EULII44

676 39 47
                                    

-

"Mahal mo pa ako pero hindi mo maamin kasi ayaw mo 'kong patawarin!"

-

Third Person's POV

"Senator... napupuno na 'ko sa'yo..." mahinahon ngunit puno ng inis na sabi ni Eul sa kaharap. Nakataas pa ang kilay nito dahil sa di mapigil na irita sa kausap.

"You can have the Vista... kung iniisip mo na kukunin ko 'yon sa'yo, sige... sa'yo na." Sabi pa ni Eul sabay sumandal sa upuan. Sa sinabi ay inangat na ng senador ang kaniyang tingin at tinitigan si Eul.

Hinihimas ni Eul ang sariling sintido dahil nananakit na ang kaniyang ulo. "Maybe... your confession is worth the ten billion pesos." Pagkibit balikat pang sabi ni Eul.

Hindi parin nagsalita si Senator Gatchalian at napansin ni Eul na ito ay mariing nagiisip.

Tumingin sa kaniyang relo at huminga ng malalim bago tumayo at magsalita.

"Ganito nalang... kung hindi mo sasabihin sakin ang alam mo, then say your farewell to Vista Mining Company..."

-

"---I loved him... until now... naipit lang kami pareho sa sitwasyon..." pagtatapos ni Spiro sa kaniyang kuwento.

Napuno ng katahimikan ang pagitan nilang apat. Tanging ingay lamang sa restaurant ang naririnig. Wala ni isa ang nangahas na tumingin kay Spiro. Lahat sila ay nakatitig sa lamesa at pilit na iniintindi ang mapait na karanasan ni Spiro.

"Alam na ba 'to ni Eul?" Puno ng awang tanong ni Clive na kanina pa malungkot na nakatitig kay Spiro. Umiling lang ang huli.

"I'm so sorry... I didn't know, and yet I judged you... sorry Spi..." malungkot na paghingi ng tawad ni Cassey. Napagtanto niyang mali pagtrato niya kay Spiro matapos ng nangyari limang taon na ang nakakaraan.

"It's okay... naiintindihan ko kayo..." pagkuway na sagot naman ni Spiro sabay ngiti sa kanila.

Muli silang nanahimik at malungkot na tumitig sa kawalan. Ilang sandali pa, huminga si Sheena ng malalim bago nagtanong.

"Anong balak mo ngayon?" Tanong ni Sheena. Ang tatlo ngayon ay nakatitig kay Spiro na kumakamot sa ulo nito. "Yun nga eh... hindi ko na rin alam ang gagawin ko... kagabi pagtapos kasi ng nangyari samin---" hindi niya natuloy ang sinasabi nang gulat na nagtanong ang tatlo.

"May nangyari sa inyo?!" Sabay-sabay nilang tanong na nanlaki pa ang mga mata. Ngumiti lamang si Spiro bilang pagsagot.

"Grabe! Ang bilis ng mga pangyayari!" Natatawang sabi ni Cassey.

"Hindi mo alam, Sheena?" Takang tanong ni Clive kay Sheena.

Umiling pa ito. "Hindi ko alam..." panimula nito at nagisip. "I saw you two kissing at the tent---WTH?! 'Yan ba yan nung nakaraang araw na hindi siya nakauwi?!" Gulat na tanong ni Sheena nang mapagtanto.

"Sa tent?!" Gulat na si Cassey.

"Ang wild niyo naman..." sabi pa ni Clive na natatawa.

Ngumiti ulit si Spiro na ngayon ay nakakaramdam ng kilig bilang pagtugon. "Wait---sabi ni Skyrus magkasama sila?!" Di parin makapaniwalang tanong ni Sheena. Natawa pa ito bago magsalita "Grabe..."

"May nangyari na sa inyo pero di pa kayo nakakapagusap?!" Takang tanong pa ni Clive.

"Haynako... boto na ulit ako sa'yo!" Pagkuway na sabi ni Cassey sabay turo kay Spiro. Ngumiti at kumamot pa ito sa kaniyang batok bago magsalita.

"Kaya nga gusto ko sana humingi ng tulong sa inyo..."

-

"Sure ka bang hindi ka malalagot kay Eul..." may kabang sambit ni Spiro habang naglalakad sila ni Sheena sa ME Group Center Building patungo sa mismong opisina ni Eul.

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon