EPISODE 66

60.7K 978 102
                                    

Maggie's P.O.V.

"Jon!" Bungad ko kay Jonathan nang tumawag ako sa kanilang home phone.

"O, Maggie. Bakit?"

"Hindi ba nagagawi d'yan si Bernard?"

"Hindi. Bakit?"

"Umalis kasi ito kahapon para pumunta sa overnight class reunion nila sa Tagaytay. Sabi n'ya uuwi rin daw s'ya bago magtanghalian. Pero heto, hapon na, hindi pa rin ito umuuwi. Tumawag na ako sa opisina, baka kako naroon siya, pero wala namang sumasagot." Nanginginig na ang boses ko sa nerbyos.

"Nakow! Anong class reunion? High school? Yari ka, baka sumama na 'yun sa ex niya!" Humalakhak siya.

"Kung nagbibiro ka, hindi magandang biro 'yan ha?!" Mangiyak-ngiyak na ako pero lalo naman itong humalakhak.

Ang totoo. Medyo kinakabahan ako. Nakaalis na si Bernard nang maalala kong naroon din 'yung girlfriend n'ya noong high school. Ang ganda-ganda pa naman ng babaeng 'yun. Hindi nakakatulong sa akin 'yung nakatatak pa rin sa isipan ko kung gaano kamahal ni Bernard 'yun. Medyo inis pa nga ako sa babaeng 'yun dahil parati ko silang nakikitang naghahalikan ni Bernard noon. Medyo malaki ang pagkukulang ko kay Bernard lately, kaya mas lalong hindi ako mapakali ngayon.

Nasaan na kaya ang lalaking 'yun? Ni hindi man lang tumawag o mag-text tulad ng nakagawian na n'ya. Nauubusan na ako ng mapapagtanungan. Pero wala ni isa ang makapagsabi kung nasaan s'ya.

"Hayaan mo Mags." Ani Jon. "Magtatanong-tanong ako. Tatawagan na lang kita mamaya kung ano't-ano pa man."

"Salamat."

"No prob."

Ibinaba ko na ang telepono.

Naayos ko na ang buong bahay para makalimutan ko ang sobrang pag-aalala. Pilit kong idinivert ang atensyon ko sa pag-aalalaga sa mga bata para hindi ako masyadong mag-isip. Pero talagang hindi ako mapakali. Hindi kasi ako sanay na hindi umuuwi si Bernard. Kahit na noong mga panahon na lubog na lubog ako sa depression ko.

Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko. Lalo pa't batid ko ang mga pagkakamali ko; ang pagmumukmok kong nagtulak sa kanya upang tuluyan na itong maubusan ng pasensya sa akin. Hindi ko pa nakita si Bernard na ganun. 'Yun bang, nanginginig na sa sobrang galit. Totoo nga yatang mas nakakatakot magalit ang mababait na tao.

Nasaan na kaya ang asawa ko? Hindi kaya kasama nito si Sharmaine ngayon? Hindi kaya sa sobrang pagdadamot ko sa sarili ko nitong nakakaraang buwan, maging mitsa pa 'yun nang pagkakamabutihan nila nung ex niya?

Hindi kaya magkasama sila ngayon?

Naglalambingan, nagme-makeout or worse ay nagse-sex na sila while rekindling their past.

Oh shit! Hindi ko na gusto ang tumatakbo sa isipan ko. Mas lalo ko tuloy namimiss ito ngayon. Animo'y trumpong nagpaparoo't-parito akong nagdarasal na sana umuwi na s'ya. Para naman makabawi na ako sa ilang buwang pagkukulang ko sa kanya.

***

"Mag-relax ka nga." Panenermon sa akin ni Laura sa kabilang linya.

"Paano ako magre-relax, eh hindi pa umuuwi ang asawa ko. Posibleng kasa-kasama pa n'ya ang ex n'ya. Ikaw kaya? Anong gagawin mo kung nawala si Art nang ganun katagal habang alam mo na posibleng kasama n'ya si Patricia somewhere?"

S. T. Book 2Where stories live. Discover now