Chapter 23

7K 447 183
                                    

Chapter 23: Sacrifice
Zanashi

Mabilis akong bumaba mula sa tricycle at halos lumipad na ako sa sobrang bilis kong tumakbo. Basa pa ang buhok ko at hindi ko pa ito nasusuklay pero wala na akong pakialam. Fifteen minutes late na ako sa quiz namin!

Nakalimutan kong mag-alarm kagabi. Hindi rin nakatulong ang ilang oras kong pagkatulala habang nakahiga pagkauwi ko kagabi sa bahay. Kaya ang resulta ng lahat ay ang walang humpay kong pagtakbo ngayon habang ang tubig mula sa buhok at pawis mula sa noo ko ay patuloy na pumapatak.

Halos hingalin ako pagdating sa second floor. Ang inaasahan ko'y bakante na ang corridor ngayong oras. Laking gulat ko na lamang nang pagtapak ng paa ko sa huling baitang ng hagdan ay sumalubong sa akin ang maiingay na mga estudyante habang nakatingin at nakaturo sa isang parte ng school.

Huminga muna ako nang malalim at kumalma. Inayos ko ang nagusot kong uniform at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

Ang lahat ay nakahawak sa railings ng building namin at dahil masyadong marami ang mga nakikisiksik, ang iba'y kailangan pang tumiyad para makita ang pinagkakaguluhan nila.

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Ang magpasalamat dahil sigurado akong hindi pa nagsisimula ang quiz o ang kabahan dahil mukhang kagagawan nila Sulivan ang pinagkakaguluhan nila ngayon. Sa ideyang iyon ay mabilis akong nakisiksik sa mga tao.

Ang mga engineering students ay nakasilip din sa mga bintana ng building nila. Kitang-kita ko ang paghihirap nila para lang makita ang pinagkakaguluhan. Napatingin ako sa napakalaking tarpaulin na nakasabit sa likod ng grandstand at halos mapamaang ako sa nabasa.

Top 10 Most Cruel School Administration in the Philippines (www.educsys.com)

Napailing ako nang mabasa iyon. No way? Sa website na 'yan nakuha ang impormasyong ito? Napansin kong karamihan sa mga estudyante ay nakatingin na ngayon sa kanilang phone at mukhang tinitingnan kung talaga bang galing ito sa post ng nasabing website.

"Oh em! Totoo nga! Tingnan niyo!"

Alam kong hindi gawa-gawa nila Sulivan ang website na ito. Matagal na ito at tungkol lagi sa achievement, platforms, at kalakaran ng mga school sa buong Pilipinas ang pinag-uusapan dito.

Muli kong tiningnan ang list na nakaimprinta sa tarpaulin at nakitang seventh placer ang school admistration namin. Sa pinakababa nito ay may nakasaulat na:

Congratulations! You've made it to the top! 

Nilibot ko ang paningin ko sa mga estudyanteng naroon. Nakita ko sa hamba ng pintuan ng kanilang classroom si Sulivan kasama si Caitlyn.

Kumunot ang noo ko nang magkasalubong ang tingin namin. Ipinakita ko sa kanya ang pagkadismayang nararamdaman pero wala siyang reaksyon doon. Sa halip ay mabilis niya akong tinalikuran at naglakad papunta kay Oliver at Francis na mukhang kanina pa ako tinitingnan. Inilingan ko sila, hindi makapaniwala sa mga ginawa nila.

Nadaanan ng paningin ko si Dylan at Airah na tawa nang tawa habang nakaturo sa tarpaulin.

"Grabe! I'm so proud!" halakhak ni Airah sabay punas sa naluluha niyang mata. "Ang galing ng admin natin!"

Inaamin kong medyo nabawasan ang matindi kong kaba kagabi nang makitang sa grandstand nila isinagawa ang kalokohan nila. Akala ko'y muli silang papasok sa control room. Hindi na iyon magandang ideya dahil dinagdagan ang dating isa lang na cctv doon at sa iba pang parte ng school. Sa grandstand, field, at open areas lang wala.

Pumasok ako sa classroom at nanghihina akong bumagsak sa upuan ko. Hindi ko matanggap. Sumusobra na sila at siguradong hindi lang detention ang makukuha nila kapag matuklasang sila ang may gawa nito! They would be expelled!

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now