EULII40

706 37 16
                                    

-

"I want you inside me... now..."

-

Third Person's POV

Ang ngayong mahimbing na natutulog na si Spiro ay binulabog ng sunod-sunod na tunog ng kaniyang telepono. Noong una ay hindi niya ito pinansin ngunit hindi iyon tumigil sa kakatunog kaya't yamot niya itong kinuha at sinagot.

"What?!" Bulyaw niya sa kabilang linya kahit di pa man niya alam kung sino ang tumawag.

Rinig niya pa ang malakas na tugtog mula dito at pagkuway na sigaw ng mga tao.

"Spi... I'm here at BGC, tara!" Malakas na paganyaya ni Kevin mula sa kabilang linya. Naglakad pa ito palabas ng club para maayos na makausap ang kaibigan.

"Fuck! Nagpapahinga ako tapos gigisingin mo lang ako para diyan?! Alam mo namang ayoko na mag-club!" Sigaw pabalik ni Spiro sabay patay ng tawag. Binagsak niya iyon sa kaniyang higaan at padabog na humilata sa kama.

Ilang sandali pa ay tumunog muli ang kaniyang telepono. Bakas na ang pagkapikon sa mukha ni Spiro nang kunin niya muli ito para sagutin. Akmang sisigaw na siya nang unahan siya ni Kevin.

"Nandito si Eul... magisa lang---"

Hindi na pinakinggan ni Spiro ang sunod pang sinabi ni Kevin dahil nang marinig lamang ang pangalan ni Eul ay mabilis na siyang ginanahan at tumayo. Hindi niya na ininda ang saglitang pagdilim ng kaniyang paningin dahil sa biglaang pagbangon.

Habol-habol ang oras, siya'y gumayak upang puntahan si Eul.

-

Hindi alam ni Spiro kung bakit nasa ganoong lugar si Eul at dis oras pa ng gabi. Sa naiisip ay hindi niya mapigilang hindi magalala para sa dating nobyo.

Mabilis niyang hinarurot ang kaniyang sasakyan sukbit ang magagandang imahinasyon sa kaniyang mga mata.

-

"You, free tonight?"

Napalingon si Eul sa ngayong lalaking nasa harapan niya. Nakangisi ito sa kaniya sabay lahad ng baso ng alak. "Take it." Sabi pa nito.

Hindi siya pinansin ni Eul bagkus ay pinagpatuloy nito ang paglagok sa hindi niya na alam kung pangilang bote na ng alak ang hawak niya.

Nang tanggihan ni Eul ang binata, dala na rin ng kalasingan ay mabilis na rumehistro sa mukha nito ang inis. Mabilis nitong hinawakan ang braso ni Eul upang paharapin sa kaniya.

"I said, take it." Mariing utos nito. Pumiglas pa si Eul upang tanggalin ang hawak nito sa kaniya. Hindi na magawang magsalita ni Eul dahil ramdam niya na malapit na siyang masuka.

"Ang angas mo ah... sabi ko inumin mo." Huling sabi pa nito sabay pagpipilit na painumin iyon kay Eul. Si Eul naman ay mabilis na sinagi ang baso na dahilan ng pagkalaglag at pagkabasag noon.

Dahil sa nangyari, bilang lang ang mga taong napukaw ang atensyon dahil sa insidente. Akmang pagbubuhatan pa ng lalaki ng kamay si Eul nang mabilis siyang napatumba ng malakas na suntok.

"Di mo ba kilala 'tong ginagago mo?!" Bulyaw ni Spiro pagkabagsak ng lalaki sabay turo kay Eul. Ang lalaki ay natauhan sa nagawa ngunit di magawang makatayo dahil iniinda parin nito ang sakit ng pagkakasuntok ni Spiro. Napatigil siya dahil nakilala niya ang imahe ng taong sumuntok sa kaniya. Si Spiro Villafuerte. Isang sikat na modelo.

Si Spiro na ngayon ay bumaling kay Eul at marahang tinapik ang likod nito. Kita niya sa mukha ni Eul ang labis na pamumula. "Sinaktan ka ba ng gagong 'to?" Maangas na may himig ng pagaalalang tanong ni Spiro kay Eul.

Nang hindi siya kibuin ni Eul ay binaling niya ang kaniyang atensyon sa mga taong nasa counter. "Damputin niyo 'to!" Malakas na utos ni Spiro sa mga bouncer.

Tatayo na sana magisa ang lalaki dahil sa mga bouncer na papalapit nang biglang maramdaman niya sa kaniyang katawan ang mainit-init pang suka na binulwak ni Eul sa kaniya.

Kinuha ni Spiro ang kaniyang wallet at nagbigay ng perang pambayad sa counter. Bumwelo pa siya sabay
Buhat kay Eul na ngayon ay lasing na lasing na at wala sa wisyo nito. Hindi niya alam kung saan niya dadalhin si Eul. Kung iuuwi niya ito sa kaniya o dadalhin pauwi. Inalalayan niya pa itong umupo sa passenger's seat ng kaniyang sasakyan at marahang sinarado ang pinto.

Nang makaupo, saglit siyang napatingin sa ngayong lamyang-lamya na si Eul. Sa presensya nito ay mas lalong bumibilis ang tibok ng kaniyang puso. Ramdam niya pa ang karera nito sa kaniyang dibdib.

Ang malakas na tunog na maririnig sa labas ng club ay hindi niya na napapansin kundi nabalot ng bawat paghinga ni Eul ang paligid. Tinitigan niya pa si Eul at nilapit ang kaniyang mukha dito upang pagmasdan ang natural nitong ganda.

Mula sa mapula nitong labi at makinis na balat. Maamong mukha at nakaaakit na kabuohang pagkatao nito, mas lalong nahuhulog si Spiro. Alam niyang ang kanilang sitwasyon ay totoong masalimuot pero patuloy siyang kumakapit sa natitirang  pagasang pinanghahawakan niya.

Ramdam niya ang bawat pagtaboy sa kaniya ni Eul. Ang masasamang salita, bawat sampal, bawal sigaw o litanya nitong masasama sa kaniya. Lahat iyon ay tinitiis niya dahil para mang baliw, totoong kahit sa ganitong mga ginagawa ni Eul sa kaniya, nakakaramdam siya ng pagmamahal.

Baliw na nga siguro talaga siya para ipagpilitan ang sarili sa taong naging parte ng kaniyang nakaraan na ngayon ay may sarili nang buhay. Baliw na nga siguro siya na mahalin ang taong ngayon ay bubuo na ng sarili nitong pamilya.

Sa mga naisip ay hindi niya mapigilang hindi malungkot dahil sa sakripisyong ginawa niya para maisalba ang kaniyang pamilya noon, ganoon din kabigat sa kaniya na makita ang taong mahal niya na inaangkin ng iba. Ayaw niyang bumitaw. Ayaw niyang sumuko dahil sa kahit na maliit na tiyansang mahal parin siya nito, ay kakapitan niya.

"Eul..." tawag ni Spiro kay Eul sabay himas sa buhok nito. Pagkuway na naglakbay pa ang kaniyang kamay sa malambot na pisngi ni Eul. "Hanggang ngayon... mahal parin kita..." sunod niya pang sabi.

Tinitigan ni Spiro ang bawat detalye ng mukha ni Eul at napako ang kaniyang mga mata sa labi nito. "Gusto kitang kunin kay Kean... gusto kong ako yung humahawak sayo, ako yung humahalik sayo... gusto ko ako 'yon" malungkot niya pang segunda.

"Sobrang lakas ng paniniwala ko na mahal mo parin ako... na kaya kitang makuha ulit... na babalik tayo sa dati..." sa puntong ito, hindi na mapigilan ni Spiro na maluha dahil sa bigat ng nararamdaman.

"Eul... balik ka na sakin... sakin ka nalang ulit..." lumuluhang saad ni Spiro.

"Sana malaman mong kahit kailan, hindi kita niloko..." huling sabi pa ni Spiro bago gawin nang tuluyan ang bagay na kanina niya pang pinagiisipan.

Mabilis niyang pinasadahan ng halik sa labi ang natutulog na si Eul. Nang matapos ito ay tinitigan niya pa ito ulit ngunit nagulat siya nang walang ano-ano'y hinablot nito ang kaniyang magkabilang pisngi at mariin siyang hinalikan.

Sa gulat ay hindi niya agad nasabayan si Eul sa mariin nitong paggalugad sa labi niya ngunit nang makakuha ng tiyempo ay dinama at nilabanan niya ang bawat pagdampi ng kanilang mga dila sa isa't isa.

Niyakap pa siya ni Eul at parehong agaw-hiningang naghahalikan. Nagsasalong laway ng pagmamahal. Matamis. Mapusok. Puno ng kasiyahan.

Ilang saglit pa ay bumitaw si Eul sa malalim na halik sabay mapangakit na bumulong kay Spiro.

"I want you inside me... now..."

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon