Chapter 30

7.2K 470 356
                                    

Chapter 30: Brave
Zanashi

Within a single day, we felt different emotions. Sinimulan ng kaba, dinagdagan ng takot, pagkatapos ay kakaibang saya, at sa huli ay ang hindi inaasahang sakit. I could say it drained me so much that I still needed atleast one day to free myself from personal thoughts and accounting problems, but it's near impossible.

If rest was not in my vocabulary, lalo namang wala ito sa vocabulary ng professors. Even if they saw us walking on the pathway with heavy bags under our eyes, they still wouldn't care or maybe.. they wouldn't notice. Looking like this is very common in our program so today's look is not an exception.

"Okay, get one whole sheet of paper and answer these questions."

Pagtalikod ni Professor Makasagi ay halos sabay-sabay na napapikit at napakagat labi ang mga kaklase ko. Ang iba'y nagawa pang sumilip sa kanilang notebooks sa huling pagkakataon.

This is normal, I must say. Receiving surprise quizzes is already part of our daily life as a student. Kaya naman, hindi ko lubos maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila gumagawa ng paraan para makapag-adjust sa ideyang ito. Kung magpapatuloy silang ganyan, talagang habang buhay silang magrereklamo kung bakit may surprise quizzes. Hindi na mababago ang ganitong gawi ng mga professors kaya mas makabubuting kami ang mag-adjust.

That's the reason why I always listen attentively to our professors' discussion during their classes. Mas pipiliin kong makinig kaysa makipag-usap sa katabi. Minsan, hindi ko rin maiiwasang makaramdam ng antok lalo na't halos wala kaming maayos na tulog tuwing gabi. Kaya ang ginagawa ko ay nagsusulat ako ng notes para hindi mabakante ang isip ko at hindi ako antukin. Kung inaantok pa rin, kumakain ako ng mga maaanghang na candy.

Maraming paraan pero kung iisipin nilang walang paraan, talagang wala silang maiisip na paraan.

"Sinong may papel?"

"Uy, si Patty meron! Pwedeng pahingi, Patty?"

"Pahingi akong papel!"

"Hala, ako rin!"

"Pahingi ako ng dalawa, Patty. Ay hindi, tatlo na lang pala para sa scratch."

My brows furrowed while watching them flocking their way through Patty's direction. My heart twisted in pain as I saw how the thickness of her paper diminished almost instantly.

Nakita ni Yanna ang nakakunot kong noo.

"Meron na akong papel.." sabi niya sabay buklat sa libro niya. Nakita ko rito ang tatlong piraso ng papel na nakatupi. "This is what you called strategy. Aakalain nilang wala na akong papel."

Napailing na lang ako. Alam na alam niyang ayaw ko ang ugaling nanghihingi ng papel kaya ngayon ay lagi na siyang may dalang papel pero sa ibang paraan. Tulad ng sabi niya, strategy. Hindi ko pa siya kaibigan no'ng matarayan ko siya dahil sa panghihingi niya ng papel sa akin.

"You can buy expensive things but you can't buy a pad of paper?" ito ang sinabi ko sa kanya noong mga oras na iyon. May mga paper bags kasi that time sa table niya dahil sa mga damit na binili niya sa online shop.

I don't know. I just.. don't like it. This is not just for my own benefit but also for them. Every little thing matters. Maeensayo ng isang estudyante ang sarili sa pagiging responsable kahit sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng sariling papel. Masasanay nito ang sarili sa hindi pag-asa sa iba kahit sa pamamagitan lamang ng hindi paghingi ng papel. It's just a simple thing but actually connotes many things.

Also, all students here in our room have different status in life. Pwedeng sa iba, simpleng bagay lang ang panghihingi ng papel dahil hindi naman ito kamahalan. Pwedeng sa iba, malaking bagay ito lalo pa't naka-budget na ang papel na binili para sa isang semester.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now