Mixtape (January 17, 2008)

9.5K 220 21
                                    

Every 17th

•••

Side A

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Side A

Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday, Rafael!

Hmmm... hindi pa ‘ko sanay mag-record ng mixtapes, pero sana magustuhan mo. Nilagay ko rito ‘yong mga kantang lagi mong pinapatugtog, o kaya ‘yong mga kinakanta mo habang nag-gigitara ka.

Special tong mixtape na to kasi... ikaw rin yong naaalala ko sa mga kanta—ah, basta. Special to, kaya ingatan mo.

Ngayong birthday mo, wala naman akong ibang hiling pa; sana lang ma-enjoy pa natin lalo ang musika, kahit na lumipas pa ang ilang taon, wag natin kalimutan yong mga tugtugan nating dalawa. Lahat ng mga kanta na minahal natin, sana... sana manatili sa‘tin.

Ikaw ba, Rafael? Ngayong twenty years old ka na, ano bang wish mo? Kilala pa naman kita, siguro magwi-wish ka na naman para sa ibang tao. Baka tungkol sa world peace pa ang i-wish mo. Kung pwede sana, maging selfish ka kahit sa isang araw lang. Humiling ka para sa sarili mo.

Iyon lang naman, gusto ko na magpakasaya ka nang sobra-sobra ngayon dahil espesyal ang araw na ito. Happy birthday, Rafael!

Side B

1. Eraserheads - Ligaya
2. Ronnie Liang - Ngiti
3. Silent Sanctuary - Ikaw Lamang
4. Imago - Sundo
5. Hale - Kahit Pa

•••

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon