XXIII

15.9K 670 685
                                    

"Most things that seem like coincidences are actually meant to be, and anything that was meant to be is called destiny."

~TKEM






Chapter 23: Let's start over










Masaya at patakbo pa ako sa pagbaba ng hagdan habang hinahawi-hawi ang bagong blower kong buhok. Daig ko pa ang sinapian ng kabaklaan ni Roberto. Dahil kung hindi niyo naitatanong dahil wala namang magtatanong, share ko nalang, today is the day...the big day, and the best day! Excited na excited ako. Maaga akong natulog, maagang nagising, naligo, at nag-ayos. Feel na feel ko ang halimuyak ko ngayon. Huh? Halimuyak? Basta feeling fresh. Aakitin natin ang baby boo ko. Ay, ako lang pala, wag na kayong sumali.









"Good morning mga kababayan!" Bati ko kay mama at sa kasambahay namin na nginitian naman ako. Kasalukuyan silang nagluluto para sa almusal habang ito ako...mangungulit ng ganito kaaga. Sinulyapan ko ang wall clock, 30 minutes nalang alas-sais na.








"Ang aga mong nagising, 'nak ah. May lakad ka ba?" Tanong ni mama.









"Bago ba sayong maaga akong nagising, ma?" Natatawang tanong ko rin. Kinuha ko ang small notebook at pen sa ibabaw ng ref saka naupo.









"Sobra."









"Hmm, ano kasi...pupunta ako ng supermarket ngayon. May gusto ba kayong ipabili, ma? Gulay? Prutas? Baboy? Manok? Baka? May stock pa ba tayo ng lucheon meat?" Nahinto siya sa paghiwa ng sibuyas at buong pagtatakang tumingin sa'kin. "Maintenance niyo ni daddy?"









Nagm'maintenance ba sila?










"Anak, wala kaming sakit ng daddy mo para magmaintenance at wala kang mabibiling gamot sa supermarket," aniya pa. Sabi ko nga pero sinabi ko bang sa supermarket ako bibili ng gamot? Hindi ba pwedeng dadaan ako ng drugstore? "Ano bang gagawin mo dun ng ganito kaaga?" Pinagpatuloy nito ang ginagawa.









"Ma, may date kasi ako," medyo kinikilig na sabi ko. Medyo lang po. Konti lang. "I need to buy——!"









"May date ka sa supermarket? Ganito kaaga?" Singit ni daddy na kapapasok lang ng kitchen. Nagmamadali ito sa pagtatali ng necktie at nagmamadali ring tinikman ang kapeng tinimpla sa kanya ni mama bago ako sinulyapan. Mal'late na siguro 'to sa trabaho. "Sino namang kadate mo? Lalaki ba yan? Babae ba yan? Tao pa ba 'yan?" Tanong niya pa. Natawa naman si mama na siya nang nag-aayos ng necktie niya.









Napasimangot ako sa sinabi ni daddy. Grabe, bully talaga 'tong tatay ko kahit kailan. Mukha na ba akong wala sa katinuan para magdate ng hindi tao?









"Dad you're not funny." Bumaling ako sa notebook at nagsulat sa itaas ng 'things to buy.' First time kong gagawin 'to, kahit mag-grocery hindi ko ginagawa. Taong bahay kasi ako. Binalik ko ang tingin kay daddy na paalis na. Hindi na nito inubos ang kape at kumuha na lamang ng huling higop doon. "Pero...pwedeng hindi rin tao daddy dahil mukhang anghel sa ganda ang baboo ko kaya iisipin pa ba nilang tao siya? She looks like someone who lives in heaven though," I stated. Periodt. Kinikilig kong dinala ang notebook sa harap ng mukha ko at wala sa sariling inamoy. Weird gestures.









Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon