Seventeen

185 15 0
                                    

Meir Kim

"Baby nag dinner ka na?" napa tingin ako kay Charles na kakapasok lang ng kwarto ko. Ang lapad ng ngiti niya, nakaka inis.

"Tapos na" simpleng saad ko.

"Di ka man lang sumabay sakin?" malambing na tanong niya sakin sabay hawak ng kamay ko pag kaupo niya sa kama ko.

"Bat ako sasabay sayo?" inalis ko yung kamay ko sa pag kakahawak niya.

Dahil sa ginawa ko biglang nag iba ang timpla niya, pero ngumiti din agad. Plastic.

"Next time sabayan mo na ko okay?" madiin na tanong niya pero pinaparating niya na malambing siya.

Hindi ko siya sinagot bagkus umalis ako sa pag kakaupo ko sa kama.

"San ka pupunta?"

"Sa cr bakit? Sasama ka din ba?" napa taas ang isa kong kilay habang tinatanong ko yon.

"Hindi naman. Sige cr ka na" tumayo na siya at lumabas na sa kwarto ko.

Bwiset.

Bumalik ako sa pag kakaupo sa kama ko at kinuha yung phone ko sa bulsa. Dalwang araw na ko andito, at dalwang araw na rin akong di napasok.

Balak ko ng tapusin lahat ng kagaguhang to ngayong buong isang linggo. Buti nga ginagawa nila Kuya yung mga sinasabi ko.

Habang mag isa lang ako dito, I mean walang kaibigan, madami akong nalalaman sa kanila. Agad ko naman sinasabi kila Kuya.

Kaso ang lungkot. Wala mga kaibigan ko, lalo na si Jimin. Parang may kulang sakin pamula nung hindi kami nag kikita.

Napatigil ako sa pag dradrama ko ng biglang mag vibrate yung phone ko. Tinignan ko naman kung sino nag text.

From Sophia
Okay na daw yung sa isang building

Napa ngiti ako sa nabasa ko. Konting konti na lang pabagsak na sila.

To Sophia
Napicture-an naman ano?

From Sophia
Oo. Ang dami nga daw sayang di sila pedeng kumuha

Napa singkit naman yung mata ko dahil sa reply niya. Ano? Gusto pa nilang tumulad kila Charles?

Papatayin ko na sana yung phone ko kaso may naalala ako.

To Sophia
Pasabi sa kanila don sa lumang chicken wings na kainan, don nila tinatago yung mga drugs

From Sophia
Wtf?! Drug lords?!

To Sophia
Oo ngayon ko lang din nalaman okay?

Hindi ko na inantay reply niya bagkus pinatay ko na yung phone ko, tinago ko na rin sa katawan ko.

Tahimik akong bumaba ng kama at lumapit sa pintuan. Tinapat ko yung tenga ko don para pakinggan yung nasa labas.

Andito kase ako naka tuloy sa hide out nila. Sa isang kwarto dito niya ko pinatuloy. Tuwang tuwa nga siya na bumalik ako sa kanya, di niya alam papabagsakin ko siya.

"Tara munang kumain ng hapunan"

"Sige"

Nang wala ng kong marinig sa labas dahan dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto. Tumingin muna ako sa paligid bago tuluyang lumabas.

Dumeretso ako sa opisina ni Charles, don niya ginagawa lahat usapan nila ng mga tauhan niya.

Tumingin ulit ako sa paligid bago dahan dahang tinapat ang tenga ko sa pinto.

"Anong sabi mo?! Nasira lahat?!"

"Opo boss"

"Sino naman ang gagawa non ha?!"

"B-baka po yung pitong lalaki"

"Sila? Eh wala nga silang alam sa ganto! Atyaka wala sila kakayahan bumili ng gamit na makaka sira don!" napa ngisi ako ng marinig ang sinabi ni Charles.

Wala talaga siyang alam sa kanila. Aaway awayin nila tapos di naman nila alam yung background nila. Tanga.

"Baka po yung business man"

"Binayaran na ko non. Kaya imposibleng galawin nanaman tayo non"

Pinag patuloy ko lang ang pakikinig ko ng bigla akong mangalay kaya umayos ako ng tayo, kaso bigla akong may natanggil.

"Shit" dali dali akong bumalik sa kwarto ko ng biglang tumahimik sa loob. Buti na lang tahimik yung suot kong tsinelas tyaka walang nag babantay sa tapat ng kwarto ko.

Humiga ako sa kama ko at nag panggap na tulog. Maya maya lang bigla nag bukas yung pinto ng kwarto ko. Ramdam ko yung presensya niya na papalapit sakin kaya di ako nag mulat ng mata.

Balak ko sanang sumilip kaso may naramdaman akong halik sa noo ko. Sinubukan kong wag gumawa ng reaksyon don, buti na lang nakayanan ko.

"Good night babe. I love you" pag katapos sabihin yon ni Charles lumabas na siya ng kwarto ko at sinaraduhan ang pinto.

Minulat ko naman yung mata ko dahil don. Bigla akong nakaramdam ng lungkot, ang weird.

Alam kong mahal niya ko, pero di siya yung mahal ko. Gusto ko din umayos yung buhay niya kaya ko ginagawa lahat ng to. Gusto kong pag bayaran niya at pag sisihan lahat ng to sa kulungan.

Oo balak ko siya ipakulong. Bago pa nangyari lahat ng to madami na siyang sinaktan, madami na din siyang pinatay dahil sa pagiging gang leader niya. Kase madami siyang nagiging kaaway.

Pati pamilya ng mga inosente gusto niyang idamay. Ginagamitan niya lang lahat ng pera.

Kaya nga hangga't maaari nag hahanap ako, kami, ng matinding ebidensya laban sa kanya.

May soft side naman siya kaso mas matimbang lang talaga sa kanya yung sama. Palibhasa gusto niyang higitan yung tatay niya. Gusto niyang patumbahin siya. Kaya di ko maintindihan kung bakit naging katulad pa siya ng tatay niya.

Sumunod na araw, inagahan ko ang gising ko para maka sabay siya kumain ng umagahan. Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ko pero nakaramdam talaga ako na gusto ko siyang samahan.

Siguro para kahit papaano maka ramdam siya ng konting saya?

"M-meir!" nakita ko sa mukha niya na sobrang saya niya. Nginitian ko siya ng konti bago tumabi sa kanya.

Kumain lang kami ng tahimik. Nang matapos na ko, aalis na sana ako kaso bigla niyang hinawakan pulsuhan ko.

"Ano uhmm palit ka damit. Aalis tayo" napa kunot yung noo ko dahil sa sinabi niya.

"Saan tayo pupunta?"

"Date" nahihiyang saad niya. Ginalaw ko yung kamay ko para bitawan niya bago ako dahan dahang tumango.

Naligo ako kaagad at nag bihis. Lumabas na rin ako nang matapos. Nakita ko naman siya sa may kotse niya na nasa labas, inaantay ako. Ngumiti siya ng malapad bago ako pinag buksan ng pinto.

Pumasok na ko at ganon din siya sa may driver seat. Tahimik lang ulit kaming dalwa ng bigla siyang mag salita.

"Meir" tawag niya sa pangalan ko kaya tinignan ko siya.

"Oh"

"May tanong ako" tumango lang ako sinyales na ipag patuloy niya yung sasabihin niya.

"Hindi mo naman ako tinataksil ano?"


AN: Taehyung's fanfic is out! Check my acc.

Gang » Park Jimin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon