Tigang 18

47 5 1
                                    

Dear Diary,

Kanina natuloy na ang pakikipagkita namin ni Sweetania doon sa ka-chat ko na kapangalan ni Romeo. Thirty minutes bago mag-alas kwatro nasa BGC na agad kami ni bespren. Syempre naman para kapag diniscribed nung Romeo ang itsura nya at suot na damit, agad namin syang makikita.

Pumwesto kami ni bespren sa second floor ng mall para kitang-kita namin si Romeo sa first floor kapag dumating na sya.

So iyon na nga, nag-chat na sya ng mga bandang 3:50 PM. Si bespren pa ang mas excited kesa sa akin kung makautos sa akin na itanong ko daw agad kung anong suot ni Romeo.

Syempre ako naman sunod agad kay Sweetania, expert sya sa ganon kaya saan ba tayo makikinig e di sa mga expert di ba?

"Nasaan ka?" Tanong ko agad kay Romeo sa chat.

"Nandito sa ground floor ng mall sa harap ng Jollibee." Mabilis na sagot nya sa akin.

Kami namang dalawa ni bespren dungaw agad sa ground floor at hagod agad ng tingin sa harap ng Jollibee. Kaso madaming nakatambay sa may bench sa harap ng Jollibe kaya hindi namin alam kung sino ba doon ang kausap namin sa chat.

"Anong kulay ng suot mo?" Tanong ko ulit kay Romeo.

"Black skinny jeans, black shirt, white sneakers and blue jeans jacket. I'm wearing sunglasses."

Hinagod ulit namin ni bespren ng tingin ang paligid sa harap ng Jollibee. Para kaming mga sira na sisilip-silip mula sa taas ng mall. Hanggang sa na-spotan na ni Sweetania si Romeo. Natatakpan pala ito ng artificial na puno na nasa gitna ng mga bench kaya hindi namin sya makita kanina.

Di ko alam kung bakit bigla akong kinabahan Diary, e tuktok lang naman ng ulo nya at balikat ang nakita ko. Para tuloy akong hindi makagalaw sa pwesto ko. Kinakabahan ako na magpakita sa kanya. Naisip ko kasi baka madisappoint sya sa kagandahan ko.

Pero pinagtawanan lang naman ako ni bespren. Para daw akong tanga. Ang ganda-ganda ko raw e papakabog ako sa isang kachatmate lang na hindi ko naman karelasyon. Sabagay nga naman, trip lang nga pala namin ni bff ang i-meet yun ngayon.

Kaya ayon napilit din ako ni bespren na bumaba na pero doon kami sa kabilang escalator bumaba para hindi agad kami makita ni Romeo na paparating. Kinakabahan talaga ako Diary habang papalapit kami nang papalapit sa kanya.

Nakikita ko na ng malinaw ang likuran nya. Kahit nakajacket sya at nakatalikod, parang ang tingin ko sa kanya ay ang gwapo gwapo nya. Ang ganda ng tindig nya at katawan. Sa tingin ko magkakatalo sila ni Adonis sa katawan. Pero likod pa lang yun ha, ewan ko lang kapag nakaharap na sya kung ano ang itsura nya.

Nang ilang hakbang na lang kami kay Romeo, chinat ko sya ulit.

"Andito kami ni bespren sa likod mo." Chat ko sa kanya, medyo nanginginig pa ang kamay ko habang nagtatype ako. Asar na asar tuloy si Sweetania sa akin at bubulong-bulong sa akin. Naloloka na daw ako, e sa dami na nga naman nyang naipa-date sa akin na mga palyadong lalake hindi nga naman ako kinabahan ng ganito. Dito lang sa Romeo na ito.

Nakita kong tumungo si Romeo para basahin ang dumating kong chat. Makailang segundo ay pumihit ito ng tingin sa likuran nya. 

Tang-ina parang tumigil ang mundo ko, Diary.

Di ako makapaniwala sa nakikita ko. Nananaginip ata akes!

Literal na natulala talaga ako Diary ng makita ko ang kabuuan ng itsura nya. This is what I'm waiting for, alam mo yan.

Dahil para akong binuhusan ng tubig sa pagkabigla, kinurot ako sa tagiliran ni Sweetania. Kaya bigla akong natauhan.

"Totoo ba ito!" Tanong ko kay Sweetania pero ang mga mata ko ay walang kakurap-kurap na nakatitig sa lalaking kaharap ko.

Diary ng tigang-sa pagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon