Walang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago.
Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin...
Ni wala siyang anumang ala...
but I can promise that you won't have to face them alone.
~Anonymous~
*****
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Code Four: "Beyond our Boundaries"
*****
Tumama ang isang maliit na bolang inihagis ni Fiel sa katawan ng puno na pinagsasanayan nila ng mga kaibigan niyang sina Noah at Liliana. Ginagawa niya ito upang makapagpalipas ng oras habang nakikinig sa mga kuwento ng kaibigan niyang si Noah.
"Kung ganoon, babalik ka pa pala ulit doon?"
"Oo. Kaya naman kailangan kong samantalahin! Hindi na kasi mauulit ang ganitong klaseng pagkakataon!"
Halatang halata naman ni Fiel ang tila kasabikan sa mukha ni Noah. Kaya naman agad itong nag-usisa gaya ng parati nitong ginagawa.
"Mukhang may mga ginawa ka sa Providence na hindi mo pa sinasabi sa akin ah?"
Sa pagkakataong iyon ay agad na napabungisngis si Noah, saka ito sumagot ng ganito:
"He-he-he--ang husay mo talagang bumasa ng tao Fiel!"
"Hindi 'yon dahil sa galing kong bumasa ng awra ng tao, iyon ay dahil sa napakadali mo lang talagang mabasa. Hitsura mo pa lang no."
Lumapit pa si Noah kay Fiel hanggang sa halos magdikit na ang kanilang mga mukha at sinabing...
"Tumakas ako habang nasa gitna ng trabaho--ang galing ko no!"
"Sabi ko na nga ba eh!" inis ang inisyal na reaksyon ni Fiel sa kaniyang narinig, "Pasaway ka talaga! Hindi ka talaga nakakatiis ng isang araw na hindi ka lumalabag sa anumang batas, ano?!"
"Ayos naman ang ginawa kong pagtakas eh. At alam mo ba? May nakilala akong isang batang lalaki, nakatira s'ya sa lugar na madalas kong i-kuwento sa iyo."
"Alin? 'Yong dalawang libong taon na puno sa Providence kung saan malapit ang tinitirahan ninyo noon?"
"Oo, 'yon nga!" Sagot ni Noah kay Fiel, "At balak kong makipagkita sa kaniya mamayang hapon."
"At bakit naman?" Usisa pa ni Fiel na duda na sa mga iniisip ng kaibigan, "Alam ko kung ano yang nasa isip mo, pero mas maganda kung sa iyo na mismo manggagaling--ano iyon, aber?"
"Gusto ko s'yang dalhin dito."
Ang naihagis na bola ni Fiel na tumama sa puno at tumalbog pabalik sa kaniya ay hindi niya nagawang masalo at agad na tumama sa kaniyang ilong na halos ikapiyaot nito.