Kabanata XXIX

18.2K 1K 275
                                    

ELIANA'S POV

NAKASIMANGOT ako habang naglalakad tungo sa hardin na pinag-usapan namin ni Sereia. Pagod na ang katawang lupa ko dahil sa pamimili kasama si Zephyr tapos kailangan ko pa harapin ang ganitong sitwasyon. Wala man lang bang pahinga ang buhay ko dito?!

Naabutan ko si Sereia na nakaupo malapit sa ilog. Patag ang lupa dito at maliwanag kumpara sa ibang parte ng hardin. Mainam na lugar para sa mga kilos tulad ng pagsasayw. May dala rin siyang gasera na nakasabit sa sanga ng puno na mas lalong nagpaliwanag ng lugar. Bumuntung hininga muna ako bago maglakad tungo sa kanya. Mukhang narinig niya naman ang pagkaluskos ng damo dahil sa mga kilos ko kaya mabilis siyang lumingon sa aking gawi.

"Bakit ngayon ka lang?" Kababakasan ng iritasyon ang kanyang boses. Hindi talaga uso sa kanya ang pagbati dahil tulad ko, bastos din siya makipag-usap. Tinaasan ko naman siya ng kilay na sana nakikita niya kahit bahagyang madilim.

"Nandito na nga ako, galit ka pa." Pagtataray ko rin sa kanya. Tuluyan na akong nakalapit sa puwesto niya kaya umayos ako ng pagkakatayo at pumameywang sa kanya. "Ano bang gagawin natin?" Inis kong tanong. Wala man lang kasi instrumento sa paligid o kaya bakas ng kahit anong kagamitan na magpapahiwatig na mag-eensayo kami ng isang sayaw.

"Mag-eensayo. Ano pa ba?" Pagtataray niya sa akin habang sinusubukan tumayo mula sa damuhan at pinapagpagan ang sarili.

"Talaga? Hindi halata na mag-eensayo tayo dahil wala ka naman halos dala."

"At ano naman ang dadalhin ko? Tambol?" Inirapan niya pa ako kaya mas lalo akong hindi nagpatalo sa kanya.

"Bakit hindi? Ano bang bagay ang kaya makalikha ng musika para sa sayaw? Hindi ba tambol?" Ano bang tingin niya ang pagsasayaw?! Kasing-simple ng paglalakad? Kayang gawin ng wala halos tugtog?! Eh di mukha kaming tanga parehas kung ganoon.

Inirapan niya muna ako bago sumagot. Mukhang magsasagutan na lang din kami ng irap ngayong gabi dahil hindi magpapatalo si Sereia.

"Kinausap ko si Maestra kanina at ang sabi niya ay ang tugtog ng Amadeo Morricone ang ating gagamitin. Hindi pa natin kailangan ng musika dahil ang bilang ng kantang iyon ay ay walo-walo! Uso naman siguro ang magbilang muna hindi ba?!" Inis niyang pahayag sa akin na bahagya ko naman ikinatahimik. Aminado ako medyo napahiya ako sa sinabi niya. Tama naman ang punto niya dahil ang paggawa ng mga galaw sa sayaw ay nagsisimula muna sa pagbibilang.

Hindi na ako nagsalita sa kanya at nag-unat na lamang. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang sinabi niya dahil hindi ko ipupunto na tama siya. Kita ko naman na inismiran niya ako nang pumunta ako sa harapan niya. Ano bang problema nito sa akin at palagi na lang mainit ang dugo niya kapag ako ang kaharap?

"Tutal hindi ka naman marunong magsayaw." Tiningnan ko pa siya mula ulo hanggang paa bilang pang-aasar bago magpatuloy sa aking sinasabi. "Ako ang magtuturo para sa ating dalawa tama ba?" Pagmamayabang ko sa kanya. Totoo naman na sa aming dalawa, ako ang mas marunong sumayaw. Napatunayan na namin iyan kanina at hindi talaga mapagkakaila na hindi kaya magsabay ng mga paa at kamay ni Sereia.

"Kung marunong lang ako sumayaw ay ako na ang nagturo sa sarili ko." Dinig ko pang bulong niya pero hindi ko na siya pinansin. Pakalmahin mo ang sarili mo, Yvonne. Pagtiisan mo saglit ang babaeng iyan. Nakapag-isip isip ka na rin kanina na ayaw mo umulit ng semestre sa pagsasayaw at wala pang kasiguraduhan na makakapasok ka pa sa akademya kaya mas mabuting tapusin mo na lang. Magpakumbaba ka muna ngayon dahil kagagaling mo lang sa isang masayang pangyayari.

Nagsimula na ako sa pagtuturo sa kanya at nauna kong itinuro ang pagyuko. Tulad nga ng sinabi ng pesteng Maestra sa Amadeo Morricone, ang pagyuko ang hudyat ng pagsisimula sa bawat tradisyonal na sayaw dito.  Mukhang dito pa lang ay nahihirapan na siya kaya naman makailang-beses kaming nagpaulit-ulit doon. Hindi rin maiiwasan na magbangayan kami dahil hindi niya pa rin natatama ang simpleng pagyuko. Makailang beses akong pumikit ng mariin upang kalmahin ang sarili ko dahil panay din ang bulyaw niya sa akin na parang binayaran niya ako para magturo sa kanya.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon