Chapter 10:selos

22.8K 751 6
                                    

SAM POV:

Isang linggo na nung simula ng pagaaway namin ni kayden, at ngayon halos di na siya umuuwi sa bahay. Kung uuwi naman siya lagi niya akong sinasaktan at pinapaalala sakin ang annullment na binigay niya sakin nung isang araw.

"Bes, ano plano mo ngayon? palagi ka nalang niyang sinasaktan."naawang sabi ni coolen

"Hindi ko alam bess, naawa na ako sa sarili ko, hindi ko alam kung ano gagawin ko. Kasi mahal ko siya eh, kaya kung tanggapin ang mga pananakit niya sakin kasi mahal ko siya."umiiyak na sabi ko at niyakap niya naman ako. Nandito kami ngayon sa park kung saan kami nagpupunta dating magkaaibigan.

"Alam mo, ang manhid mo. Sinasaktan ka na nga, pinili mo pang wag siyang iwan dahil lang sa mahal mo siya."

"Ayaw ko siyang iyan len, pano nalang siya kung wala ako? pano kong palagi nalang siyang nagiisa? pano?"

"Tch! napaka martyr mo din eh no?! bes! sinasaktan ka na nga non eh tapos iniisip mo pa siya? pasalamat ka at di alam nila tito na sinasaktan ka na ng lalaking yun! dati naman salita lang pinaparinig niya sayo tapos ngayon? ngayon bes hindi na! dahil physical na!"alam kong martyr na ako pero ano magagawa ko kung mahal ko siya.

"Hindi ko kayang iwanan siya."

"Bes, ito ah payong kaibigan lang. Wag kang magpakatanga sa taong palagi ka nalang siasaktan. Oo sabihin na natin na mahal mo siya at nandon na tayo pero.... bes maawa ka naman sa sarili mo. Di na ikaw yung kaibigan na kilala ko dating palaban, hindi na ikaw yan."napaiyak naman ako lalo at niyakap siya. Tama siya hindi na ako yung dati. Kumalas naman ako at tumingin sakanya.

"Isang chance nalang bes, kung di ko na makaya ako na mismo ang magpapalaya sakanyan."ngumiti naman siya .

Di pa ako umuwi ng bahay at pumunta muna akong mall at namimili ng pagkain.Kukunin ko na sana yung isang pack ng may kamay din ang hunawak nito kaya napatingin ako at nagulat naman ako ng si lucas pala yun.

"Luc?"

"Yes miss?"nagtaka naman siya

"Ako to si Samantha"Nagulat naman siya at tinitigan ako.

"Sam? ikaw yan? bakit parang nagbago ka ata. Ano nangyari sayo?"Napangiti naman ako ng pilit.

"Pumangit ba ako?"natatawang sabi ko at ngumiti naman siya.

"No maganda pa rin pero.... nasan na yung dating sam na sexy?"

"Pumangit na nga ako."malungkot kung sabi, siguro pumangit na nga ako kasi wala na akong oras magayus ng sarili ko.

"Tch! that's not what i mean sam."ngumiti lang ako

"Kamusta kana pala ?"pagiiba ko ng topic.

"Well, ito single pa rin. Hinihintay pa rin kita eh"Napangiti naman ako sa sinabi niya"Joke lang.. ikaw kamusta kana? balita ko may asawa kana?"napayuko naman ako at di makatingin sakanya.

"Okay lang din ako"tumango lang siya at nagsalita.

"Kamusta kayo ng asawa mo? "Ano ba sasabihin ko? na ok lang kami?

"O-ok naman"pilit akong ngumiti.

Pagkatapos naming bumili ay kumain muna kami sa labas at nagkwentuhan sa mga ganap ng buhay namin. Hanggang sa mapagpasyahan naming umuwi na kasi gabi ma eh.

"Hatid na kita"

"Nako wag na, may taxi naman eh."nahihiya kung sabi sakanya

"Sge na, para makipag kwentuhan pa ako sayo. Nabitin ako sa kwentuhan natin eh"tumango nalang ako. Kasi pati ako nabitin rin eh kaya sumakay na kami sa sasakyan niya at nagsimula na siyang magdrive.

"Hmm kamusta na pala si coolen?"tumingin naman ako sak'nya na seryusong nagmamaneho.

"Okay lang naman siya, kaso single pa rin."natatawa kong sabi at tumawa naman siya.

"Masungit kasi kaya walang nagtangkang manligaw."natatawa niya rin sabi, kaya nagtawanan kami. Nagkwentuhan lang kami sa buong byahe ng huminto na ang sasakyan at bumaba na ako.

"Salamat luc ah? "

"No probs basta ikaw babe."sabay kindat niya sakin.

"tch! umalis ka na nga!"pagtataboy ko sakanya, nag puot naman siya

"Tinataboy nalang ako ng babe ko, nakakalungkot naman."nakasimangot niya pang sabi at hinawakan ko naman ang pisnge niya.

"umalis kana nga ang oa mo eh"tumawa naman siya

"Sge bye! ingat!"

kumaway lang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Bakit ang dilim? binuksan ko naman yung ilaw ng nagulat ako at si kayden agad ang bumungad sakin na masama ang tungin.

"A-ano ginagawa mo diyan?"lumapit naman ito sakin.

"Sino yun?!"

"Huh?"

"'Yung lalaking yun! sino yun?!"galit ba siya?

"Bakit mo naman natanong?"lalo pang nagsalubong ang kilay niya at masama akong tinignan.

"Sabihin mo na kasi sino yun?!"nagseselos ba siya kay lucas? imposible naman ata.

"Kaibigan ko"ngumisi naman siya at lumayo sakin.

"Tch! kaibigan mo o kabit mo?"Nainis naman ako sa tanong niya

"Anong kabit?! kaibigan ko lang yun at sa ating dalawa ikaw lang ang may kabit!"nagsalubong na namn ang kilay niya.

"What do you mean?!"

"Hah! wag ka nga magmaang-maangan kayden. Sa dami ng kabit mo nakalimutan mo na?"natatawa kung sabi at lalo pa siyang nagalit.

"Di'ko sila kabit!"malumanay niyang sabi.

"Ah talaga? ano mo sila? pang bawasan lang ng init sa katawan ganun?"

"Tumahimik ka! ayaw ko ng nagsasama ka sa lalaking yun. maliwanag!"Ano naman sayo kung sasama ako kay luc? nagseselos ba to?

"Nagseselos ka ba?"

"W-what?! "

"Nagseselos ka ba?"

"Inulit pa, tibay!"lumapit naman siya sakin at nilapit niya pa yung mukha niya sakin at tumingin sa lips ko.

"Oo!"nagulat pa ako sa sinabi niya. Umayos naman siya ng tayo at tumingin sakin"kaya ayaw kung nakikita kang sumasama sa lalaking yun! maliwanag"di ako sumagot at nanatiling nakatikom ang bibig ko."Maliwanag!"nagitla naman ako at tumingin sakanya.

"o-oo"ngumisi lang siya at naglakad na paayak ng hagdan.

'Nanaginip lang ba ako? kung ganun man, ayaw ko na magpagising!'

Marrying the billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon