EULII31

732 37 9
                                    

-

"Sheena... tell ME Styles... I accept the offer."

-

Third Person's POV

Kinabukasan, sa kwarto nina Eul at Kean ay pagod na humilata ang magnobyo sa higaan matapos ang maagang kapaguran na ginawa nila.

Ikalawang araw ng kapusukan. Pambawi sa mga araw na puro pagod sa trabaho ang ginugol. Huminga nang malalim ang dalawa at pilit na tinatakwil ang pagod sa kanilang katawan upang simulan ang panibagong araw.

"Ilang linggo nalang, kasal na tayo! Masayang pagkakasabi ni Kean.

Hindi na siya sinagot ni Eul, imbes ay inangat na lamang nito ang kaniyang kamay kung saan nakasukbit ang engagement ring na bigay sa kaniya ni Kean. Tahimik nilang tinitigan iyon at dinama ang bawat bato na nakadikit sa mamahaling singsing.

"Babe... what do you think?" Pagbasag ni Kean sa katahimikan. Hawak niya ang kamay ni Eul na nakaturo pareho sa kisame at tinititigan ang singsing na kumikinang sa daliri ni Eul.

"After ng kasal, plan na agad tayo for our children..." malambing na pagkakasabi ni Kean sa nobyo.

Tinanguan lamang siya ni Eul at huminga ng malalim.

"Ano yun?" Tanong ni Kean.

Tinignan siya ni Eul at kinibuan. "Anong ano yun?" Pabalik na tanong ni Eul.

"'Yang buntong hininga mo... ang lalim eh..." paliwanag naman ni Kean.

"Wala... hmmm... gusto ko sana isa lang..." sagot ni Eul at hinawakan ang kaniyang singsing.

"Isa lang? Eh gusto ko tatlo eh..." may himig ng pangungulit na sambit ni Kean.

"Tatlo? Eh dati naman nung mga bata pa tayo gusto mo lang isa... bat ngayon tatlo?" Tanong ni Eul na may halong pagtataka. Umayos ng pagkakahiga paharap sa nobyo si Eul. Ngayon ay magkatitigan na sila.

"Syempre... nagbabago naman lahat... tsaka gusto ko may kapatid... ang hirap kaya ng walang kapatid..." seryosong sambit ni Kean.

"Babe... alam mo naman kung gano kahirap yung sitwasyon natin... itong kumpanya pa nga lang, hirap na hirap na ako eh... pano pa kung tatlong bata aalagaan ko?" Pagrereklamo naman ni Eul.

"Babe... hindi lang naman ikaw yung magaalaga sa mga anak natin eh... ako... kahit ako na magbantay gabi-gabi wag ka lang mapagod." Sabi ni Kean sabay kindat sa nobyo. Si Eul naman ay napangiti dahil sa matamis na inaasal ni Kean. Sa gigil sa nobyo ay hindi niya napigilan ang kaniyang sarili at pinisil ang matangos nitong ilong.

Nang bitawan ito ni Eul ay grabe ang pagkapula nito kaya't dali dali niyang pinasadahan ito ng mabilisang halik. "I love you" wika pa niya.

"I love you!" Malakas na pagkakasambit ni Kean at walang ano-ano'y hinalikan muli ang labi ni Eul.

"Tama na... katatapos lang natin oh..." sabi ni Eul nang makawala sa halik ni Kean.

Nagbigay pa ng bitin na ekspresyon sa mukha si Kean ngunit di na iyon inintindi ni Eul bagkus ay tumayo na at dumireto sa walk-in closet nito upang maghanda para sa trabaho.

"Babe... san ka ngayon?" Tanong ni Kean mula sa higaan sa nagbibihis na si Eul.

"Wala akong alam babe... nakay Sheena yung agenda ko." Sabi lamang ni Eul at tinuloy na ang pagbibihis.

-

Sa loob ng magarbong silid, nakakalat ang mga damit at unan sa sahig, at natatakpan lamang ng kumot ang mga taong hubad na nasa ibabaw ng higaan.

Isang lalaki na may katabing dalawang babae sa magkabilang gilid nito. Lahat ay walang saplot at makapal na kumot lamang ang nagsisilbing panangga nila sa lamig na ibinubuga ng aircon.

Ang katahimikang kaninang pinaghaharian ng hilik ng lalaki ay binulabog ng nakaririnding katok sa pinto ng silid. Nagulat at nagising ang tatlong nasa kama at nagtitigan pa.

Tumayo ang lalaki at walang saplot na naglakad patungo sa pinto upang buksan ito. Bumungad sa kaniya si Paulo na bihis na bihis sa harap niya.

Kumukusot pa ang mga matang bumulyaw si Miles kay Paulo. "What the fuck is wrong with you?!" Galit dahil sa pagkagulat na sambit ni Miles sa kaniyang Chief-of-Staff.

"Mr. Espinosa, it's already 4:00 PM... the Ribbon Cutting Ceremony will be in an hour" buwelta naman ni Paulo sa kaniyang amo na ngayon ay walang saplot na nakaharap sa kaniya.

Nang matauhan ay mabilis na sinarado ni Miles ang pintuan.

"Get out!" Rinig pa ni Paulo ang sigaw ng amo sa loob at ilang saglit lamang ay lumabas na ang dalawang babaeng hindi pa maayos ang pagkakasuot ng mga damit.

Nang mapaalis na ang mga babae ay agad na siyang dumiretso sa kaniyang CR upang maligo.

-

"Eul... we still can't find the one who's funding the LPB Party." Pambungad na sabi ni Sheena pagpasok ni Eul sa sasakyan.

Napataas ang kilay ni Eul sa narinig at minabuting sa daan nalang tumingin habang pinakikinggan si Sheena.

"Also, ME Styles sent an e-mail inviting you to be the front-page model for this year's summer collection in line with the celebration of the 60th founding anniversary of ME Group." Mahabang litanya ni Sheena. Saglit na napaisip si Eul sa sinabi ni Sheena.

"Decline." Sabi lamang ni Eul at tumingin na ulit sa kalsada.

Hindi na nagsalitang muli si Sheena hanggang makarating sila sa ME Center Building.

Sa bukana palang ng gusali ay tanaw na ang sangkatutak na media kaya't otomatikong lumiko ang kotse patungo sa underground parking upang dito dumaan.

Maayos namang nakatungtong si Eul sa kaniyang opisina kahit na habang patagal nang patagal, magmula nang lumitaw si Miles na kaniyang kapatid sa kaniyang tatay, ay mas lalong umingay ang pangalan niya.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagiinit ang kaniyang dugo sa tuwing maaalala ang bagong karakter na gumugulo lalo sa kaniyang magulo nang buhay.

Hindi pa nagiinit ang kaniyang upuan nang biglang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at iluwa nito si Skyrus na bahagyang hinihingal.

"Open the TV" sabi lamang niya at sinunod naman ito ni Sheena.

Pumwesto si Skyrus sa tabi ni Eul na ngayon ay nakatitig at masugid na pinapanood ang balita sa telebisyon.

"---Espierre Group of Companies, as one of the biggest conglomerate in England, is now establishing their real estate company here in the Philippines---sabi ni Mr. Paulo Nabor na Chief-of-Staff ng nasabing kompanya."

Pinakita pa sa balita ang pagputol ni Miles sa makapal na tela at ang palakpakan ng mga tao na dumalo sa pambihirang seremonya.

"Dagdag pa niya, hindi pa dito nagtatapos ang mga itatayong negosyo ng Espierre Group sa bansa---Espierre Group will be establishing its clothing line... hopefully this coming month."

"This is just the beginning of Espierre Group of Companies here in the Philippines---ani ni Mr. Nabor sa Espierre Group Real Estate Company Ribbon Cutting Ceremony na ginanap---"

Kuyom ang mga kamay na sinapawan ni Eul ang telebisyon.

"Sheena... tell ME Styles... I accept the offer."

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon