."

"Well, I didn't expect it. The number of students who did well in this term's mockboard outweighed those who did well last mockboard exam. Maraming tumaas ngayon pero may iilang bumaba."

Tumango ako. Hindi ako komportableng pag-usapan ang bagay na ito sa harap ng Professor. Alam kong isa ako sa tinutukoy niyang iilang bumaba. Totoo naman pero ayokong marinig itong muli.

Nahirapan din akong pigilan ang dismayang nararamdaman nang malamang mas maraming nag-excel ngayon. Pinigilan ko ito dahil ayokong mabahiran ulit ang determinasyon kong tanggapin ang nangyari.

She cleared her throat. "Hindi ko muna maibibigay ang reviewer ngayon, Miss Pantorilla. You can rest for today."

Nagpaalam ako sa kanya at nagtatakang lumabas ng office. Ayaw ni Professor Amilagir na may sinasayang kaming oras dahil konting araw na lang ang natitira bago ang interschool competition. Kaya naman, talagang nakapagtataka.

Siguro'y alam niya na masyado akong napagod ngayong araw? Baka napansin niya ang namamaga kong mga mata? O baka natunugan niya kanina na sobra akong naapektuhan sa resulta?

Ang mga tanong kong iyon ay nasagot nang kinabukasan ay bigla na lang pumunta sa classroom namin si Professor Amilagir. Nagpaalam siya kay Professor Ogara at sinabing may kakaunting anunsyo lang para sa klase.

"I'm sure you already heard about the upcoming Interschool Accounting Competition, right?"

Nagsang-ayunan ang mga kaklase ko. Huminga nang malalim si Professor Amilagir at sandaling tumingin sa akin.

"We will be conducting an elimination for the Interschool Accounting Cup this friday, 4:00 at the Accountancy Conference Hall. I am inviting the top ten students in this year's mockboard to join the screening."

Gulat akong napatingin kay Professor. Elimination? I thought that's already settled? Akala ko ba'y kami na ni Sulivan ang ipapadala ng school?

Pag-alis ni Professor ay namutawi ang excitement sa loob ng room. Napatulala na lang ako. Nang makabawi ay mabilis akong nagpaalam kay Professor Ogara para sundan si Professor Amilagir. Nasa hagdanan na siya nang maabutan ko.

"Professor!"

Ngumiti siya pero bago iyon ay nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

"Oh, yes, Miss Pantorilla?"

"What do you mean by that, Professor? I thought we've already discussed about it? We've already agreed about that, haven't we?"

"Well, I think I've made a mistake, Miss Pantorilla. I didn't think much about it and so I've decided poorly. Dapat noong una pa lang ay may elimination na. It would be really unfair for those students who are willing to join the competition, right? I hope you'd understand this, Miss Pantorilla."

Pilit akong ngumiti. "Of course, I do understand that, Professor. But this is really unfair for me and Sulivan. Nagsimula na kami sa pagre-review, Professor. Mas inuna pa naming mag-aral para dito kaysa pag-aralan ang daily topics namin. We sacrificed our daily activities, quizzes, and assignments for this. Hindi naman ata tamang bigla na lang bawiin ang desisyon niyong ipadala kami?"

Tiningnan niya ako nang diretso sa mata.

"That's it, Miss Pantorilla. Nag-review na kayo. Don't you think its a good opportunity for you to be accepted? Mas lamang na ang kaalaman mo sa iyong mga kasamahan, Miss Pantorilla. Use it for your own benefit. And.. if you think you're really deserving to compete, then there's no need for you to be scared. Talunin mo sila at patunayang karapat-dapat ka nga para ipadala sa competition, Miss Pantorilla."

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now