Chapter Three: Stranger, Danger

6.4K 480 87
                                    

-chapter three-

"What are you doing here?"

I GULPED. Napaatras ulit ako dahil sa malamig niyang boses. Tumalim ang mata niya dahil doon kaya tumigil ako. He stared at me and surveyed my clothes.

"How did you get inside the forest?"

"I..." I took a deep breath. "woke up here."

"Hmm..." he looked unconvinced. Tiningnan niya ulit ako bago tumalikod. "Get out."

I frowned. Iyon nga ang ginagawa ko mula kanina pa! Ang lumabas! Pero himala't parang nasa gitna pa rin ako ng gubat!

"I don't know how." saad ko sa mataas na boses.

He turned to me with an incredulous face. "What?"

"I don't know how to get out of here." ulit ko.

He murmured something to himself at parang nainis ako doon! Ang gwapo mo nga at nakakatakot pero ewan ko ba't namumuhay ang inis sa katawan ko!

Sinulyapan niya akong nakatitig pa rin sa kaniya. Our eyes met. Nakita ko siyang napabuntong hininga at may kinuha mula sa likod.

I panicked when he threw a card at me! Iilag na sana ako pero huli na ang lahat. The card landed on my feet and a blue box started to form, like a transparent shield covering me.

Ini-angat ko ang tingin at nakitang nakalapit na pala siya sa'kin. He crouched down so that our eyes would meet. Amusement danced in his orbs while mine held confusion, fear and frustration.

"Until we meet again, lost elf." parang nangako siya sa sarili.

Kumunot ang noo ko. Sasagot sana ako nang sa isang iglap ay nawala siya. Nagulat ako ng makarinig ng mga boses sa likod. Napakaingay na ng paligid.

[Town South, City of Gaea⁠—]

"Alam niyo bang malapit na daw maglevel twenty si Astro? Isa siya sa mga kinagagalakan na players ngayon!"

"Nako! Hindi lang si Astro! Nag-uunahan kaya sila nina Rio at Halcyon!"

"Ah, si Rio~ ang gwapo kong boypren! Hayy, talagang sasali ako sa guild niya!"

"Nako, edi doon ka sa kung saan si Irusu! Hindi mapaghiwalay ang dalawang 'yon!"

"Yiee~ alam mo bang sini-ship ko ang RiSu!"

Nalaglag ang panga ko sa pinag-uusapan ng tatlong babae sa likod ko. Si Rio! 'Yan ang palaging IGN ni River dahil spanish counterpart daw iyon ng pangalan niya. Kung gano'n nakapasok na siya sa game! At hinayaan niya lang ako sa kwarto. Walanghiya talaga ang kambal kong iyon!

Iikot sana ako paharap nang may maramdaman ako sa paanan. It was a silver sword with gold linings. Malaki ito at mukhang para sa mga malalakas na tao. Gold wings were carved on the sword's hilt. Hindi ko alam kung akin ba ito o nahulog lang ng kung sino. Sinubukan ko itong kunin at laking gulat ko nang bigla itong maglaho.

"Open bag."

Marami na pala akong potions at items. Nakalimutan ko itong icheck kanina. Sure enough, nandoon na nga sa bag ko ang espada. Mayroon din ditong isang blue at white na cloak, isang parang dagger at isang singsing. I clicked the dagger and the ring so that I can use it.

▪▪▪

Cursed Ring
Rarity: B
Type: Accessory
Additional Attributes:
Dexterity +12
Perception +10
Description:
Hides the wearer for sixty seconds upon activation. Keyword: Hide. Cooldown of thirty minutes.

Welcome, PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon