CHAPTER 33: HOSPITAL [2]

318 11 0
                                    

HELLIANNA'S POV

Bakit parang pagod na pagod ang katawan ko? Sinubukan kong gumalaw pero parang naging bato ang katawan ko at daliri ko lang ang nagalaw ko. May narinig akong suminghap, sino yun?

"Kuya Danger! Gising na si Ate! Nakita kong gumalaw daliri nya" si Rose ba iyon? A-ah bakit ba di ko nagalaw ang katawan ko?

"Tumawag ka ng doctor dali!" May narinig akong yapak na papalapit sakin. Gamit ang natitira kong lakas, sinubukan kong imulat ang mata ko bumungad sakin ang kulay puting kisame. Ilang beses pa akong muling napapikit dahil feeling ko ay nahihilo ako kaya nagpaikot-ikot ang paningin ko. Napatingin ako sa gilid ngunit blurred na imahe lang ang nakita ko. Pumikit ako ng mariin at dumilat. Bumungad sakin ang mukha ni Danger sa sobrang lapit. Gusto ko syang itulak pero di ko magalaw ang kamay ko parang napakabigat nito. Oh baka dahil sa wala akong lakas? Hindi ko alam.

"Finally gising ka na ren" masaya nyang sabi. Tsaka ako mabilis na hinalikan sa labi. Gusto ko syang kaltokan at sigawan dahil sa ginawa nya. Pero wala akong lakas. Kung ano-ano ang ginawa sakin nung doctor, pagkatapos nun ay lumabas na sila. Naibuka ko ang bibig ko ngunit wala namang salitang lumabas doon. Ilang ulit ko iyong ginawa pero parang tuyot na tuyot ang lalamunan ko kaya di ako makapagsalita

"T-tu...b-big" hinang-hina at namamaos kong sabi. Agad silang tumalima at inabutan ako ng baso na may lamang tubig syempre. Ininom ko naman iyon agad. Hindi ako nasiyahan sa isang baso lang parang uhaw na uhaw ako kaya tumayo ako sa hospital bed at dumaretso sa may lamesa. Ininom ko yung pitchel na may tubig. Naubos ko lahat. Di ko alam kung bakit uhaw na uhaw ako.

"T-teka Hell. May cast ang kamay at dalawang paa mo" kinunotan ko ng noo si Danger tsaka ko tiningnan yung paa ko. Meron nga akong cast sa magkabilang paa at sa kamay tss. Naglakad naman na ako pabalik sa higaan para matigil na sya kakadada.

"Wow. Bakit Parang nakakapaglakad ka parin ng maayos? Hindi ba masakit?" Manghang tanong ni Dylan. Jusko! Kahit kailan talaga isip bata

"Syempre masakit. Baka gusto mo reng magkaroon nito ng malaman mo yung feeling?" Nagcross arm ako at sarcastic syang sinagot. Agad naman syang nag-iwas ng tingin at sumipol-sipol. Tss.

"Eh bakit naglakad ka parin kung masakit?" Napatingin ako kay Danger at inirapan sya

"Syempre kasi nauuhaw ako! Alangan naman pairalin ko yung sakit? Edi nauhaw ako nun tss" tiningnan nya ako ng masama dahil sa sagot ko

"Pede mo namang iutos diba?" Sarcastic nyang sagot

"May sarili naman akong kamay at paa kaya bakit ko pa iuutos? Tsk" ngumuso lang ako. Bigla nya akong hinalikan kaya gulat akong napatingin sa kanya at pinalo sya sa balikat.

"Ano ba! Tigil-tigilan mo kamanyakan mo! Bumili ka nalang ng makakain ng matuwa ako sayo" Tiningnan ko sya ng masama at inirapan. Narinig ko pa ang tawa nya bago tumayo at umalis.

Doon lang ako nagkaroon ng pagkakataong libutin ng tingin ang paligid. Nasa hospital pala kami. Napansin ko si Rose kasama si Chris na nasa sofa at nanonood, tss. Napakunot ang noo ko ng dumapo ang tingin ko kila Ryn na walang malay.

Diko napigilan ang sarili ko at tumayo para puntahan yung tatlo. Naramdaman ko yung sakit pero di ko ininda.

"Anong nangyare sa kanila?" Agad kong tanong. Alam ko kasi nung umalis ako. Iniwan ko sila magkakasama kaya bakit yung tatlo ay nakahiga dito at walang malay?

"Ah, natutulog lang sila. Nauna pa nga sila nagising sayo eh" Tiningnan ko sya ng malamig dahil iba naman ang sinabi nya kaysa sa inaabangan kong sagot.

That Cold Nerd Is The Gangster Queen [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon