Chapter 04

219 7 31
                                    

"I'm so—"

I was interrupted by apologizing again when Liam raised his eyebrow while looking at me. I bit my lower lip while watching his expression. From frowning, his face brightened up a little after seeing what I did. And after a fleeting moment of staring at each other's eyes, we both chuckle.

"You apologized enough, Vivienne. You're already forgiven," he said with a bright smile.

Itinaas niya ang kaniyang kamay para ituro ang gauze bandage sa kaniyang noo.

"And this? It'll soon be healed. It's been a week anyway."

"You're making me feel more guilty," I whispered, wishing that he didn't hear it, but I heard him laugh.

"I'm just kidding, Vivienne."

His chuckles are encouraging me to laugh too but I forced myself not to. I only pouted to stop a smile from slipping to my mouth but it failed. I just found myself laughing with him.

Dahil sa simpleng interaksyon, biglang naging masaya ang hapag kainan. Hindi na ako nakaramdam ng pag-iisa, 'di tulad kanina.

Iba talaga ang nagagawa ng pagpapatawad. Iyong mabigat na dinadala ko sa dibdib ko sa halos dalawang linggo, biglang nawala. Sobrang nakakagaan sa loob.

At sobra akong nagagalak na makausap si Liam. Sa mga oras na nag-usap kami, napalagay na agad ang loob ko sa kaniya. Ang komportable at ang gaan niya kasama.

Lalo na dahil sa ngiti niya.

"Ang ganda ng ngiti, ah?"

Napatingin ako kay Ate Nory na may hawak na pool leaf rake. Agad kong binitawa ang librong hawak at tumayo para daluhan siya at tulungan.

She knows how I love it when I helped them do stuff like this. Kaya hinayaan niya akong tumulong. But she still kept an eye on me.

"Ngayon na lang ulit kita nakitang gan'yan kaganda ang ngiti."

"I'm always smiling, Ate Nory."

"Pero may iba sa ngiti mo ngayon," pagpupumilit niya habang pinaniningkitan ako ng mga mata. "Ano bang mayro'n, ha?"

"Uhm... Liam accepted my apology. And I'm happy about that. It feels great, you know. Akala ko kasi magagalit siya sa akin at hindi niya ako mapapatawad."

Ngumuso ako.

"Ang perfect pa naman ng mukha niya. Tapos because of me and the frying pan, he will have a scar."

"Hindi naman siguro. Effective naman iyong ointment. Itanong mo pa kay Jomar, lagi niyang ginagamit iyon."

Kumunot ang noo ko. "Paano niyo po nalaman?"

Ngumiti siya pero hindi nagsalita at nagkibit-balikat lang.

"But I'm really happy because of Liam's kindness. He's such a nice guy."

"Gwapo na, mabait pa," komento niya matapos tumango-tango, pinanonood niya lang ako habang may multo ng ngiti sa labi. "Alam mo bang hindi maalis ang tingin sa kaniya ng mga kasamahan ko? Tuwang-tuwa silang makita si Liam kanina."

"Oh, so that explains why you're all acting weird whenever he's around."

"Nagpapa-cute pa nga si Senyora! Bawat minutong tumitingin sa salamin na akala mo mapapansin siya ni Liam."

Pareho kaming tumawa ngunit natigil iyon nang marinig ang boses ni Manang Terentina sa likod namin. "Ano na naman 'yang pinag-uusapan niyo?"

Huminto kami sa pagchichismisan ni Ate Nory. Agad na kinuha niyang sa akin ang leaf rake habang nagpipigil ng tawa.

Light Up The SkyWhere stories live. Discover now