EULII36

715 32 18
                                    

-

Makapal nga ang mukha ko... pero hindi ako nagkamali... mahal mo pa ako, Eul.

-

Third Person's POV

Matapos ang tatlong araw na binalot ng ingay ng politika at kani-kaniyang banggaan ng magkapatid na sina Miles at Eul Espinosa, sa wakas ay sumapit na rin ang pinakahinihintay ni Eul na araw kung kailan niya magagawa ang pangdepensa mula kay Miles.

Ganap na alas quatro ng madaling araw, binulabog ng umuugong na tunog ng chopper na pagmamayari ng ME Group ang buong mansion. Ang magnobyo na kani-kanina lang ay naguusap ng maayos ay natigil dahil sa ingay.

"Kean... I really need to go." Malambing na sabi ni Eul sabay yakap patalikod sa nobyong kanina lang ay ayaw pumayag na umalis siya.

Hindi nito pinansin si Eul sa sinabi nito. "Kean... please... wag ka nang magalit..." sambit muli ni Eul at marahang niyugyog ang nobyo.

"Babe... kaya lang naman kita hindi sinama ulit dun kasi alam kong pareho parin yung gagawin mo... ganon at ganon parin yung reaksyon mo..." mahinang pagpapaliwanag ni Eul.

Hindi parin siya pinansin ng nobyo kaya't pumunta na ito sa harap ni Kean at tinitigan ito.

"Babe... 'wag ka nang magalit... paalis na ako oh..." sabi pa ni Eul sabay hawak sa magkabilang pisngi ni Kean at pisil dito.

Hindi parin siya kinibo nito. Magsasalita pa sana siya nang maudlot dahil sa sunod-sunod na malalakas na katok ni Sheena mula sa labas ng kanilang silid.

"Eul... we'll go when you're ready..." sabi ng boses mula sa labas.

Hindi na nagaksaya pa ng oras si Eul. Niyakap niya nang mahigpit si Kean at hinalikan ito bago naglakad palabas ng kanilang kwarto.

Naiwan si Kean na nakaupo sa kanilang kama habang nakaharap sa bintana at minamasid ang chopper na sasakyan ni Eul. Pinanood niya pa itong umalis.

-

Lulan ng pribadong chopper ng mga Espinosa si Eul, Sheena, Mr. Ong at pilot nito. Mula sa taas, tanaw ni Eul ang napakagandang tanawin ng mga bundok at malalawak na dagat. Masakit man sa taenga, hindi na 'yon gaano iniinda ni Eul dahil sanay na siya sa pagsakay sa chopper ng pamilya niya mula noong siya'y bata pa.

Hindi na nagawang magusap ng magkaibigan na lulan ng chopper dahil hindi rin sila maayos na magkakarinigan. Mula sa lalawigan ng Bulacan, kung saan nakatayo ang mansion ng mga Espinosa, patungo sa probinsya ng Iloilo, sa isla ng Sicogon, ay halos isang oras nilang tinahak ang daang himpapawid.

Nang makarating sa nasabing isla na pagmamayari ng ME Group, nasilayan ni Eul ang ganda nito. Mula sa napakaputi at pinong buhangin nito, sa mga matatayog na puno na nakapalibot sa engrandeng gusali ng ME Group Hotel and Resort, at maging ang malakristal na tubig na pumapalibot sa isla, nabighani ng mga ito ang mga mata ni Eul.

Nang makalapag ang chopper, sinabulong ni Mr. Calili at iba pang mga kasama para sa proyektong ito ang kanilang bigating amo.

"Welcome to Sicogon Island! Mr. Espinosa!" Masayang pagbati ng mga ito kay Eul. Nginitian naman ito ng huli.

Ang mga bodyguards na nauna dito ay inalalayan si Eul na makababa sa chopper. Ang iba pa ay pinayungan si Eul papunta sa tent nito kung saan siya magbibihis.

"You'll be wearing 10 outfits..." ani ni Sheena habang sila ay naglalakad papasok ng tent. Hindi na sila sinundan ng iba pa at dalawa nalang silang nasa loob.

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon