CHAPTER 21

8.8K 378 33
                                    

[Aika]

"GOOD MORNING!"

Iyon ang salitang narinig ko matapos maputol ang panaginip ko, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ako.

"R-Ryuuji?" Nauutal kong sambit nang makita ko si Ryuuji na nakahalukipkip ang mga kamay habang nakatayo sa harapan ko at nakangiti, suot niya ang kanyang school uniform.

Yumuko siya upang makalapit ang mukha niya sa'kin. Tinitigan niya ako ng ilang segundo. "Bumangon ka na, Yats, kailangan nating pumasok sa eskuwela," sambit niya, ngunit hindi pa rin nito inaalis ang mukha niya sa harapan ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanya, hindi ko kasi kayang titigan lalo na't hindi pa ako naghihilamos at nagto-toothbrush. Hindi ko nga alam kung may morning stars ako sa mga mata.

"Anong papasok sa school?" sagot ko.

Inangat niya ang mukha niya at pagkatapos ay umupo sa gilid ng kama ko. Para akong kinukuryente nang suklayin niya ang buhok ko. Ang bilis din ng tibok ng puso ko, bakit kasi pinayagan ni Mama na makapasok si Ryuuji sa silid ko.

"Remember almost two weeks ka ng hindi pumapasok, mabuti na lang at ako ang boyfriend mo kung hindi wala ka ng scholar ngayon."

Humarap ako sa kanya. "Oo nga pala, kailangan ko ng pumasok sa school," bumangon ako at kinuha ang towel ko. Hinayaan ko na si Ryuuji sa loob ng silid ko. Kapag kasi late na akong natulog sa gabi nahihirapan na akong gumising sa umaga, iyon ang bagay na mahirap para sa'kin.

Sampung minuto lang ang tinagal ko sa banyo pagpasok ko sa loob ng silid ko nakita kong nakahanda ang susuotin kong uniform maging ang underwear ko ay nakahanda na rin. Marahil hinanda na ni Mama para hindi na ako maghahanap pa sa loob ng kabinet. Pagka-bihis ko lumabas na ako ng kuwarto hindi pa ako nagsusuklay sa kotse na lang ni Ryuuji.

Naabutan ko si Ryuuji at Mama sa kusina at kumain ng almusal. Umupo ako sa gitna nilang dalawa. Nilagyan ni Ryuuji ng sinangang at piniritong hotdog ang plato ko.

"Thank you, Huds," sabay ngiti ko sa kanya.

Napansin kong wala pa akong timplang kape. "Mama, penge po akong kape," sabi ko. Naiinggit kasi ako kay Mama at Ryuuji may iniinom na kape.

"Here," sabay abot ni Ryuuji ng baso niyang may lamang kape. Umuusok pa ang kape niya halatang bagong timpla pa lang.

"Sa'yo 'yan, e. Magtitimpla na lang ako," tatayo na sana ako para mag-timpla.

"No need, hindi ako nagkakape tinimpla ko talaga 'yan para sa'yo," matamis siyang ngumiti.

Bigla akong nahiya sa sinabi niya. Yumuko ako. "Thanks," sabi ko.

"Ikaw talaga Aika, dapat hindi ka nagpupuyat kung may pasok ka, mabuti na lang talaga at nandiyan si Ryuuji, hinanda na ang susuotin mo'ng damit," sabad ni Mama.

Biglang akong huminto sa pagsubo ng pagkain. Ibig sabihin siya ang kumuha ng bra at panty ko. Yumuko ako dahil sa sobrang hiya sa kanya, Natapos kaming kumain nang hindi ko tinitingnan si Ryuuji.

"Mag-iingat kayong dalawa," habol na sabi ni Mama sa'min nang makasakay ako sa kotse ni Ryuuji.

Nakayuko pa rin ako habang binabagtas namin ang daan patungo sa school.

"What's wrong with you? Hindi ba sumasakit ang leeg mo? Kanina ka pa nakayuko," tanong niya.

"Eh, kasi—bakit mo ako pinaghanda ng susuoting damit, nakita mo tuloy ang undies ko," feeling ko pulang-pula ang mukha ko dahil sa sinabi ko.

"Psh! 'yon lang ba ang dahilan kung bakit hindi ka makatingin sa'kin? Masanay ka na dahil kapag mag-asawa na tayo, ako pa ang magsusuot at maghububad ng bra at panty mo," sabay tawa niya ng malakas.

The Bad Boy's First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon