CHAPTER TEN

670K 33.1K 69.6K
                                    


CHAPTER TEN

"STAY STILL," sabi ni Maxrill nang sa isang maling pagkilos ay nanghina ang mga tuhod ko. Naituon ko sa kaniya nang bahagya ang bigat ko. "Don't move. Close your eyes and breathe, Wednesday," pabulong niyang dagdag.

Wednesday?

Sandaling umawang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya bago tuluyang sumunod. Hindi ako makapaniwalang narito siya sa harapan ko. Lalong hindi ako makapaniwalang hawak niya ang aking pisngi. Naroon pa rin sa tiyan ko ang hindi maipaliwanag na kiliti habang nakapikit. Ang mga paa ko ay hindi ko na maramdamang nakatapak pa sa lupa. Ni minsan ay hindi ko ito naramdaman kanino man.

Sa dami ng magagandang babae ngayong gabi, ano at narito siya sa harap ko? Kung si Rhumzell ang pakay niya bakit ako ang kaniyang iniintindi? Lalong nagliparan ang hindi ko maipaliwanag na bagay sa loob ng aking tiyan.

"Breathe again," pabulong niya pa ring sabi. Nakapikit akong tumango saka muling sumunod.

"The BIS Band!" dinig kong anang emcee.

Ang lapit namin sa stage pero tanging paghinga at malakas na kabog sa dibdib ko ang aking naririnig. Ang dami nang nangyayari sa aking paligid pero kahit nakapikit ay mukha niya ang aking nakikita. Ang ingay ay balewala dahil ang pandinig ko ay handa lang sa kung anumang isatinig niya.

You know everything that I'm afraid of

You do everything I wish I did

Everybody wants you, everybody loves you

Boses iyon ni Bree. Totoong gusto kong humanga sa magandang boses niya. Gusto kong isa ako sa harapang makinig at manood sa kaniya. Pero imposible 'yon dahil ang buong atensyon ko ay narito lang sa kaharap ko. Hindi kapani-paniwalang lahat sa akin ay kayang-kaya niyang agawin, atensyon, isip, puso, pandinig...paningin, lahat!

Talaga ngang kumalma ang sistema ko. Ngunit hindi ko masiguro kung dahil ba iyon sa ipinagawa niya o dahil hindi ko siya nakikita. Dahil nakapikit ako. Hindi ko akalaing posibleng mangyari ito.

I know I should tell you how I feel

I wish everyone would disappear

Every time you call me,

I'm too scared to be me

And I'm too shy to say...

Nang mabawi ko ang hininga ay marahan akong nagmulat. Tumama ang aking paningin sa itim na tie ng tuxedo niya. Napapalunok akong nag-angat ng tingin at nahinto iyon sa buto ng lalamunan niya. Minsan pa akong nag-angat ng tingin at napalunok nang tumama ang mga mata ko sa mga labi niya.

"Your face is so small," ngumiti si Maxrill! Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakagat ko ang aking labi. "Makes me want to keep it where it is right now."

Umawang ang labi ko, hindi makapaniwala nang rumehistro sa isip ko ang ibig niyang sabihin. Ang makita ang mga mata niyang isa-isang dinadapuan ng tingin ang bawat parte ng aking mukha ay sobra-sobra na.

Sa isang maling pagkilos ko ay nasalo niya ang pareho kong braso.

"Are you alright?" ang pag-aalala ay nasa tinig ni Maxrill.

"Ano..." hindi ko alam kung anong dapat sabihin kay Maxrill.

"You're so clumsy, Wednesday."

Nakagat ko ang aking labi, nakita ko nang dumapo doon ang kaniyang paningin, napanguso ako. "Hindi...Wednesday ang pangalan ko."

Nakita ko nang umangat ang gilid ng kanyang labi. "Hmm?"

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon