Chapter 19

42.3K 719 39
                                    

Chapter 19

Isang mainit na yakap ang agad na isinalubong sa akin ni Ivan nang makababa ako ng Montero ni Miguel. Hindi ko na pinansin pa ang paghalukipkip ni Miguel bagkus ay pumaloob sa mainit na bisig ng aking bestfriend. I miss my home. I miss my old life, marami na pala ang nagbago simula nang magtungo ako sa Batangas.

Ngumisi ako sa ngayon ay nakasimangot na si Janine sa gilid ni Ivan ng palayain na niya ako.

"Long time no see Ja. Nice to see you again." malamyang ngumiti sa akin si Janine at nagulat ako ng yakapin din niya ako. Marahil ay alam na niya ang sinapit ko. I smirked at Ivan. Hinanap ko ang anak nila ngunit iniwan daw nila iyon kay Tita Jackie sa Maynila. Lumihis ang paningin ni Ivan sa akin at saka ko pa lamang naalala na ipakilala si Miguel sa kanila.

"I forgot. Ivan, Janine siya nga pala si Miguel ang boyfriend ko. Miguel, si Ivan bestfriend ko at si Janine fiance niya." ikinawit ko ang kamay ko sa braso ni Miguel habang siya naman ay nakipag-tanguan lamang kay Ivan.

"At talagang hindi mo ako ipinakilalang kaibigan huh?" sarkastikong tanong ni Janine sa akin habang ako naman ay napailing na lamang. Hindi talaga marunong gumalang ang babaeng iyon, mas matanda pa rin ako sa kanya ng ilang taon 'no.

"Saka na kapag close na tayo. Let's go! Ang lamig kaya!" maarte kong yakag sa kanila at hinila na si Miguel papasok sa loob ng hotel na pagmamay-ari ni Ivan.

Pagkatawag ni Ivan ay agad kaming nag-impake ni Miguel patungo sa Baguio City kung saan nagsimula ang lahat ng gulo sa buhay ko. Hindi man siya nagtatanong ay alam kong maraming gumugulo sa kanya. Wala akong maipaliwanag sa kanya dahil maski ako magulo ang isip. Gusto ko bang gawin 'to? Natatakot ako sa mga bagay na maaari kong malaman. Some things are better unexplained. Takot akong masaktan, takot akong malaman ang katotohanan. Minsan mas mainam pa na clueless ka sa lahat ng bagay atleast safe ka sa lahat ng sakit.

"Bakit ba kasi naka-sleeveless top at denim shorts ka lang?" tanong ni Janine sa akin habang inaabot niya sa akin iyong cardigan niya. Hindi na ako nag-inarte pa dahil pakiramdam ko ay sisipunin na ako.

"Hello! Ang buong akala ko kasi ay sa Puerto Azul lang ako magbabakasyon hindi ko naman akalain na makakarating pala ako ng Baguio City!" hanggang makarating sa may front desk ay nagpatuloy pa rin ang bangayan naming dalawa ni Janine tungkol sa aking damit habang ang dalawang lalaki naman naming kasama ay parehas lang na tahimik. I know that this is really awkward for the both of them.

"Yvette Anne, can we talk?" malamig na tanong sa akin ni Ivan at iniabot niya sa akin ang key card ng silid namin ni Miguel. Kunot-noo siyang umiling ng sabihin kong sa iisang kwarto lamang kami ni Miguel.

"Yvette, dadalhin ko na muna sa taas iyong mga gamit natin. I'll see you later." mabilis ang iginawad sa aking halik ni Miguel at agad na akong hinilang palayo ni Ivan sa kanya.

Ewan ko ba kung nagseselos ba 'tong si Ivan o talagang aburido lang talaga siya kay Miguel. Kanina ko pa kasi napapansin na malamig ang pakikitungo niya sa nobyo ko. Gumaganti yata siya sa pagiging mean ko kay Janine. Yes mabait si Janine but hindi ko talaga siya feel simula bata pa lamang kami, siguro'y dahil bata pa lang siya ay sa kanya na nakatuon ang atensyon ni Ivan kahit ako pa ang madalas niyang kasama.

Hindi ko maitatangging head over heels ang kaibigan ko sa kanya. Imagine natiis niyang tumira sa Singapore mag-isa maiwasan lang si Janine. Gusto niyang tumuntong muna sa tamang edad si Janine bago niya ito ligawan. Age doesn't matter nga talaga siguro. Aba, gumagapang pa lamang si Janine ay naglalaro na kami ng bahay-bahayan ni Ivan. Haha.

Apat na taon ang tanda sa akin ni Miguel, nagtataka nga ako kung bakit ganoon dahil matagal na naging magnobyo ang mommy ko at daddy niya. Does it mean na matagal ng niloloko ni Tito Steven si mommy noong sila pa?

The Virgin's First Night 8: Had No MercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon