Ensaymada

5.1K 192 56
                                    

June 25, 2020

Hi!

Gusto ko lang magbigay ng pasasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa mga kwento ko. Nadadagdagan ang mga nabubudol ko habang lumilipas ang mga araw. Kung maglalagay ba ako ng account number ko dito, magogoyo ko ba kayong magdonate ng pambayad ko sa Meralco? Charot!

Isang taon na rin nung pinublish ko ang book one ng Since Nine (Sa totoo lang di ko alam ang eksaktong petsa. Basta June 2019 yun). Marami na rin sa inyo ang mga nakausap ko rito. May teacher, may future lawyer, may mga estudyante (pag-asa ng bayan), may mga bagong bayani, mga bayaning puyat, may 2D animator, may social worker, mga kapwa manunulat..basta marami na kayong nabudol.

Naa-appreciate ko yung nilalaan nyong oras sa pagbabasa, pagla-like, pagco-comment at pagbibigay ng mensahe at feedback tungkol sa mga kwento ko.

Nakakataba ng puso ang inyong suporta- silent reader ka man o hindi. Kung gusto nyo akong ibash, PM IS THE KEY :P

Ayoko nang habaan ito. Baka bored na kayo. Basta, salamat.

Gusto ko na ring kunin ang opportunity nato para i-flex ang isa sa mga natanggap ko galing sa isang mambabasa ng kwento ko. Nasorpresa ako nang matanggap ko ang kanyang mensahe sa Instagram. Ginagawan daw nya ng fan art ang book one ng Since Nine.

Kaya naman gusto kong ibahagi ang ginawa nya sa inyo. Hindi lang ito fan art para sa akin. Its an achievement na rin dahil ibig sabihin may napapasaya talaga ako sa pagsusulat ko.

Thank you @_M_ieL_R for creating this beautiful art.

This is how a friendship should look like

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This is how a friendship should look like. Nag-aagawan ng pagkain :p Nacapture nya ang perfect moment nina Ram, Vi at Jenny. Ang cute noh?

If you are interested on checking out more of her works, you can visit her instagram- ielscorner (https://instagram.com/ielscorner?igshid=dl3djtg7aqe9). If you are into Webtoon, she has an ongoing one entitled Align.

Muli (ang kulit ko), salamat sa inyong suporta. Sana huwag kayong mapagod magpabudol sa'kin. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Para sa ekonomiya! Siningit ko lang to. Stay safe everyone!

Since NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon