Chapter 328

586K 24.9K 38.2K
                                    

A/N: Nami-miss ko na gumala! Sana makapunta din ako isla.





Cliff Diving

Jay-jay's POV

"Ayoko na nga kasi! Bakit mo ba ko pinipilit?" Maiyak-iyak na sabi ko.

"Just solve this one." Sabi niya sabay turo sa math problem sa papel.

Nakadukdok ako habang nakaharap sa kaniya. Kulang nalang mag-maka-awa akong tigilan na namin ang pag-re-review. Dalawang oras na ang nakakalipas pero heto pa rin kami kay Math na maraming problema.

Hilig-hilig gumawa ng problema tapos sa iba ipapa-resulba. Mahusay ka Math, mahusay.

"Last na yan?" Inis na tanong ko.

"Last na po. Then we'll turn to next topic, english."

"Wag na tayo mag-english, ang dami ko ng natutunan sayo."

"Like what?"

"Like what." Pang-gagaya ko sa kaniya.

Bahagya siyang tumawa. "Nice try."

"Nice try." Pang-gagaya ko ulit pati ng boses niya.

Matalim niya kong tinignan pero nakangiti pa rin siya. Mapang-asar ko naman siyang tinignan.

"Enough with the game." Sabi niya halatang sinusubukan ako.

Sinubukan kong pigilan ang pag-ngiti ko pero lumalabas pa rin. Alam ko namang alam niya ang gagawin ko.

Ano ha? Ano?

"Enough—!" Hindi ko na natapos ang pang-gagaya ko at napasigaw nalang ng malakas dahil sa biglaan niyang pagpisil sa tagiliran ko.

Pero hindi pa rin siya don tumigil. Walang tigil niya kong kinilite sa tagiliran. Panay ang habol ko sa kamay niya para pigilan pero hindi ko naman magawa dahil sa panghihina sa kakatawa.

"Tama na!" Sigaw habang tumatawa.

"Still copying me?"

Napahiga na ko sa sahig kaya mas naging madali sa kaniya ang pangingilite.

"Hindi! Hindi! Tama na!"

Mabuti nalang at pinakinggan niya ko at tumigil din siya. Nakatawa pa siya habang nakatingin sakin. Ako naman tong pagod na pagod at hingal na hingal dahil sa kakatawa at kakaiwas sa kamay niya.

"Ayoko na. Papakabait na ko." Paki-usap ko sa kaniya.

Nakangiti pa rin siya habang nakatingin sakin. Mukang pati siya pinagpawisan din sa kalokohan niya.

"Water?" Alok niya.

Tumango ako bago siya tumayo at pumunta ng kusina. Kinuha ko naman ang pagkakataon para makaupo ng maayos at makahinga ng malalim. Daig ko pa lumaban sa marathon. Naubos yata lahat ng kinain ko kaninang pananghalian.

Nagugutom na naman ako.

"Kwanan? Dala ka pagkain!" Sigaw ko.

Inayos ko ang lamesa at mga papel na nadamay sa kaguluhan namin. Balak ko sanang itapon ang papel na pinapa-sagutan sakin kung hindi lang dumating si Kei—kwanan dala ang tubig at plato na may Crema de Pruta.

"Akin." Sabi ko habang naka-abang ang mga kamay.

Inabot naman niya sakin yon bago ibaba ang basong dala rin niya sa lamesita.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon