chapter 15

19.6K 622 0
                                    

SAM POV:

Nandito na ako sa caffé na sinasabi niya at nakita ko naman sila ni coolen na nagtatawanan. Kaya lumapit ako sakanila at napatingin naman sila sakin sabay ngiti.

"Buti nakapunta ka?"nakipag beso naman ako sakanilang dalawa bago umupo.

"Wala si kayden eh."tumawa naman si coolen.

"Hahaha seloso talaga si kayden eh no?"

"Medyo!"nagtawanan naman kami at nagorder.Lumapit naman ang waiter samin at nagorder kami pagkatapos ay umalis na yung waiter .

"Ahmm sam"tumingin naman ako kay coolen, ang seryuso niya ah.

"Hmm?"napatingin naman siya kay lucas at sabay tingin sakin.

"May sasabihin kami ni lucas sayo"kinabahan naman ako at nagpabalik-balik ang tingin sakanilang dalawa.

"Ano yun?"

"K-kami na Sam"sabi ni lucas at nagulat pa ako pero ngumiti lang.

"Talaga? ayieee buti at naging kayo. Ang saya ko sainyong dalawa."niyakap ko naman sila at kumalas at tumingin sa kanilang dalawa"Kailan pa naging kayo?"ngumiti naman si coolen sakin at hinawakan naman ni lucas ang kamay niya.

"Last week lang."nagulat pa ako, last week? bakit ngayon lang sinabi ng mga to? tumingin naman ako sakanilang dalawa ng nagsalubong ang kilay.

"Bakit ngayon niyo lang sinabi sakin? nakakatampo kayo!"nakasimangot na sabi ko.

"Kasi...natatakot pa akong sabihin sayo eh."

"Bakit naman?"

"Baka pagtawanan moko!"tumawa naman ako

"Hindi ah! ba't ko naman pagtatawanan ang kaibigan kong nagkajowa na at si lucas pa na crush mo noo--"di'ko natapos magsalita ng tinakpan niya ng bobig ko.

"Tumahimik ka sam, lagot ka sakin."tumawa naman si lucas sa ginawa ni coolen

"Hahaha alam ko coolen na crush mo'ko"nagulat pa siya at binitiwan ang bibig ko.Namula naman siya at napatingin kay lucas.

"H-huh? p-pano?"

"Halata naman na crush mo'ko dato eh, at alam mo ba..na crush din kita non?"nagulat pa siya at namumula.

"Kinilig ka naman col"siniko ko naman siya

"Tumahimik ka."napatawa naman ako at dunating na yung waiter na may dalang pagkain kaya kumain na kami.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta pa kaming mall at saka sa arcade.Pagkatapos ay nagpaalam na akong umuwi kasi gabi na at lagot ako nito kay kayden.

"Uwi na'ko ah?"

"Bakit naman?"tanong ni coolen

"Baka hinanap na ako ni kayden at saka gusto kong magdate kayong dalawa kaya uuwi na ako."tumango lang sila at niyakap ko naman si coolen at lucas.

"ingat sam."tumango lang ako at sumakay na ng taxi.

Marrying the billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon