Chapter 1

131K 2.1K 377
                                    

"Miracle!" masayang bati ni Shanelle sa kaibigan nang pumasok ito sa coffee shop. Miracle immediately smiled when she got to see her bestfriend.

"Shanelle! I miss you!" nakangiting saad ng babae bago yakapin nang mahigpit ang matalik na kaibigan.

Shanelle accompany Miracle to sit infront her, nilapit niya ang in-order na frappe sa babae bago ito ngitian nang matamis. "How are you? You look so happy to see me again!"

"Of course." Miracle pouted her lips. "You're away for almost 2 weeks, you didn't even text me na pupunta ka pala sa Paris," may pagtatampo sa boses na sabi niya.

Tumawa naman ang kaibigan. "I'm sorry, you know my husband, ayaw niyang gumagamit ako ng cellphone tuwing may pupuntahan kami. Ang gusto lang niya ay nasa kaniya ang atensyon ko. Red flag," Shanelle giggled.

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Miracle. "But your husband is kind, actually. Maybe he's just afraid that you might be taken away from him. Alam mo namang muntik ka nang mawala sa mag-aama mo 'diba? Traumatized lang siguro ang asawa mo kaya gusto niya, sa kaniya ang lahat ng atensyon mo," she added.

Bumaba ang tingin ni Shanelle sa braso ng kaharap. Agad na lumukob ang galit sa dibdib niya nang makakita ng pasa roon.

"Miracle. Sinaktan ka na naman ba ng gago mong asawa?" nagtatagis ang bagang na usisa niya rito.

Miracle gulped before hiding her arm. Agad siyang umiling. "Hindi. Nadulas lang ako kanina sa banyo kaya natumba ako sa sahig," pagdadahilan niya.

Inis na binaba ni Shanelle ang hawak hawak na baso. Galit niyang tinitigan ang kaibigan. "Pinagtatakpan mo pa ang asawa mo kahit sinasaktan ka na niya? Miracle ano bang nangyayari sa 'yo?"

"Shanelle," Miracle whispered softly.

"Don't Shanelle me. Huwag mo akong daanin sa malambing mong boses, alam mong marupok ako kaya bibigay at bibigay ako sa 'yo! Miracle naman, ilang ulit ko nang sinabi sa 'yo na iwanan mo na ang tarantadong 'yan!" may gigil na dagdag ng babae.

She shook her head repeatedly. "Shanelle, ayoko. Alam mo 'yan. Mahal na mahal ko si Trigger. Hindi ko siya kayang iwan," naiiyak niyang pag-alma.

Napakamot na lang ang kaibigan niya sa batok. "I can't understand you. Kapag pinagbuhatan ako ng kamay ng asawa ko, ilalayo ko ang sarili ko kasama ang mga anak namin. Pero ikaw, anong ginagawa mo sa sarili mo? Balak mo bang mamatay sa kamay ng tarantadong--"

"Shanelle, he's still my husband, please stop calling him with such names," pagputol ni Miracle rito.

Hindi makapaniwalang umiling sa kaniya ang kaharap. "Masasabunutan kita sa pagiging martyr mo, Miracle. Ako mismo ang papatay diyan sa asawa mo kapag sinubukan niyang saktan ka ulit! Palalagpasin ko ang pasa na 'yan, babaita. Pero kapag nadagdagan pa 'yan, I'll file a case against him!"

Nataranta si Miracle dahil doon. "Shanelle, h-huwag! Ayoko. Huwag mong ipakulong si Trigger!"

"And why?" Her bestfriend took a deep breathe. "Because you love him? Fuck that love, Miracle. He doesn't even care for you. At 'yang bata na nasa sinapupunan mo, anong balak mo diyan? Hahayaan mong bugbugin ka ng asawa mo at madamay ang bata?"

Mahigpit na napakapit si Miracle sa tiyan niya. Her baby. Napangiti na lang siya nang makumpirma niya nga ang hinala kahapon.

She's 1 week pregnant with Trigger's baby. Of course, ito lang naman ang paglalaanan niya ng oras at pagmamahal.

But Trigger doesn't even remember that something happened to them that night.

Umuwi ang lalaki sa bahay nila, lasing na lasing. She didn't fought back when he kissed her hungrily. Paano siya makakatanggi sa mga halik nito kung noong gabi lang na 'yon ito naging malambing at maingat?

She let him took her virginity. Because she loves him so much. Mahal na mahal niya ang asawa kaya lahat ay ibibigay niya rito.

"Do you think, Trigger will change if he found out na magkaka-baby na kami? Shanelle, baka maging mabait na siya sa akin kapag lumabas na si baby," masayang saad ni Miracle habang punong-puno ng pag-asa ang boses.

Shanelle can't help but to pity her bestfriend. Sa tono at ekspresyon ng mga mata nito, parang humuhugot ito ng katiting na pag-asa na mamahalin siya ng asawa.

She quickly wiped away her tears before holding Miracle's hand. Awang-awa na siya sa sitwasyon ng kaibigan niya. Hindi niya alam kung bakit pinapahirapan ng ganito si Miracle ng mundo. All her life, she's been a good friend. Ito ang katulong nilang mag-asawang mag-alaga sa mga bata noong panahong paralisado siya dahil sa aksidente.

Miracle did her best to help her financially when she was suffering. Miracle did everything to make her happy when she felt depressed. Pakiramdam ni Shanelle ay wala siyang kwenta at alagain. Pero isa si Miracle sa nagpursiging ipagamot siya. Malaki rin ang utang na loob ng asawa niya sa kaibigan dahil ito ang umagapay sa kaniya sa dalawang taon.

But seeing Miracle suffered like this, she can't help but to feel angry towards Trigger. Napakagago nito para saktan ang isang inosenteng babae.

"Miracle," Shanelle uttered. "Leave him, iwanan mo na si Trigger. Sa bahay ka na lang namin tumira, we'll take care of you. Magiging pangalawang ina ka ng mga anak ko, and your baby, kami na rin ang magiging pamilya niyan. Iwanan mo na si Trigger, kaya ka naman naming buhayin," she pleaded.

Mabilis na bumitaw si Miracle mula sa pagkakahawak sa kaniya ni Shanelle. "Shanelle, napag-usapan na natin 'to. Hinding hindi ko iiwan si Trigger kahit anong mangyari. Mahal ko siya. At alam kong mamahalin niya rin ako balang araw. I'm sure he'll realize it sooner. Baka n-nalilito lang siya ngayon. 'Diba galit siya sa akin kasi pilit akong pinakasal nila mommy at daddy? Baka mawawala rin 'yung galit sa puso niya kapag--"

"Kapag patay ka na?"

"Shanelle."

"He can fucking kill you, Miracle. Sa pambubugbog na ginagawa niya, baka mamatay ka na!" her friend added.

Miracle shook her head. "I'm sorry, Shanelle. U-Uuwi na ako, baka pauwi na si Trigger galing sa office. Ipagluluto ko pa siya."

Dinampot niya ang purse sa table bago maglakad papalayo sa kaibigan, pero agad siyang napatigil nang magsalita ito.

"You said you'll never leave his side. Paano kapag nadamay ang anak mo, Miracle? Hindi ka pa rin ba aalis sa puder niya?" Shanelle asked.

Saglit na napahinto ang paghinga niya. She just swallowed hard before continue walking away.

--

It took me months to think about Pursuing Cinderella's plot inside my mind. Kaya please, if ever na matapos 'tong story, wala sanang spoilers. Please please please. Wala sanang mang-i-spoil sa Facebook, Wattpad or kahit anong platform. I want the plot twist to stay here, only here in my story.

Thank you! Lovelots!

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon