Chapter Six: The Vanadey Forest and the Annoying Rogue

6K 457 56
                                    

-chapter six-

"Nice to meet you again, eh, Sol? Can I join you in your walk?"

[Vanadey Forest, City of Gaea⁠-]

HINAWI KO ang sanga at patuloy na naglakad. Pinakiramdaman ko ang paligid para sa mga monsters na biglang susulpot. This forest is different than the one I woke up in. That one felt primal but safe, felt dangerous but it calmed me down to my every bone.

Ang alam ko ay susundin ko lang ang isang trail para makapunta sa bahay ni Davina. Pero naguluhan ako kanina nang bumunga sa dalawang pathways ang trail. At unti-unti na nga akong naligaw.

I quickly held my dagger up when a snake hissed and was about to bite me. He instantly vanished. Napansin kong minsan ay one-hit strike na lang ang mga low-level monsters dahil sa strength ko kahit na ang dagger lang ang gamit.

"Gutom na ako..." I unconsciously announced.

Nagulat ako sa sinabi. Maari ka bang makaramdam ng gutom dito sa game? This is too realistic.

"Hungry? Here's an apple, Sol. Don't worry, it's not poisoned." an annoying voice said. "But you could be a perfect Snow White! Although, you're a male. Tsk."

Pagod ko siyang tiningnan. Nakaupo si Feyre sa isang branch at nakadekuwatro. Kagat-kagat niya ang isang mansanas. Ngumisi siya ng makita ako at ipinakita ang isa pang apple na dala.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan?"

Mula kanina ay panay ang anyaya niya sa'kin na maggrupo kami. Tinatanong ko siya kung bakit pero kibit-balikat lang ang isasagot niya. Then, I would refuse her right away. Pero sunod pa rin siya ng sunod sa'kin!

"Let's team up!" nakangiti niyang saad.

"Bakit nga?"

"Hmm... you're handsome?" patanong niyang sagot at tumalon pababa. "Don't want an apple?"

Kinuha ko iyon at nagpatuloy sa paglalakad. "Really? You just want to team up with me because of my looks?"

"Oh! Now, you're talking to me! Earlier, you always straight up refuse me." sumulpot siya sa harap ko kaya napatigil ako sa paglalakad. "Did my charms work now, hmm?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay at hinawi pagilid. I continued walking and searching for the trail or a house. Hindi ko siya sinagot. Naramdaman ko lang siyang panay pa rin ang sunod sa'kin.

"I see, it didn't. Pity. I find myself really beautiful, you know?" she giggled. "Well, I get it. You are a beautiful man yourself so I may not fit your standards."

I just don't really swing that way. Napapaisip tuloy ako kung ano ang reaksiyon nito kapag nalaman niyang babae ako.

"Oh my!" napatingin ako sa kaniya nang naging dramatic ang tono niya. "Don't tell me you are hunting for beautiful men as well?"

Parang nawindang ang buong pagkatao ko sa sinabi ni Feyre. Well, it's true, I do adore men, pero hindi sa panahong nagdi-disguise ako nang panglalaki!

Umirap ako at nagpatuloy sa paglalakad. Feyre laughed and matched my pace.

"Sorry! Sorry! Guess I was wrong on that one. Maybe you're one of those guys who aren't just interested in love, right?"

Well, I am interested in love. I've read it in books and they are always described differently. But somehow, kahit na iba-iba ang paningin ng tao dito, they felt magical. Like a wish or a dream come true.

Welcome, PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon