CHAPTER 56

986K 36.3K 76.9K
                                    


AUTHOR'S NOTE: I will not update tomorrow, I'm busy, sorry.


CHAPTER 56

"MAXRILL..." HINDI makapaniwalang sambit ko matapos mapanood si Hwang na tumumba sa harap ni Dirk.

Napatitig ako kay Hwang, inaalam kung gagalaw pa ito. Ngunit naagaw nang mabilis na pagkilos ni Dirk ang atensyon ko. Sapilitan niyang inagaw ang pana kay Maxrill at kinausap ito gamit ang ibang lenggwahe. Mahahalatang galit siya. Pero mas galit ang paraan ng pagsagot ni Maxrill.

Sa panonood sa kanila ay natanaw ko sa kanilang likuran ang pagdating ng iba pang myembro ng pamilyang Moon. Si Chairman More ang una kong natanaw, sa magkabilang tabi niya ay naroon sina Mokz at Maxpein. Ganoon na lang ang pagguhit ng mga luha sa aking mga mata.

Nanghihina akong napaluhod at muling tiningnan si Maxwell. Sa isip ko ay paulit-ulit akong nagtatanong kung bakit ito nangyari. Sa huli ay sinisi ko ang sarili sa kagustuhang pumunta rito.

Gano'n na lang ang pagbilis ng paglalakad ng tatlo nang mamataang nakahandusay si Maxwell. Pasigaw na nagtanong si Tito More matapos lumuhod sa harapan ng panganay na anak. Si Mokz ay lumapit kay Hwang at sinigurong patay na ito. Habang si Maxpein ay hinihingi ang pana kay Maxrill.

Napapikit si Maxpein nang tuluyang mahawakan ang pana. Saka pa lang siya sumulyap sa 'kin, inaalam ang kalagayan ko. Nang mapagtantong maayos lang ako ay saka niya tinapunan ng tingin ang kaniyang kuya.

"I'm so sorry," umiiyak kong sabi ngunit wala akong natanggap na tugon.

At gano'n na lang ang tili at pag-atras ko patalikod nang may apat na imaheng tumalon palibot sa 'kin! Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga iyon!

Agad na gumapan gang kilabot sa katawan ko nang makita ang suot ng mga iyon. Pawang mga balot na balot ng pulos kulay berdeng tila uniporme at may mga suot na itim na kapa. Sa takot na baka may kinalaman sa mga rango at Hwang ang mga iyon ay dali-dali akong tumayo at tumakbo sa tabi ni Maxrill.

Humupa lang ang takot ko nang sabay-sabay na magsipagtanguhan ang pamilyang Moon sa mga ito. Sabay-sabay na tumugon ng tango ang mga ito saka ako tinapunan ng tingin. Nagbaba ako ng tingin saka wala sa sariling nakitango rin.

Nagsalita si Tito More saka ako isinenyas sa mga iyon. Sumagot naman ang isa sa apat na matatanda saka sabay-sabay na inalis ang mga tingin sa akin.

Pawang matatanda na ang apat, siguradong mas may edad pa kaysa kay Mokz. Dahil sa pare-parehong matataas na sobrero ay hindi ko makita ang buhok ng mga iyon. Bukod sa mukha at leeg, mga kamay lang yata ang nakikita sa mga ito.

"'Wag mo silang titigan," mahinang ani Dirk.

"Sorry," napapahiya kong tugon. "Si Maxwell," nag-aalala kong sabi. "Kailangan na niyang madala sa ospital. Mauubusan siya ng dugo."

Nagsalita si Mokz, narinig ko nang banggitin niya ang salitang maji. Sa isip ko ay hiniling kong sana ay may kinalaman na sa pagdadala sa ospital ang sinabi niya sa apat na matanda.

Nabuhay ang pag-asa ko nang awtomatikong kumilos sina Maxrill, Mokz at Dirk upang buhatin si Maxwell. Pumuwesto ako sa ulunan ni Maxwell para maprotektahan iyon.

"Dadalhin natin siya sa ospital," ani Mokz. Lalong nabuhay ang pag-asa ko. "Maiwan ka, Maxrill Won," hindi ko maipaliwanag kung galit o nag-uutos lang ang tinig niya. "Kausapin mo ang mga taga-Kaechon."

Buntong-hininga ang isinagot ni Maxrill saka tinitigan ang nakatatandang kapatid. Iyon lang at tinalikuran na namin siya. Nakakailang hakbang pa lamang kami ay may sasakyan nang paparating. Sa malayo pa lang ay nakita ko nang malukot ang mukha ni Tita Maze, siya ang nagmamaneho niyon.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon