O o p s 8

1.8K 50 17
                                    

O o p s 8

Nagulat ka sa sinabi niya
D__________________________O

Nag iisip ka kung ano kaya ang mangyayari at irereact ng parents mo kapag nalaman nila ang sitwasyon ninyo ni Josiah!

"Subukan mo lang! Dahil gagamitan ko talaga ng nailcutter 'yang dila mo!"
gigil na gigil na sabi mo sa kanya.

Leche talaga siya. Siya na talaga ang nagwawasak ng mood mo. Sinakluban ka yata ng ulan na may init na may bagyo. Dahil sa sobrang badtrip mo lumabas ka sa kotse at halatang nagulat naman si Josiah sa ginawa mo.

Nakita mo sa labas na naka upo pa rin ang dalawa mong bitch friend sa kiosk. Hindi masyadong kalayuan sa iyo at nakatingin sila sa'yo ngayon.

Nakita mo namang lumabas si Josiah mula sa driver's seat at natanaw mo ang bruha mong mga kaibigan na nagulat kasi si Josiah pala ang nandoon sa loob.

May biglang nagtext sa'yo

From: Sam Lee

Girl! May something na naman ba kayong ginawa? At d nyo pa tlga pinalampas at sa car mo pa tologo? O______O??
Naiinggit ako, di kasi namin niyan ginawa ng ex ko :3

Napairap ka nalang sa phone mo at nag t(-___-t) ka sa mga kaibigan mo. Natawa naman sila bigla sa ginawa mo.

Nagwalk out ka na nga, di mo na naisipang dumaan pa kila Sam dahil wala ka sa mood para maki chika sa kanilang dalawa.

"Hey where are you going?"
Bigla kang hinawakan ni Josiah sa braso mo.

Taeness! Nabigla ka pa talaga at naslow motion naman nang nilingon mo siya!

"Sa lugar na wala ka!"
napasigaw ka pa talaga ng di oras at marahas mong binitawan ang kamay niyang nakakapit sa iyo. Taray mo. Kaw pa talaga gumawa niyan sa kanya!

Humarap ka na nga sa dinadaanan mo nang biglang,

"Oh fokk." (The Spelling!)
ang nasabi mo kasi may nabunggo ka.

Napasubsob ang mukha mo sa dibdib ng mabangong lalaki. Nafifeel mo namang may humatak sa iyo palayo sa lalaking 'yon.

Bigla ka palang hinatak ni Josiah, chos!

"Hi Eliza."
Magalang na bati nung lalaki at napakunot naman ang noo mo dahil bihira lang ang tumatawag sa ikalawa mong pangalan.

"Kilala mo siya?"
Tanong ni Josiah sa iyo.

Mas kumunot ang noo mo,

"I'm sorry bro mukhang fanboy ka yata ni Steph?"
Di siguradong sabi ni Josiah pero halata sa tono niya na nang-iinis ito.

"Actually dude, kilala ako ng girlfriend mo,"
Hindi ka nakapagsalita kasi naunahan ka na ni Josiah.

"Really? Wifey? Kilala mo ba ang unggoy na 'yan?"
Nainis ka bigla kasi ang tono pa ni Josiah ay nagiinarte at nakahawak pa sa may dibdib niya.

"Oo dude. By the way, may nangyari pala sa amin ng gf mo. Kaya maghiwalay na kayo."

Matigas na sabi ni someone. Napatingin ka naman sa mukha niya at bigla mong nasapo ang noo mo dahil siya pala 'yung lalaking involve sa pag pa-practice mo.

Pero nagtaka ka, kasi wala naman talagang nangyari sa inyong dalawa. Kasi kumain lang naman kayo sa labas at hinatid ka pa sa bahay niyo. Nagsinungaling ka lang naman talaga sa practice2x para takutin si Josiah. So bakit ganun ang sinabi niya kay Josiah? Gaguhan?

Binatukan mo si Josiah at nginitian mo ang lalaki.

"Hi I'm,"

"She's Stephanie Eliza Xamonte aka S.E.X. So okay na ba? Alis na tayo wifey."
Sabi ni Josiah at nakahawak pa sa batok niya

Nabwisit ka tuloy kasi mas makapal ang mukha ngayon ni Josiah, feel niya talaga ang pagiging boyfriend niya kahit di naman.

"I'm--"

"His name is Levi West by the way."
Pinutol naman bigla ni Josiah ang sinabi ng lalaki.

"Kilala mo?"
naguluhan ka naman ngayon.

"Yup. Barkada ko. Dude umuwi ka na nga sa inyo."
Nainis yata si Josiah at sinimangutan naman ang lalaki.

Levi? Parang familiar nga.

Nakita mo lang kasi itong si Levi na nag standby sa may gate ng school niyo at agad mo itong hinila at pinapasok sa kotse mo.

Akala mo okay na ang lahat pero sumakit yata ang ulo mo kasi madaldal pala itong si Levi.

Namention niya ang pangalang Josiah, nagtanong siya kung kilala mo ba ito. Sinagot mo naman siya na oo. Nagshare pa siya ng mga sikreto about kay Josiah at yung mga kalandian niya at hindi mo naman ito pinakinggan kasi hindi ka naman interesado kay Josiah.

Kaya sinabi mo nalang na,
"Tumahimik ka na pwede? Kasi boyfriend ko 'yung topic mo e!"

sinigawan mo siya sa loob ng kotse at natahimik naman siya. Labag sa loob mo na sabihing bf mo si Josiah pero wala ka na talagang palusot para manahimik siya!

Much better, ang nasabi mo sa sarili mo.

"So? Pang ilan ka na niyang girlfriend? Balita ko naka labing dalawa siya noong nakaraang linggo. Kilala mo ba si Kaila? Pina date sa kanya 'yun ng mommy niya! E si Nicole? Yung malanding kabit? 'Yung si Monique?"

"Ugh!"
Kinuha mo ang panyo mo at pinasak mo bigla sa bibig niya. Ang ingay niya talaga promise! Ayaw mo naman sa ganung klaseng lalaki.

...

"Dude, ang sexy talaga ng gf mo!"
tumawa si Levi

"Back off Levi kung ayaw mong mawalan ng ngipin."
cold na sabi ni Josiah.

Mas nagalit ka naman kay Josiah, teka? Bakit ba siya sumali sa usapan niyong dalawa?

"Josiah, tumahimik ka na nga! Feeling mo naman na boyfriend talaga kita! Diyan ka na nga!"
sinigawan mo si Josiah at hinila mo nalang bigla si Levi.

Naiwan si Josiah at ang kotse mo, hindi mo na nilingon si Josiah. Kasi nainis ka nga diba.

"Hindi mo pala boyfriend 'yun? Sabi pa naman niya kagabi na kayo na daw. Tuwang tuwa pa nga siya habang kinekwento niya sa amin 'yon."

"Ugh! Tumahimik ka na nga lang!"
Kahit ayaw mong ma stuck kay Levi pero kinailangan mo na yata siya ngayon para malayo ka kay Josiah.

Success nga ito, pero dudugo naman tenga mo kasi kasama mo na naman ang madaldal na si Levi!

To be continued...

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon