EULII33

807 34 5
                                    

-

"I just can't imagine na mawawala ka pa ulit sakin... you're mine... only mine..."

-

Third Person's POV

Kinabukasan, magkasabay na nagayos at umalis ang magnobyong sina Eul at Kean upang pumunta sa ME Styles. Ilang linggo nalang ay ikakasal na sila kaya't unti-unting sinasanay ni Eul ang sarili na magdesisyon kasama ang nobyo.

Nang malaman ni Eul na magtatayo ang kaniyang kapatid na si Miles ng sariling clothing line company sa bansa, hindi niya mapigilan ang sariling mabahala dahil paniguradong kalalabanin siya nito.

Kaya't magandang ideya ang inilatag sa kaniya ng ME Styles upang mas paigtingin ang pangalan at integridad ng kumpanya.

Nang makapagbihis ay agad na dumiretso sina Eul at Kean sa sariling kotse ng huli. Medyo naninibago pa si Eul dahil sa hindi sanay na silang dalawa nalang ng nobyo ang magkasama sa iisang kotse.

Si Sheena at Mr. Ong naman ay sumakay sa karaniwang sasakyang sinasakyan nila, ganon na rin ang iba pang mga bodyguards na ngayon ay sinusundan ang kanilang amo.

Nang makarating sa building ng ME Styles, nauna pang bumaba si Kean upang malugod na pagbuksan ang nobyo ng pintuan. Sa ginawa ng nobyo ay hindi mapigilan ni Eul na makaramdam ng bahagyang kilig dahil sa matamis nitong mga ginagawa.

Kailanman ay hindi nagmintis ang nobyo na pakiligin si Eul. Habang papalapit ang kasal, lalong nagiging matamis ito.

Naglakad ang dalawa papasok sa loob ng nasabing building habang sinusundan nina Sheena, Mr. Ong at iba pang mga bodyguards.

Masaya namang sinalubong ni Mr. Calili kasama ng mga matataas na empleyado ng kilalang clothing company ang kanilang mahahalagang panauhin at sinamahan ito patungo sa lokasyon ng sikat na conference room.

Nakita pa ni Eul si Cassey na agad namang tumabi kay Sheena. Patuloy lang ang pagtahak nila sa daan hanggang makarating sa paroroonan.

Sa loob ng conference room ng ME Styles, ang karaniwang usad ng pagtitipon ay napalitan ng mahigpit na pagsasaayos.

Ang mga nasa loob lamang ay ang bawat department head nito. Nasa gitnang upuan umupo sina Eul at Kean na magkatabing magkahawak ang mga kamay, mayroong espasyo naman sa tabi ni Eul na kasalukuyang walang nakaupo.

Si Cassey at Sheena naman ay magkatabing umupo sa tabi ng bakanteng upuan. Nagsimula nang bawasan ang liwanag ng mga ilaw at ipakita sa harap ang kanilang inihandang presentasyon.

Ilang sandali lamang bago sila tuluyang magsimula ay bumukas ang pintuan na nagsimula ng komosyon sa loob.

"By the way, let's welcome Mr. Spiro Villafuerte" pagbati ni Mr. Calili bago tuluyang simulan ang presentasyon ngunit sinapawan siya ng hindi makapaniwalang si Kean.

"Ikaw nanaman?!" Sita ni Kean. Akmang tatayo dapat si Kean nang hinigpitan ni Eul ang hawak sa braso nito.

"Anong ginagawa mo rito?!" Reklamo muli ni Kean. Hindi sumagot si Spiro na tila'y inasar lamang si Kean. Naglakad pa palapit si Spiro sa gawi ni Eul na mas lalong kinagalit ni Kean.

"Mr. Calili, anong ginagawa nito dito?!" Sa ngayon ay napatayo na si Kean habang turo-turo si Spiro at nakatitig ng masama kay Mr. Calili.

Si Eul naman ay marahang tumayo at hinawakan si Kean sa balikat nito para pakalmahin ngunit hindi nagpatinag si Kean.

"Mr. Pangilinan, the chairman, together with Mr. Spiro Villafuerte will be the front-page models of the latest edition---" sa galit ni Kean sa naririnig na paliwanag ni Mr. Calili ay pinutol niya ito. Sa pagkakataong ito ay ilang dipa na lamang ang layo ni Spiro kay Kean.

Ang lahat ng mga tao na naroroon sa loob ng silid ay hindi malaman ang gagawin o sasabihin dahil sa hindi mapigilang si Kean sa harapan nila. Ang iba pa ay hindi makapaniwala sa inaasta nito. Ang iba naman ay labis na nagtataka.

"You knew?!" Biglang tuon naman ni Kean kay Eul na ngayon ay hindi pa rumerehistro sa kaniyang pagiisip ang sinabi ni Mr. Calili.

"What? I knew what?" Hindi maintindihang tanong pabalik ni Eul sa nobyo. Nang matauhan ay agad itong nagsalita. "No!" Mariing pagtatanggi niya.

"I told you... 'wag kang lalapit kay Eul..." maangas na baling ni Kean kay Spiro. Akmang susugurin niya ito nang pigilan siya ni Mr. Ong at ng dalawa pang mga bodyguards ni Eul.

Si Spiro ay nanatiling kalmado at walang sinabi na mas lalong kinainis ni Kean. "Walang mangyayaring photoshoot." Biglang desisyon ni Kean sabay baling kay Eul. "We're going home." Segunda pa nito sabay hila kay Eul palabas ng silid.

Dahil ayaw na ni Eul gumawa ng gulo at hindi rin niya kagustuhan na makasama si Spiro ay nagpaubaya na lang siya kay Kean. Sinundan naman sila ni Sheena at iba pang mga tauhan ni Eul.

Ang lahat ay naiwan sa loob ng silid na puno ng pagtataka ang pagiisip. Ni hindi pa nasisimulan ang presentasyon ay agad silang sinampal ng masamang balita.

Si Spiro ay naiwang nakatayo sa kaninang pwesto. Nakangiti namang lumapit si Cassey sa kaniya sabay bulong.

"I told you."

-

"Nakahanda na ba mga gagamitin mo?" Sabi ni Miles sa misteryosong lalaki na ngayon ay buhat-buhat ang dalawang malalaking bag na hindi malaman ang nilalaman nito.

Tumango lamang ang misteryosong lalaki at naglakad na ito patungo sa lumang sasakyan, pinagana ito at pinaandar palabas ng abandunadong gusali.

Naiwan sa loob si Miles at ang kaniyang mga tauhan habang nakatitig sa umalis na misteryosong lalaki.

"Everything will fall into its places... soon..." sabi ni Miles habang tinatanaw sa lumang kotseng unti-unting nawawala sa kaniyang paningin.

-

"What is he even doing there?!" Bulyaw ni Kean pagpasok sa kaniyang kotse. Si Eul naman ay nagulat sa inasta ng nobyo kaya't tinapik na lamang niya ito nang marahan upang pakalmahin.

Ang mga tauhan naman ni Eul ay hindi pa pumapasok sa mga kotse nito dahil masugid na binabantayan ang kanilang amo sa loob ng sasakyan ng nobyo nito.

"Hindi ko mapigilan yung init ng dugo ko sa gagong 'yon!" Sigaw muli ni Kean sabay hampas sa kaniyang manibela na nagsanhi ng pagbusina nito.

"Kean! Stop!" Sa wakas ay lumakas na ang boses ni Eul at ang kaninang nagwawalang si Kean ay biglang kumalma.

"Ano bang kinagagalit mo?!" Sita muli ni Eul. "Tungkol parin ba 'to dati?!" Singhal pabalik ni Eul. Huminga pa siya ng malalim bago magsimula ulit. "Si Spiro lang 'yon babe... ikaw ang mahal ko..." sabi pa ni Eul. Tinitigan siya ni Kean at niyakap.

Alam ni Eul na hanggang ngayon ay hindi makalimutan ni Kean ang koneksyon niya kay Spiro at alam niya rin na selos na selos si Kean kay Spiro dahil sa nakaraan nilang dalawa. Minabuti na lamang ni Eul na bigyan ng kasiguraduhan ang nobyo upang hindi na ito magisip ng kung ano-ano.

Bumulong pa si Kean matapos pasadahan ng halik sa noo si Eul.

"I just can't imagine na mawawala ka pa ulit sakin... you're mine... only mine..."

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon