Chapter Thirteen

56 15 1
                                    

Dare


Chapter Thirteen



"Tangina mo, saksakin kita ng ballpen, eh." 

Sinabi ko 'yon sa mahinang boses na kaming dalawa lang ang makakarinig. Nag-smirk siya bago niya ako sagutin na mas nagpakulo pa ng dugo ko sa hayop na 'to.

"Ano ka? Elementary para saksakin ako ng ballpen? Tss." mapang-asar niyang sinabi. Tinignan ko lang siya ng masama dahil hindi ko pwedeng burahin ang mapang-asar na ngisi niya at baka masibak agad ako unang araw palang.


Sakto naman na pumasok si Addison at Vixen sa room, nang nilingon ko sila, nagtama ang mga mata namin at nakita nilang si Phoenix na nga katabi ko. Halata pa sa ekspresiyon ko na badtrip ako sa isang 'to. 

Parang gago kasi, sarap upakan. Dapat tinuluyan nalang namin 'to nung nasa Cebu, eh.

Dumiretso sa likod ko si Addison at Vixen, may dalawang bakanteng upuan na magkatabi kasi sa likod namin ni Phoenix. Ipapanalangin ko pa ata na sana magkaroon ng seating arrangement para hindi kami magkatabi magdamag ni kupal na master.


Busy ako kaka-hiling nang kalabitin ako ni Addison. Nung tinignan ko siya ay nginuso niya si Phoenix. 

"Bakit katabi mo?" she mouthed. Nagkibit balikat lang ako at umirap dahilan para tumawa ang dalawa. 

Kung sa kanila ay okay lang dahil natapos naman na ang nangyari noon, tapos nalaman pa namin na siya si Master, pwes, sa akin hindi okay. Ewan ko ba, anino niya palang o amoy ay umiinit na ang ulo ko. 

Naalala ko kasi pagtawa niya kahit walang nakakatawa. Nakakairita kaya. Nagtatanong ka tapos tatawanan ka, what a jerk.


"Rei," tawag ni Addison bigla. Tinaasan ko siya ng kilay bilang tugon.

"'Wag na mainit ulo, pogi naman katabi mo, eh." sabay humalakhak sila ni Vixen, napatingin tuloy iba naming kaklase sa gawi namin. 

Napa-ismid ako sa sinabi niya at tinignan ko si Phoenix. I'm sure he heard what Addison said, kaya naman may nakasilay na ngisi nanaman sa makapal niyang mukha kahit naka-earphones siya.

"Don't praise him. Hindi deserve, psh." sabi ko nalang bago ko nilabas ang iPad ko. He chuckled when he heard my answer, konti nalang yata iisipin nito na malaki galit ko sakanya. Slight lang naman.


Yabang niya, gago. Feeling ko badtrip ako buong araw dahil sa mukhang daga na 'to. Akala mo kung sino eh, 'no. Pake ko kung siya si Master?

Napaisip ako sa sinabi ko sa sarili ko. Ano nga bang pake ko? Bakit galit na galit ako? Bakit iritado ako sa presensya niya kahit wala naman siyang ginagawa na kahit ano? 

Lalo lang ako nabadtrip sa pinagtatanong ko sa sarili ko, wala naman kasi akong makukuhang sagot kasi hindi ko rin naman alam kung bakit!

Basta, hangga't maaari, ayokong mapalapit o makausap si Phoenix. Mamaya, may sumugod pa sa akin, akalaing close kami. Oh, diba? Pahamak dala nito, eh. Binabawi ko na pagpuri ko sakanya nung una ko siyang nakita.


May iilang lumalapit sa kanya na mga kaklase namin, kinakausap siya. Ang iba, binabati lang siya o tinatanguan. Karamihan sa mga 'yon ay babae, tapos pag hindi niya type, tinitignan niya lang or hindi papansinin, kung seswertehin sila, hand gesture lang ang tanging sagot niya.

Bow Down, Master (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon