Chapter 30

27.9K 1.2K 1K
                                    

"Kabado ka?" tanong ni Vale sa akin habang naka-upo kami sa isang bench dito sa UST.

Sobrang aga namin dito sa UST dahil 6:45 daw ay dapat nandito na kami.

"Hindi." I scoffed, kahit na kabadong kabado na talaga ako.

My whole journey to medical school is about to start—and it starts here. Sa NMAT. It's finally today, and though nakapagreview naman kami ni Vale ay kinakabahan pa rin talaga ako.

"Babalik na tayong Baguio after," sabi ni Vale sa akin sabay ngiti. "I-enjoy mo na yung mausok na hangin ng Manila."

"Nakakamiss na rin ang Baguio," I told him and laughed.

Ibang iba nga talaga ang buhay dito.

"Nakausap mo ulit si Claude?" tanong ni Vale sa akin.

Kumunot ang noo ko sa kanya. The last time I spoke to Claude was on the phone. I haven't talked to him since then.

"Hindi," I answered. "Bakit mo natanong?"

Vale shrugged. "Siya yung nagpadala ng pagkain natin kagabi."

Nanlaki ang mata ko nung narinig ko yung sinabi ni Vale. Akala ko si Vale 'yong nag-bayad! Tuwang tuwa pa ako na ang dami naming kinain, parang birthday celebration. Pinalo ko kaagad yung braso ni Vale sa inis.

"Pineperahan mo si Claude, 'no?!" I told him. "Kailan pa kayo nagsimulang mag-usap?! Ano, friends na kayo?!"

He laughed and rubbed his arm. "Aray ko."

"Bakit ba kayo nag-usap?!" Hila ko sa t-shirt niya.

"Wala!" He lifted his hands in surrender. "He just wanted to give some food."

Inirapan ko siya. I couldn't help but remember the times Ezra and I would go to their house noong bata pa kami. I couldn't help but remember how cute I thought Claude was.

"Mom, babasketball kami nina Franco, e." sabi ni Claude kay Tita Jenny.

Sinipa ko si Ezra na nasa kabilang dulo ng sofa. Naka-school uniform pa kami habang naglalaro ng play station nila. I slowly glanced over at Claude who was scratching his head.

"Sige na, Claude. Ihatid mo na si Rafaela sa kanila. Bumili na kayo ng kakainin niyo. We'll be back home by Friday." Sabi ni Tita kay Claude sabay bigay ng pera.

"Pst," tawag ko kay Ezra. "Busy ata si Kuya Claude, e."

"Hindi 'yan." Iling ni Ezra. "Sinabihan na siya ni Mommy. Susunod at susunod 'yan."

"Eh magbabasketball nga sila," sabi ko kay Ezra.

Umiling nanaman si Ezra habang sinasmash yung controller.

"Araw araw naman na atang nagbabasketball si Kuya Claude," sabi ko kay Ezra.

"Oo, kinukuha na 'yan sa Manila, e, para maglaro sa UAAP." sabi ni Ezra. "Sabi lang nina Mommy na wag muna."

"Tara na," Nahalukipkip na sabi ni Claude sa aming dalawa.

"Okay lang, Kuya." I told him. "Magtataxi nalang po ako."

"Hatid na kita," he said. "Nagugutom kayo?"

Lumingon ako kay Ezra na naka-tuon pa ang pansin sa TV. Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Nahihiya ako sa kanya, eh! Kinakabahan akong sumagot. Napaka-gwapo naman kasi nitong crush ko na 'to.

"Ako, Kuya, hindi masyado," I told him.

"Weh, kakasabi mo lang kanina na gutom a na," sabi ni Ezra sabay tawa.

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now