Aftermath

8K 352 152
                                        

"...Benjamin Gallagher, the school director of Faircastle High School, was found dead at his private property this morning by one of his employees. Police reports say that there has been a commotion that happened in the area caused by a group of people who have been alleged to be abducted by the man, exposing his atrocious acts to everyone..."

Gising na si Gwen, pero nakapikit pa rin ang mga mata niya habang pinapakinggan ang balita na sa hula niya ay nagmula sa telebisyon.

Unti-unti niyang binuksan ang mga mata, at doon tumambad sa kanya ang isang hindi pamilyar na kwarto. Puti ang mga pader at ang kisame na nakapalibot sa kanya, at may mga nakikita siyang gamit sa loob ng kwarto na hindi niya naman pag-aari.

She then sat up, and looked at the window where the rays of the sun seeped through to enter the room. Gwen then placed her bare feet on the floor, and she stood up, she felt the pain all over her body. When she looked at her skin, she then realized that she obtained a lot of wounds which are a mixture of lacerations and scratches.

Habang pinagmamasdan niya ang mga sugat na natamo, bigla siyang nakarinig ng tinig sa loob ng kwarot niya.

"Sa wakas, gising ka na rin..."

Nang mapatingin si Gwen sa pintuan, sarado ito at walang tao roon. Pero pagharap niya, bigla na lamang lumitaw ang isang babae. Ilang segundo niyang napagmasdan ang mukha nito, bago niya ito naalala at nakilala. She was the same woman who was there when she was almost burned to death inside the old storage room at the school.

"Ikaw..." sinubukan ni Gwen na suntukin ang babae, pero bigla na lamang itong naglaho. Paglingon niya, nakatayo na ang babae sa may pintuan at kalmadong pinagmamasdan ang bawat galaw niya.

"Easy, young lady..." the woman then said, "I'm Sonya, by the way –"

"I don't fucking care," Gwen whispered angrily, before lifting off a glass from the small table with her power, and smashing it towards Sonya. Iyon nga lang, tumagos lamang ang baso sa katawan ng babae at tumama sa pader, bago bumagsak ang mga piraso nito sa sahig.

Napabuntong-hininga na lamang si Sonya habang umiiling-iling. Pagkatapos noon ay lumapit siya sa dalaga, bago pumasok sa katawan nito.

In her ghost form, she possessed Gwen's body. She then lied down on the bed, and made the young girl fall asleep with her ability. Pagkatapos noon, humiwalay din siya sa katawan ng dalaga, bago muling ibinalik ang totoong anyo at pinagmasdan ito habang natutulog.

"We'll talk later..." bulong ni Sonya, habang hinahaplos ang ulo ng dalaga bago nito inayos ang kumot.

Paglabas niya ng kwarto, naabutan niya si Viktor na nagtitimpla ng kape habang nanunuod ng news coverage patungkol sa nangyaring trahedya kay Benjamin Alcantara, at sa mga kasinungalingang binuo at inilabas ng Paramount Laboratories para masisi sa school director ang lahat.

"Hindi ka dapat makita ni Gwen," ani Sonya habang naglalakad palapit sa dining table, "Kapag nakita niya 'yang mukha mo, siguradong papatayin ka niya."

"Eh 'di hayaan mo siya..." Viktor responded with a soft chuckle, before sipping some from his smoking cup of freshly-brewed coffee, "I deserve it."

"Maybe... But not now," Sonya then responded before sitting opposite him around the small dining table.

"Ano na ngayon ang gagawin natin sa kanya? Hanggang kailan natin siya ibibabysit?"

"We wait for more instructions..." tugon ng babae bago itinuon ang tingin sa telebisyon para manood ng balitang kanina niya pa hindi pinapansin, "And try to protect her as much as we could..."

While drinking his coffee, Viktor then recalled that night when the violent turmoil between Benjamin and the members of the Paramount Class occurred.

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now