Chapter 29

6.8K 453 254
                                    

Chapter 29: Lost
Zanashi

Trigger Warning// Mention of Suicide

I was really happy, so happy that I couldn't wipe away the smile on my face. But when we finally reached our destination, my smile instantly fell.

Nagtataka akong tumingin kay Sulivan pagbaba namin sa sasakyan. Ngumiti lang siya sa akin at pagkatapos ay tumingin sa mga kasamahan naming kasalukuyan nang bumababa ngayon sa kanilang sasakyan. Ang ngiti niyang iyon ay hindi tulad ng ngiti niya nang salubungin namin siya ng yakap kanina, sa halip ay ngiti itong may halong lungkot. Ang kilos ng mga kasamahan ko'y hindi katulad kanina na halos magsiliparan na sa sobrang saya, sa halip ay sobrang ingat ng galaw nila na tila natatakot makalikha ng kahit konting ingay man lang. 

Sinundan ko sila sa paglalakad. Sobrang tahimik ng paligid at tanging paghinga lang namin ang naririnig. Kada isang hakbang ay bumibigat ang pakiramdam ko, lalo na nang huminto kami sa harap ng isang lapida.

In Loving Memory Of:
Sheena Mae A. Taluban
March 23, 1992 - February 19, 2015
"Your memories will remain in our hearts forever."

Paulit-ulit kong binasa ang pangalan na nakasulat dito. Sheena Mae.. Taluban? Agad hinanap ng mata ko si Rica Mae. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa lapida at maingat na lumuhod dito.

"Hi, ate.." ngumiti siya at sa unang pagkakataon, parang ayaw kong tumingin sa ngiti niyang iyon. Ngayon lang ako nakakita ng ngiting punong-puno ng pagdadalamhati. Ngiting nagsusumigaw ng sakit.

"Guess what? We've done it, ate. We won, and that battle is for you, ate. It's for you.." pumatak ang luha niya.

Walang nangahas na gumalaw sa amin para pakalmahin siya. Tila sa isip namin ay nagkasundo kaming hayaan muna siyang sabihin ang mga gusto niyang sabihin.

"Can you see us right now, ate? I bet you're proud of us, aren't you?" tumawa siya nang mahina habang ang luha ay patuloy pa ring umaagos. "I bet you're really happy for me, ate, because I've found these guys who fought with me. I've found my.. true friends."

Nagsimula na ring mangilid ang luha sa mga mata ko. Narinig ko ang singhot mula sa mga babaeng kasamahan pero nanatili kaming tahimik. Muli akong napatingin sa lapida at tinitigan ang pangalan ng taong pinakabiktima ng lahat ng ito.

Akala ko'y sabi-sabi lang na may nawalan ng buhay nang dahil sa sistemang ito. Hindi ko akalaing totoo ito at.. nasa harap ko na ang patunay. Bigla ay gusto kong lumaban ulit kahit na tapos na ang laban. Gusto kong samahan sila mula sa simula, lalong-lalo na si Rica Mae.

"Ate, miss na kita. Sobrang miss na kita. Alam kong dapat maging masaya ako ngayon kasi nakamit mo na ang hustisya pero bakit.. bakit ang sakit sakit, ate? Ang sakit isipin na kahit mapatay namin nang paulit-ulit ang sistemang ito, hindi na maibabalik pa ang mga ninakaw nito. Hindi ka na maibabalik pa, ate.." tumakas ang mumunting hikbi mula sa labi niya.

Huminga siya nang malalim bago muling magpatuloy sa kanyang sinasabi.

"Ang sakit sakit isipin, ate, na wala ka sa tabi ko ngayon habang pinagmamasdan ang pagbagsak ng sistemang sumira sayo. Sobrang sakit, ate. Sobrang sakit na mabago man ang sistemang ito, hindi na mababago ang pait na iniwan nito sa pamilya natin."

Luisa held my hand and we both cried while watching Rica Mae weeping.

"Alam mo bang noong isang araw, nakita ko na naman si Mama na umiiyak sa kwarto mo, ate? Nakita ko siyang nakaupo sa study table mo habang kaharap ang librong huli mong binasa na hanggang ngayon ay nakabukas pa rin. Ayaw na ayaw iyon ipagalaw sa akin ni Mama. Gusto niya ay lagi lang nakabuklat iyon kasi pakiramdam niya ay nando'n ka pa rin, nag-aaral para sa pangarap mo."

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now